CHAPTER 13

1.4M 28K 2.7K
                                    

CHAPTER 13

HUMINGA ng malalim si Amethyst habang may hawak na isang tasang kape at nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto niya. The weather looks nice, unlike what she's feeling right now. Excited siyang makasama si Luther mamaya tulad ng pangako nito sa kaniya na lalabas sila pero nang umalis ito, hindi niya napigilang mapatanong kung anong gagawin nito.

Something bad maybe? That's what he do for a living. Dapat masanay na siya— napailing siya—hindi, hindi siya dapat masanay. Her job is to put people like Luther behind bars but she can't even do her job properly because she's so consumed with what she feels for Luther.

Hindi yata niya kakayanin na makulong ito ng dahil sa kaniya. She just doesn't have the strength to betray Luther like that... but, her job is at stake.

It's Luther versus her job.

And as she sips her coffee and thinks of ways on how to talk to Luther into changing what he does, the door to Luther's terrace opened.

Nagulat si Amethyst ng makitang ang ama 'yon ni Luther. Halata ang pagod at iritasyong nakaguhit sa mukha nito. Mas matanda itong tingnan keysa sa toto nitong edad dahil sa mukha nitong halatang problemado.

"Hello po, Tito." Magalang niyang bati rito para kunin na rin ang atensiyon nito.

Halatang nagulat ito at nag-angat ng tingin sa kaniya. Napakurap-kurap ito ng makita kapagkuwan ay tipid na ngumiti. "Hija, ikaw pala. Kumusta ka na?"

Amethyts smiled back. "Ayos lang ho, Tito."

Tumango-tango ito. "That's good." 

Nararamdaman ni Amethyst na doon na magtatapos ang usapan nila. Kaya naman magpapaalam na sana siya ng magsalita ulit ang ama ni Luther.

"I saw you with Luther and I saw him coming out from your house." Wika nito na ikinatigil niya sa pagsimsim ng kape. "Natutuwa ako na magkasundo pa rin kayo hanggang ngayon, natutuwa ako kasi nakikita kong bumabalik siya sa dating Luther na kilala ko kapag kasama ka niya. At least he still treats you good. Kahit papaano, may pag-asa pa ring babalik siya sa dati."

Parang nanikip ang puso niya sa narinig na lungkot sa boses ng ama ni Luther. "Ano ho ba ang nangyari kay Luther, Tito? Bakit siya nagbago ng ganun?"

Sadness and pain shadowed his face. "His mother died." Mapakla itong ngumiti. "That's what happened."

Bago pa siya makapagtanong ulit, pumasok na sa loob ang ama ni Luther at naiwan siya na maraming katanungan sa isip.

Whatever happened to Luther has something to do with his mother's death. But how did it change him? What happened that it change the Luther she once knew.

Napabuntong-hininga nalang siya ng wala siyang maisagot sa sarili niyang tanong. At least, ngayon, may kaunting ideya na siya kung bakit nagkaganoon si Luther.

HUMINGA ng malalim si Luther pagkatapos matanggap ang pera para mula kay Mr. Gernale ang assistant ni Mr. Henrick na isa sa mga kasamahan din ni Mr. Tsui. Ang pera na bigay nito sa kaniya ay para sa Limampung kilong high end na druga na tanging siya lang ang mayroon.

"Send my regards to Mr. Henrick." Nakangiting aniya, "do tell him that I will cut him from my drug distribution if he doesn't come to see me personally."

"It will anger Mr. Henrick—"

"I don't care." Nagdilim ang mukha niya, "I'd been doing business with him for more than five years now. Siguro naman sapat na 'yon para pagkatiwalaan niya ako. Kung ayaw niyang makipagkita sakin, then that's okay. I will cut him off from my distribution and accept Mr. Luan offer."

Dangerous Gentleman (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon