CHAPTER 15

1.2M 23.1K 4K
                                    

CHAPTER 15

IPINARADA ni Luther ang sasakyan sa labas ng bahay niya, hindi niya inihatid si Amethyst sa bahay nito pagkatapos nang nangayari. Hindi puwede baka mapahamak ito roon. Mabilis siyang lumabas at umikot patungo sa passenger seat para pagbuksan si Amethyst na walang emosyon ang mukha.

He's afraid of what she must be thinking at the moment. He just killed a man in front of her!

Sabay silang pumasok sa bahay niya at sa paglipas ng bawat sigundo, hindi siya mapakali sa katahimikan ni Amethyst.

She's silent and it's scaring the fuck out of him!

Nagpapasalamat siyang naroon sina Blake at Blaze sa salas ng makapasok sila. I'm sure they will break the ice.

"Hey, what's up, X?" Nakangiting tanong sa kaniya ni Blaze. Ang ngiting 'yon ay naglaho ng makita ang mukha ni Amethyst na walang emosyon. "You look like hell, Miss Amethyst."

Tipid lang na ngumiti si Amethyst bilang tugon sa huling sinabi ni Blaze, at mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at takot.

Maybe this is it. The time has come for Amethyst to leave him. He's sure as hell she won't stay with a man who just murdered someone. Why is his life so fucked up? I hate this!Bakit kailangan pa nitong makita ang ginawa niya? Kaya niyang isangla ang kalukuwa niya sa demonyo, tanggapin lang siya ni Amethyst bilang siya at hindi na ito maghanap ng iba pa— pero sa nangyari, hindi na siya magtataka kung tumakbo palayo sa kaniya ang dalaga.

She will never accept him.

Hinawakan niya sa kamay si Amethyst at masuyo itong hinila patungo sa kuwarto niya at pinaupo ang dalaga sa kama pagkatapos ayumupo siya sa tabi nito.

"I'm sorry you have to see that." Kaagad niyang panimula sa mababang boses. "Sa mundong ginagalawan ko, normal na 'yon. I usually don't kill, but that man pointed his gun at you. I cannot let that happen. Over my dead fucking body—"

"Ayoko ng ganito, Luther."

Nanigas siya sa kinauupuan at dahan-dahang napatingin sa dalaga na nakatutok ang mga mata sa sahig ng silid niya.

"A-Ano?" Nauutal na sabi niya. Kinain ng takot ang buo niyang pagkatao.

"Ayoko ng ganito." Ulit nitong sabi saka kinagat nito ang pang-ibabang labi. "I'm thankful that you saved my life but ..." Her job is to take down criminals and Luther, he just murdered someone.

"But what?" Kinakabahan niyang tanong habang nakatingi kay Amethyst na bakas ang kaguluhan sa mukha. "This is me, Amethyst. This is the real me." Anguish was now visible in his face. "Hindi ba puwedeng tanggapin mo ako bilang ako? I will make you happy, I'll buy anything that you desire, i will give you my heart... just stay..." hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Stay with me, Amethyst...don't leave me."

Tumingin sa mga mata niya si Amethyst. The confusion on her face was replaced by blank expression. "I can't be with a man like you, Luther. I just can't. Ayokong malaman ang mga ginagawa mong masama kaya huwag mo akong pigilang umalis."

His insides tightened and he dropped on his knees. He begged. "Please, Amethyst, please... don't leave me... please... please..."

Tears fell down from her eyes. "I can't."

Nagpa-panic siyang umiling. "No! Don't! Please! Stay!" Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. "Amethyst, please!"

Inagaw ni Amethyst ang kamay nito na hawak niya saka malalaki ang hakbang na umalis ito ng kuwarto niya at luamyo sa kaniya.

Napatitig lang si Luther sa kawalan habang nakaluhod pa rin.

Parang may sumasakal sa puso niya habang nakaluhod. Nanginginig ang kalamnan niya at parang kinakapos siya ng hininga sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Is his heart breaking again?

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon