1

117 4 1
                                    


Sunny's Pov

Malakas na naman ang ulan. Isa ito sa mga pinaka-kinatatakutan ko eh, bukod pa sa malakas na kulog at kidlat. Bakit? Tuwing umuulan kasi lumalabas yung mga sobrang nakakatakot na multo. Oo, may third eye ako. Obvious naman diba? Hay, kung pwede lang sanang ipamigay itong gift ni God sakin, matagal ko na sanang naipamigay, siguro ngayon wala na din yung palagi kong karamay na mga eyebags ko.

"Sunny, pwede bang pakilinis mo yung room 404? Bukas kasi lilipat dun yung bagong tenant eh." Si Manang Ester. Ang caretaker ng apartment na inuupahan namin ni ate.

Hingang malalim sabay pasok sa room 404. Wala talagang tumatagal na tenant sa room na ito, pa'no palagi sigurong pinapakitaan nung matandang ale na nagmumulto dito. Tsk. Unti-unti kong pinulot ang mga kalat sa sahig, biglang kumulog ng napakalakas sabay pagpatay ng ilaw. Juice ko po! Help me God! Napatingin ako sa bandang sulok ng kuwarto. Doon ko nakita yung imahe nung matanda, nasa late 60's na siguro tapos humihingi siya ng tulong. Maya-maya ay unti- unting umikot ng 360 degrees ang ulo niya kaya napatakbo ako sa hallway sa sobrang takot. Tumakbo ako ng tumakbo paakyat sa pinakataas na hagdan pero sumusunod pa din yung matandang multo hanggang sa makarating ako sa attic, sa kuwarto namin ni ate. Nagmamadali kong isinara ang pinto.

"Umalis ka na please! Wag mo naman ako takutin!"

After 30 minutes andito ako ngayon sa mismong tapat ng bahay ni Mrs. Delos Reyes. Siya yung matandang babae na multo na nagpapakita sa room 404. Kasalukuyan pala siyang nakaburol ngayon. Madami-dami din ang nakikiramay, napalingon ako sa isang lamesa kung saan maingay na naguusap ang 2 babae at isang lalaki. Nag-aaway sila tungkol sa pagsusugal ng kapatid nilang lalaki. Tumango sa akin si Mrs. Delos Reyes. Lumakad ako diretso palapit sa mga anak niya.

"Ahm.. excuse me.. may pinapabigay nga pala yung mama niyo.
Nagulat sila sa bigla kong pagsulpot kaya naman inilapag ko na agad yung passbook account ng nanay nila. Yung lalake ang kumuha nito sabay tingin sa loob.

"Bank account ni mama 'to ah!" Nanlaki ang mata nito ng makita kung gano kalaki yung laman ng account. Nagsitingin na din yung 2 niyang kapatid.

"300,000 pesos? Grabe di ko akalain na may ganito pala kalaking pera si mama!

"Diyos ko! Ang laking pera niyan." Namilog yung mga mata nila sa nakita.

Pagkatapos ay nagsimula na sila ulit magaway away kung sino ang dapat humawak ng pera. Tss. Ang tao nga naman pagdating sa pera, walang kama-kamag-anak, ni hindi man lang nila naisip yung nanay nila. Ngumiti ng pasasalamat sa akin si Mrs. Delos Reyes bago tuluyang nawala yung kaluluwa niya.

"Sabi niya gamitin niyo daw yung pera sa pagpapalibing at ibayad sa mga utang yung matitira. Ahh-- may isa pa pala siyang pinapasabi... hinawakan ko ng mahigpit sa balikat yung anak na lalaki, subukan mong magsugal ulit! Ako na mismo ang puputol sa mga daliri mo!"

Mission accomplished.

Matatahimik na din yung room 404 at ang next tenant na titira doon.

Ang problema, pano ako nito ngayon uuwi? Hatinggabi na at ang lakas pa ng ulan. Good luck sa akin! Wala akong choice kundi maghintay ng good samaritan dito sa kalsada. Lord, sana po merong magpasakay sa akin kahit hanggang sa terminal lang ng bus. Huhu. 15 mins na akong nakatayo dito ng may maaninag akong sasakyan. Pinara ko yung kotse ng payong ko para makita nila ako. Abot langit ang pasasalamat ko ng tumigil sa harap ko yung kotse kaso bigla din itong humarurot paalis.

Laglag ang balikat ko. Ano ng gagawin ko ngayon?

Pero maya-maya ay bumalik din yung kotse sa harapan ko.

The Master's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon