CHAPTER 21

1.2M 25.9K 4.8K
                                    

CHAPTER 21

MALALAKI ang hakbang ni Amethyst habang bumababa siya sa hagdan, patungo sa pintuan ng mansiyon ni Luther. The doorbell was persistently ringing and she assumed that it wasn't Luther. He wouldn't push the doorbell like that.

Inihanda ni Amethyst ang sarili bago binuksan ang pinto.

Amethyst came face to face with a man— a handsome man.

"S-sino ka?" Matalim ang mga mata niya at handang lumaban kung may gawin sa kaniyang masama ang lalaking nasa harapan.

Huminga ng malalim ang lalaki at sinubukang ngumiti pero parang naging ngiwi ang ngiti nito.

"Hi." Anang lalaki. "You're Amethyst, right?"

Tumango siya habang magkasalubong ang nuo. "Oo, bakit?"

Bumuntong-hininga ang lalaki saka nagsalita. "I'm here to fetch you. I'm Minrod. I'm Luther's friend."

Umatras siya. "Friend? Paano kayo naging magkaibigan?" Natigilan siya ng pumasok sa isip niya si Luther. "Teka, nasaan si Luther?" Luminga-linga siya, hinahanap ang binata. "Nasaan siya? Anong nangyari sa kaniya? Okay lang ba siya?"

"That's why I'm here." He sighed heavily like what he's about to say is going to end her life. "He's dead."

D-Dead? H-He's d-dead? L-Luther... is... dead? No... it can't be...

Marahas siyang umiling at hindi matanggap ang sinabi nito. "No... no! Nagsisinungalinga ka!" Sigaw niya habang tumutulo isa-isa ang kaniyang mga luha. "Hindi... nagsisinungaling ka! Buhay siya!" Pinagsusuntok niya ang dibdib ng lalaki na hindi lumaban sa kanya. "Buhay siya! Sabi niya hintayin ko siya. That's why I'm here. I'm waiting for him... no. You're lying!"

Umiling ang lalaki. "I'm sorry but he's dead. Look, stop crying. Wala namang mangyayari at walang magbabago. Patay na siya. Kasama siya sa mga namatay ng sumabog ang eroplanong sinasakyan ni Mr. Tan. Sumakay sila sa eroplanong iyon para patayin si Mr. Tan dahil sa pag-rape nito sa ina ni Luther. He wanted revenge so much and now he has it and it cost him his life. That bastard! He was a very good agent who dedicated his six years of life. Very efficient and just plain awesome."

Natigilan siya at malalaki ang matang napatitig sa lalaki na nasa harapan niya. Luther was an Agent? A good guy? Oh God! He's an Agent all along and she nearly blows his cover for six years.

Tears fall from her eyes, her lips trembling. "H-Hindi. H-Hindi niya ako iiwan. Nagpapahintay siya sakin. Please, tell me, he didn't leave me. Baka nawawala lang siya o kaya naman may tama lang ng bala o kaya nahulog at hindi pa nakikita. No... Hindi siya puwedeng mamatay! Hindi puwedeng mamatay ang Luther ko! Hindi!"

Amethyst was hysterically crying when the guy handed her a ziplock.

"Nariyan ang cellphone at passport mo. Kunuha 'yan ni Luther, pinapabigay niya sayo." The man tried to smile. "You'll be good. Hindi naman siguro mawawala ang buhay mo kasabay ng pagkawala ng kay Luther."

Sunod-sunod na naming pumatak ang luha niya. He's wrong. Luther was her life. Handa siyang talikuran lahat para sa lalaking mahal na mahal!

"Take it." Anang lalaki na winawagayway sa harap ng mukha niya ang ziplock.

Humihikbing tinanggap niya ang ziplock na inaabot nito sa kaniya saka wala sa sariling nag-umpisang maglakad palabas ng mansiyon habang mahigpit iyong hawal.

She felt wrecked.

These tears of her won't stop as she walked without destination... God... Luther...

Nanginginig ang buong katawan niya habang naglalakad ng walang destinasyon. Para siyang isang dahon ng isang puno na nalaglag at tinatangay ng hangin na walang paruruonan.

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon