[VindictivePrincess' Note: KONNICHIWA minna. sorry readers for the SUPER DUPER late update! :( Please forgive me. Choosss! sorry po talaga.. The next chapter after this would be the ending na. :) Enjoy reading Guys&Gals! Sobrang liit lang nitong update na to. pramis! bawi ako sa ending! :))) ILOVEYOU.. :* Please Vote for this.. and leave some comments na din. :"> Sorry po talaga for the late update.. Enjoy reading.. <3 ]
(Ang nakaraan.... :D ---)
“Yael????” Jam said, she is referring to Eli. Yung mukha niya, she looks so horrible. Yung mga mata niya parang naluluha niya. Hindi ko alam kong bakit..
Bakit niya tinawag si Eli na Yael??
Si Yael? Si Yael yung nakabuntis sa kanya. Ano to? Anong ibig sabihin nito? Sino ba talaga si Eli? At anong pinagsasabi ni Jamilla ngayon na siya si Yael.
“Yael , its you..” Jam said, maluha-luha niyang sabi. She seems so sure.
(Sa pagpapatuloy…---)
“Yael, its you.. hindi ako pwedeng magkamali.. kilalang-kilala kita. Kilalang kilala ko ang bawat ikaw… Yael..” napahagulhol ng iyak si Jam habang nakahawak siya sa pisngi ni Eli, ni Yael.. uuuhhhh! I dunno. Sino ba talaga ang lalaking to.
Nagpabaling-baling lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ako makapagsalita. Walang ni isang word ang lumalabas sa bibig ko.
Tumingin ako kay Eli or Yael… tumingin ako ng diretso sa mga mata niya, yung tingin na im asking for an explanation.. at sa pagtingin ko, wala akong makitang emosyon sa kanyang mata.. ang tanging nakita ko ay ang unting-unting pagkabuo ng mga luha niya.
“Im sorry” he mouthed those words to me habang nakayakap na sa kanya si Jam. And while he mouthed those words, pumatak ang luha na kanina lang ay namuo sa kanyang mga mata.
at ang dalawang salitang yan ang naging hudyat para tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha. Mga salitang pumira-piraso sa aking puso.
Hindi ko akalain, na ang taong minahal ko ng lubos. Ang taong minahal ko ng buong-buo. Ang taong, pinagkatiwalaan ko, ay ang taong dudurog, mananakit at sisira pala ng tiwala ko. Ang Eli na nakilala at minahal ko, ay ang Yael pala na kinabaliwan, minahal ng lubos ng pinakamamahal kong kaibigan. And worst, ang Ama ng pinakatangi-tangi at pinakamamahal kong Inaanak na tinuring ko na ring anak. ang sakit sakit..
Alam mo kung bakit? Kasi, wala akong laban e. oo, girlfriend ako, pero sila may anak. oo, girlfriend ako, pero hindi ko kayang saktan ng sobra ang bestfriend ko. Alam ko at saksi ako mismo sa sobrang pagmamahal ni Jam sa kanya… kung anong hirap ang ginawa ni Jam para lang makita siya. Saksi ako sa every pain na naramdaman ni Jam nung nawala si Yael. Hindi ko na kaya pang makita si Jam na ganun, ngayong alam ko naman na may magagawa ako. Hindi ko kayang humarap kay Janjan kasama si Eli o Yael at sasabihin kong ‘Jan, eto pala ang boyfriend ko, magiging ninong mo… ang iyong Daddy’ oh diba? Kayo, sa tingin niyo maganda pakinggan? Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal at hindi ko na kaya ang mga pangyayaring to, hindi ko na kaya ang mga nakikita ko ngayon..
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad na papunta sa may elevator, babalik na lang ako sa unit ko at dun nalang ako magmumukmok at dun ko nalang to ibuhos lahat ng hinanakit ko. narinig ko si Eli o Yael, I dunno what to call him kasi sa totoo lang, ang taong akala ko kilalang kilala ko na, ay hindi ko pala talaga kilala. “wait Jam.. im sorry. Let’s talk about this some other time…”
“wait Jam. Im sorry. Let’s talk about this some other time..”
“wait Jam. Im sorry. Let’s talk about this some other time..”
“wait Jam. Im sorry. Let’s talk about this some other time..”
While hearing those words, patuloy ang pag-iyak ko. See? So totoo nga ang lahat ng to. Siya nga talaga si Yael. Sigh.
Nasa tapat na ako ng elevator at aktong pipindutin ko na sana ang button nang pinigilan ako ni Eli..
“wait Shin. Let’s talk. Please.. I’ll explain this to you..” sabi niya sa akin. Yung tono ng boses niya parang sobrang seryoso..
Pinunasan ko yung luha sa mga mata ko at humarap sa kanya..
“I don’t need an explanation. Yung mga nakita at narinig ko ngayon ay sakto na. You don’t need to explain anymore.” Sabi ko sa kanya ng hindi ko alam kung anong naging emosyon ko.
“But Shin.. please. Let me—“ hindi na natapos ni Yael ang sasabihin niya dahil…
“maam Jam.. maam Jam.. tumawag po yung School na pinapasukan ni Janjan. Hindi daw po kasi nila kayo makontak kaya sa amin na lang idinirect ang call.. sinugod daw po nila ang anak niyo sa hospital..” yan ang mga salitang umagaw ng pansin kay Yael at nagpashock at nagpapatak ng luha niya..
Hindi siya makagalaw. Ni hindi ko maintindihan ang reaction niya. Tulala lang siyang Nakatingin lang siya kay Jam na ngayon ay tarantang-taranta at nagmamadaling lumabas na paniguradong papunta sa hospital.
Hindi ko alam anong gagawin ko. Gustuhin ko mang pumunta sa Hospital para tignan ang kalagayan ni Janjan.. ngunit, mahinang-mahina ako ngayon to face everyone.. kaya pipiliin ko nalang muna na manatili sa unit ko. I pushed the elevator button at agad naman itong bumukas at sumakay na ako. I pushed the hold button muna..
“I don’t want to hear explanations na. tanggap ko na at kahit hindi, eh kailangan kong tanggapin. Isang hamak na Girlfriend mo lang ako, walang laban kung ikompara sa Ina ng anak mo.” Napalingon siya sa akin at dun pumatak ang luha ko ngunit pinunasan ko ito at pinigilan ang pagpatak pa ng mga luha ko.
“Whaa—“ hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin. Tama na. ayoko na!
“I’m letting you go.. eventhough this is so hard for me. Mas kailangan ka nila. Mas kailangan ka ni Jam. mas kailangan ka ni Janjan, ng anak mo. Go get them back. I’ll be happy for all of you..” I faked a smile while he smiled to me with tears on his eyes.
“Thank you. Im sorry..” He mouthed those words to me at tumalikod na para sundan si Jam sa hospital.
I pushed the close button at habang unti-unti nang nagclose ang elevator door minamasdan ko ang bawat hakbang niya palayo sa akin…
At tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko.. hinang-hina na ako, hindi ko kinaya ang mga pangyayari ngayon, I think, any minute from now, magb-break down na ako. Pero kakayanin ko hanggang makarating ako sa loob ng unit ko. At doon ko ibubuhos ang lahat ng ito.
Ang sakit sakit sobra..ganito pala ang feeling ng nilelet go mo ang taong mahal na mahal mo. Ganito pala ang feeling na makita mo ang taong mahal na mahal mo naglalakad papalayo sayo at hinding-hindi na magiging iyo muli.. ganito pala ang feeling ng maiwan ng mahal mo. Ang sakit. Ang sakit sakit sobra.. oo, nakakatawang pakinggan pero ito ang totoo, parang pasan ko ang mundo sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
~~!