Chapter Sixteen

3.3K 111 0
                                    

Chapter Sixteen
 
 

[Audrina]
 
 
 
"Oh princess, anong balak mo sa birthday mo? One month from now magde-debut ka na." Sabi ni Kuya sa harap ko.
 
 

Tinignan ko lang siya ng poker face. Seriously?! Kailangan ko pang mag-debut? Hayss. Hindi ako sanay sa maraming ta at nakakahiya kaya yun!
 
 

"Audrina, alam ko yang iinisip mo. Kailangan namin sabihin na nandito ka na. Ang kaisa-isang tagapag-mana ng Shi." Sabi ni Kuya Andrei.
 
 

Nagtataka ako. Bakit ako ang tagapag-mana? Eh siya nga yung panganay eh! Siya dapat ang ipakilala at hindi ako. At saka wala pa akong alam alam sa business nila ni Dad.
 
 

"Di ka talaga magsasalita?" Sabi ulit ni Kuya. Alam kong naiinis siya dahil ang cold ko. Kasi naman ayaw ko magdebut ng bongga. Pwede naman kasi yung simple lang. Yung kami-kami lang.
 
 

"Uy Kuya! Wait lang." Habol ko sa kaya ng biga siyang umalis sa harap ko. Nagtampo na talaga siya sa akin dahil nagwalk-out na talaga. Tsk talaganf  kinokonsensya niya ako.
 
 

"Sige na. Papayag na ako sa inyo ni Dad." Sabi ko na lang. Harmless naman siguro pag ipinakilala ako nila Dad. Tsaka para naman maranasan ko din kung anong feeling ng mag debut ipakilala sa mga tao kahit ayaw ko.
 
 

"Talaga! Yey! Little Princess. Di bale two days after your birthday doon magaganap ang debut mo." Sabi ni Kuya. Labag man sa loob ko, tumango na lang ako.
 
 

"O sige! Pumasok ka na." Sabi ni Kuya at ngumiti sa akin sabay tulak. Doon ko lang na-realize, may pasok pala ako. Ano ba yan mukhang male-late pa ako.

***

Dumiretso na ako sa room at alam kong late na ako. Waaah! Sana naman di ako pagalitan.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom, tumingin sila sa akin. Ugh! I hate being the center of attraction. Dumiretso ako sa upuan ko sa likod ng tahimik at hindi sila pinansin. Nagtaka nama ako noong tumingin sila sa akin.

"Excuse me, ma'am! Hindi ba  siya mabibigyan ng consequence? She's 30 minutes late!" Sabi noong isang girl na maarte. Tinignan ko siya ng diretso. Psh, don't care about the consequence thingy.

"Hindi na. Mag-focus na lang kayo sa topic natin." Sabi ng guro at iniwasan ako ng tingin.

"What the?" Sabi nilang lahat. Ewan ko ba kung bakit big deal ang simpleng bagay sa kanila.

"Tsk, madaya. Di porket sa inyo itong University na ito." Sabi ni Britt. Agad naman akong napalingon, kung ano-ano ang pinagsasabi ng lalaking ito.

"May sinasabi ka?" Sabi ko ng mataray.

"Wala.... wala." Sabi niya at natulog sa klase. Aba! Hindi lang nahiya kay Sir na nagtuturo.
 
 

Mga dalawang oras din akong nakaupo at sa wakas! Breaktime na. Dali-dali akong lumabas ng room at dumiretso sa cafeteria.

Nang makabili ako ng pagkain, naghanap agad ako ng mauupuan. Kumain ako mag-isa at di pinansin ang mga tao sa paligid ko na sumusulyap sa akin. Masaydo akong nagutom dahil subject na chemistry para alalahanin ang iba. Well totoo naman.

Habang kumakain ako napansin ko dumating na ang grupo nila Britt. Ang M4. Nairita ako kasi ang ingay nila kaya tumingin ako ng masama sa kanila. Bigla naman silang tumigil at bumili ng pagkain na hindi nag-iingay. Problema nila? Tinignan ko lang sila ng masama eh. Tsk. Ang weird nila at himala di nila ako nilapitan at kinulit. Naiirita nga lang ako kasi si Britt, tingin ng tingin.

Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa classroom. Nakinig sa boring na discussion ng apat na oras at tadaaaa! uwian na! Yes!

Naglakad na ulit ako papunta sa harap ng gate at lahat ng mga estudyante nakatingin sa akin. Arghh! Naiirita ako. Dapat pala nagpanggap pa akong nerd para walang tumitingin sa akin.
 

Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na. Pagkalabas ko, wala pa ang mga sundo kong men in gray. Nakakapagtaka kasi hindi sila on time. Hinabaan ko ang pasensta ko at  naghintay ako ng

 

5 minutes
.
.
10 minutes
.
.
15 minutes
.
.
20 minutes
.
.
.
.
.
.
40 minutes

Arghh! Nababagot na ako. Kanina pa ako naghihintay. Dumidilim na. Ano ba yan! Nafi-feel ko pang may nakatingin sa akin. Tsk.

"Aaaaahhhhhh!" Sigaw ko kasi may nagtakip ng bunganga ko at hinila ako. Bigla ko naman siyang sinuntok.

"Aray!" Sabi ng boses lalaki. Wait! Boses to ni Britt ah! H-hala baka isa siya sa gustong pumatay sa akin. *gulp*

"Gusto mo akong patayin ano?! Wag kang gagalaw. May dala akong kunai at katana dito." Sabi ko ng cold. Tsk, akala ko mabait siya pero papatayin rin niya pala ako.

"Wag kang OA! May sumusunod sa atin. Bilisan mo! Hindi mo lang na-realize na kanina pang may tumitingin sa iyo. Tsk!" Sabi niya at hinila niya ako ng mabilis.

So hindi niya ako papatayin? Pero may sumusunod sa amin. Binilisan namin ang paglakad at nang may nakita kaming mga nakared na palapit sa amin, bigla kaming nagtago sa halaman.

"Hoy! Baliw ka na ba? Nangangati na ako dito! Feeling ko may higad." Sabi ko habang naiiyak dahil nangangati na ako at 6:30 pm na. Paniguradong nag-alala na sila sa akin.

"Shhh." Sabi niya. Sumilip naman siya sa mga taong nakared.

"Mga bobo! Bakit ninyo hinayaang makatakas?! Tsk. Magagalit na naman si master sa atin. Alam kong siya na yun eh!" Sabi ng isang lalaki na galit na galit.

"Pero imposible. Patay na yung hinahanap natin!" Sabi ng isa. Wala na akong sunod na narinig dahil pumasok na sila sa kotse. Nang makaalis na sila, lumabas na ako.
 

"Arghhh! Ang kati!!!!!!!!" Sabi ko sabay kamot sa braso ko. Nakaligtas DAW kami pero heto ako ngayon nangangati.

"Oh sorry---"

*beeeeeeep*

"Ayos ka lang? Walang masakit sa iyo?" Biglang tanong ni Dad sa akin pagkalabas niya sa sasakyan. Umiling naman ako.

"Nangangati lang po ako." Sabi ko. May kinausap siya at pagbalik ay may dala ng alcohol at cream para sa kati daw.

"Britt. Salamat, I owe you. Maybe you know the truth pero nagtitiwala ako sa iyo. Salamat dahil pinoprotektahan mo siya." Sabi ni Dad. Wala naman akong maintindihan except sa last word.

Si Britt, pinoprotektahan ako?

Revenge of the Missing Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon