CHAPTER 12

1.4M 28K 3K
                                    

CHAPTER 12

GISING ang diwa ni Amethyst ng bumukas ang pinto ng silid na kinaruruonan niya sa loob ng Club ni Luther. Nang nagmulat siya ng mata, nakita niya si Luther na naglalakad palapit sa kama na kinahihigaan niya. He looks dangerous as he strides towards her, yet, oddly, she's not afraid of him.

Ilang oras na siyang nakatali pa rin siya sa kama at walang magawa para makawala. Her skill is limited only to getting information and kicking someone's ass. Hindi siya makawala kahit anong subok niya. Hindi siya si Themarie, ang isa sa kaibigan niya na ang daming kayang gawin.

Nang makaupo ang binata sa gilid ng kama, kitang-kita niya sa mukha nito ang pagod. Hinilamos nito ang mga palad sa mukha nito saka bumuga ng marahas na hangin.

"Fuck!" Luther hissed under his breath.

Nakaramdam siya ng awa sa binata. Bakas sa mukha nito na parang pagod na pagod na ito na may halong pagsisisi at pagkamuhi.

"Luther." Kuha niya sa pansin ng binata.

Luther gives her a sideway glance. "What?!" He snapped at her.

"Ayos ka lang ba?" May pag-aalang tanong niya.

Natigilan ito bago mapait itong ngumiti na nauwi sa mapaklang tawa. "I killed a man today, Amethyst." Tumitig ito sa mga mata niya. "I guess you're right, I'll never be gentle even if I try so hard."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Please, tanggalin mo ang posas ko." Gusto niya itong yakapin at sabihing ayos lang 'yon.

Pero kailan ba naging maayos ang pagpatay ng tao?

Laking gulat ni Amethyst nang dumukwang si Luther palapit sa kamay niya at inalis nga ang posas sa kamay niya. Her hands were freed in less than seconds and Amethyst slowly embraced Luther to console her, pero kaagad na binaklas ni Luther ang mga braso niya rito.

"Umalis ka na, Amethyst." Tumayo ito saka naglakad patungo sa maliit na Bar na naroon saka magsalin ng alak sa shot glass. "You know," uminom ito ng alak. "Tama ka. I'm not a good person and I will never be. Kaya umalis ka na."

Bumuntong-hininga siya. Amethyst can feel her heart breaking at Luther's words. Hindi man niya makayang aminin ditto ng harapan kasi medyo wala na ang epekto ng alak sa kanya, pero nasasaktan siya na pinagtutulakan siya nito palayo. Kanina lang, bago ito umalis, ay maayos naman ito. Tapos ngayon, parang hindi na ito maayos.

Something must have happened.

"Ano ba'ng nangyari sayo?" Tanong niya at naglakad palapit dito. Inagaw niya ang bote ng whiskey na hawak nito at ibinalik iyon sa lalagyan. "Ano bang nangyari sayo?" Tanong niya at masuyong sinapo ang mukha nito at pilit na pinaharap sa kaniya. "Look at me, please?" She demanded.

Humarap ito sa kaniya at pinakatitigan siya. "Sige na, umalis ka na." May pakiusap sa boses nito. "Just go. Leave me alone."

She didn't listen to Luther, instead she encircled her arms around Luther's waist. She can't bear to see his sad face which he has right now. Kaya niyakap niya ang binata.

Naramdaman niyang nanigas si Luther sa ginawa niyang pagyakap dito pero hindi siya nito tinulak palayo na pinagpasalamat niya. Pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman niyang yumakap ang braso nito sa beywang niya saka hinapit siya palapit sa katawan nito.

He hugged her tightly, like he doesn't want to let go of him.

"Amethyst," he breathes out her name like he's afraid to let her go. "I'm a very dangerous man, so pleas leave." Mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. "I'm not the right man for you. I never will be."

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon