[VindictivePrincess note: ALOHA! :))) The ending is here... :) HOPIA like it! :)) ♥♥♥ Enjoy reading guys.. hope you could lend me a vote and comments. :) mwaaaah! I dedicate this to @perkyaphrodite dahil nagtsaga talaga siyang hintayin to. Thanks Girl! :)
Hope magustuhan niyo po ang ending na to. :))) ♥ LoveLoveLove....]
!!!!!!!!!
“Im sorry Shin. I never loved you the way He loves you. I tried, but i just couldn’t.”
Dalawang buwan na rin ang lumipas simula nong mga masasakit na pangyayaring yun. Dalawang buwan na rin mula nong sinabi ni Yael na ang buong akala ko ay si Eli ang napakasakit na mga salitang yan. Dalawang buwan na rin mula nong pagmumukmok, pag iiyak at pagdaramdam ko sa mga masasakit na pangyayaring yun. And hanggang ngayon, andito pa rin ang sakit na dulot ng araw na yun. Hindi madali ang lahat, lalo’t napaglaruan ako, pinaasa, pinag mukhang tanga. Kung kailan ako naging masaya sa pag ibig, kung kailan ako nagseryoso, saka pa ako naloko, saka pa ako nasaktan.
Ang sakit sakit sobra. Naloko ako, nagmukha akong tanga! Pero sabi ko nga diba, dalawang buwan na ang lumipas. Oo, andito pa rin ang sakit, ngunit hindi na kasing-sakit nung dati. Habang patagal ng patagal, pawala na rin ng pawala ang sakit. Time heals kumbaga.
Katotohanan ang nagpalaya sa akin sa napakasakit at nakapanlulumong pangyayaring yun. Naloko man ako, nagmukha man akong tanga, pero naging sapat sa akin na nalaman ko ang katotohan para unti-unting maalis ang sakit sa puso ko.
*tok tok tok* katok sa pinto na narinig kong binuksan na ata ni Jam.
“Shin!” tawag sa akin ni Jam, andito kasi siya sa unit ko nakatulog kagabi.
“mmm?” – ako
“Eli’s here, Dalian mo na dyan. I’ll go ahead na, susunduin ko na si Yanyan kina mama.” Sabi ni Jam.
“kay..” sagot ko sa kanya at palabas na ng kwarto ko.
“morning.” He smiled then lumapit siya sa akin bigay ang dala-dala niyang flowers.
Tumingin ako sa flowers na bigay niya at tiningnan ko siya. Then I gave him my sweetest smile. “Thanks.”
*FLASHBACK*
Isang linggo na din akong nagmumukmok dito sa unit ko. Hindi ako lumalabas, ni hindi ako kumakain. Ewan ko kung bakit ko to nakakayanan pero sa hindi talaga ako dinadalaw ng gutom e. hindi ko nakakayanang tumayo, my whole body’s shaking, I dunno why. Totoo nga talaga yung sinasabi nila na ganito daw pag broken hearted. Hindi kasi talaga ako naniniwala non e.
Simula din nung mga pangyayaring yun, ni hindi ko pa sinubukang tingnan ang cellphone ko.