Chapter Thirty

1.6K 32 10
                                    

Chapter Thirty

[Audrina]

Nasa hospital ako ngayon na pagmamay-ari namin. Nakaupo sa gilid habang hinihintay sa operation room si Kuya at Britt.

Yung dalawang taong importante sa akin.

Bakit ganun? Lahat na lang ng mahalagang tao ay nahihirapan sa akin. Si mommy, namatay dahil sa akin. Yung mga kinilala kong magulang, alam kong nahirapan din sila na ilagay ako sa sitwasyong iyon at kailangan isikreto ang mga bagay sa akin. Si Dad? Kahit masakit na malayo ako sa kanya ay tiniis niya at dahil sa akin kung bakit din siya namatay.

Tapos ngayon... Si Kuya Andrei at si Britt.

Bigla akong napaluha. Ang sakit sakit kasi. Hindi naman porket cold ako at may yelo akong personalidad ay hindi na ako nasasaktan. Tao ako, may damdamin. Shit. I hate crying talaga.

"Y-young heir i-if you want to rest you c-can go to your r-room. Nag-alala lang po ako sa health niyo" Tanong sa akin ng isang nurse. I gave her weak smile at dahil doon nagulat siya.
 
 
Nagulat siguro na siya na ang katulad kong puro makikipaglaban ang alam ay marunong ngumiti. Sabagay hindi naman kasi ako palangiti dahil cold akong tao.
 

"Okay."
 

Pagkatapos ay may tumulak na ng wheel chair ko. Gusto kong mapaluha dahil akala ko ako na lang mag-isa pero may nag-aalala pa rin sa akin. Inihatid ako sa room ko at tinulungan akong makaupo sa kama ko. May tama kasi ako ng bala sa binti at ang dami kong nakuhang sugat.

"Young heir kung may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako. Magbabantay po kami sa labas ng kwarto niyo." Sabi niya. Tumango naman ako at tuluyan na siyang umalis.

Bigla na naman akong napaiyak. I'm such a bad person! Hindi ko man lang naisip yung mga ibang tao na nadamay dahil sa galit ko. Sa sobrang galit ko, nilamon na ng dilim ang puso ko.

"Ang OA mo talaga, Audrina este young lady." Biglang sabi ni Lexus sa akin at umupo sa sofa. Napatingin naman ako sa kanya ng masama. Paano siya nakapasok?!

"Uyyy joke lang. Baka mamatay ako sa tingin mo! Hahahahahaha sige ka di na kumpleto ang m4." Sabi niya at pagkatapos niyang tuaw biglang sumeryoso ang mukha.
 
 
"Nahuli na namin si Loucel Lucia, ang leader ng Lilac L Mafia na siyang mastermind sa pagpatay sa mommy mo at daddy mo. Yung mga past heiress years ago ng Blue Shi Mafia ay sila din ang nagpapatay. Because they are under the illegal drugs. Wala sila sa tamang pag-iisip." Sabi niya bigla ulit akong napaluha at nakaramdam ng sakit sa puso ko.
 

"Pwedeng paki-explain ang nangyari sa Mafia namin? Please kasi gulong-gulo na ako." Sabi ko habang pinupunasan an luha ko.

"Ang mga Lucia at nga Shi ay magkaibigan dati. Nagparaya si Dom Lucia sa taong mahal niya na si Andy para kay Shi pero hindi niya matanggap ni Lucia na pati ang pagiging boss sa Mafia ay mapupunta kay Lucas Shi. Involved kasi sa illegal transaction ng pagbenta ng droga si Dom Lucia aya di siya napili. Yes we do kill people na masasama, we sell guns and other harmful equipments, we manipulate people pero ang pagbenta at paggamit ng droga ay ipinababawal dahil hindi mo alam ang ginagawa mo pag under ka na ng droga."

"Nasa mental hospital na si Loucel at nabaliw dahil akala niya patay na si Kuya Andrei."

Napangiti ako ng mapait. May kasalanan din naman ako kung bakit nasa OR si Kuya. Alam kong ginawa niya iyon para matapos na. "Mabubuhay naman si Kuya Andrei diba? Pati si Britt?" Sabi ko sa kanya.

"Oo naman! Pag nawala si Britt di na kumpleto ang M4 tas poprotektahan ka pa non kaya di ka niya iiwanan at mahal na mahal ka ni Kuya Andrei para iwan ka." Sabi niya.
 
 
Nginitian ko na lamang siyang tipid at hindi na kami nag-imikan.
 
 
"Alam mo.... " Biglang sabi niya sa kaya ako napatingin sa kanya. 
 
 
"Ang lakas mo kasi kahit sobrang nasasaktan ka na, lumalaban ka pa rin. Pero sa kakalaban mo, madami ng nasaktan na tao. Kakahiganti mo, nilamon na ng galit yang puso mo. Hindi mo makakamit ang kapayapaan kung puro paghihiganti. Magpatawad ka at malalaman mo yung tunay na hinahanap mo. Hehehehe wala lang share lang. Sige aalis na ako. Mag-iingat ka ng Audrina!" Dagdag niya at umalis na.

 
Bigla akong natamaan sa sinabi ni Laxus. Tama siya. Hindi pa huli ang lahat.  Aayusin ko. Maitatama ko lahat ng maling ginawa ko. Revenge? Nah, ayoko na. Pagod na ako.
 
 

Sana lang, maging maayos pa ang lahat.

Revenge of the Missing Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon