Chapter Twenty One
[Audrina]
Isang buwan na akong nawawala at isng buwan na rin akong hindi nagpapakita. Nasa tagong lugar ako na kung saan si Britt lamang ang may alam.
Sa isang buwan na iyon ay nag-ensayo lamang ako. Kailangan kong galingan para makaganti sa Red Dragon Mafia na pumatay kay Mommy at binaries kay Daddy at Kuya.Ayoko ng mawalan ng minamahal sa buhay. Pagod na akong masaktan at ilang beses na akong muntikan mamatay pero hindi na ngayon dahil sisiguraduhin kong malakas na ako.
"Audrina?" Sabi ng isang boses. Paglingon ko nakita ko si Britt. Ngumiti ako sa kanya.
"Kanina ka pa diyan. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Tara kain ka muna." Sabi niya ng pasungit.
"Sige mauna ka na. Tatapusin ko muna ito." Sabi ko sa kanya. Nag-aaral kasi ako kung paano ang tamang pagpana.
"So mas mahalaga siya kaysa sa akin?" Sabi ni Britt habang nakataas ang kilay. Umirap na lamang ako.
"Tss." Pagsusungit ko sa kanya.
"Ang sungit mo talaga. Sht! Mas lalo tuloy kitang nagugustuhan." Sabi niya sa akin.
Feeling ko tumaas lahat ng dugo sa mukha ko at nag-init ang tainga ko. Omyghaad! Kinikilig ba ako? Tss."Tapos namumula ka pa! Nahuhulog na talaga ako sa iyo." Sabi pa niya at humalakhak.
Feeling ko mas lalong namula ang mukha ko kaya tumalikod ako sa kanya. "Tara kain na tayo. Nagugutom na ako." Sabi ko na lang para maiba ang usapan.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas ako ng bahay at nagmuni muni. Ang sarap dito sa lugar na ito. Walang ibang tao at wala kang ibang poproblemahin. Maayos pa sa lugar na ito. Hayyyy sana yung buhay ko din ay maayos na.
"Oh ano naman ang iniisip mo? Ako yan ano?" Sabi ni Britt. Inirapan ko na naman siya dahil Nakakabwisit lang eh! Waaaaaah! Pag nandiyan siya bumibilis ang tibok ng puso ko. Letse! Huhuhuhu.
"Alam mo, isang buwan ka ng tulala. Di ko nga alam kung nakakatulog ka pa ng maayos at wala ka ng ginawa kundi mag training eh natural na malakas ka na. Hay! Minsan alam mo nakakaewan ka na." Sabi niya sa akin. Nagrereklamo ba siya?
"So? Anong pinagtatanggol mo?" Sabi ko sa kanya.
"Napapabayaan mo na ang sarili mo. Alam kong stress ka at may trauma ka pa rin sa nangyari last month pero please kalimutan mo muna iyon. Kalimutan mo muna ang lahat ng iniisip mo. Ngayon araw ako lang dapat ang isipin mo at bilis na! Magbihis ka na at may pupuntahan tayo." Sabi niya sa akin.
"Huh? Saan?" Tanong ko sa kanya pero tinulak niya na lang ako papasok ng pintuan bahay para makapunta na ako sa kwarto ko at makapag bihis.-------
"Wow ang ganda dito! Hindi ko alam na may ganito palang lugar." Sabi ko. Waaah! Super ganda talaga tapos kami lang ang tao.
"Sabi sa iyo eh. Basta tatandaan mo, ako lang iisipin mo. Relaxation ang tawag dito." Sabi ni Britt. Grabe! Ang bait niya talaga minsan. Nakakatouch grabe.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay lumayo ako sa kanya ng konti. Nilibot ko rin ang paningin ko. May falls dito at sobrang linaw ng tubig. Malakas pa ang simoy ng hangin. Ang ganda ng lugar na ito. Napapalibutan pa ng maraming puno kaya di mo akalaing may falls dito kasi akala mo gubat lang.
Hinubad ko ang flip flops ko. Hindi ko na tinanggal ang damit ko kasi may extra naman akong damit and duhh makita pa ni Britt yung gergeous kong katawan.
After that nagdive na ako. Brrr! Ang lamig ng tubig pero ayos lang. Halos 3 oras din akong nagbabad sa falls. Ang saya dahil nakalimutan ko panandalian ang mga pinoproblema ko.
"Audrina! Kain muna tayo! 2:00 na ng hapon." Sabi ni Britt. Napangiti ako. Umahon ako at kinuha ng tuwalya.
"Nag-enjoy ka?" Tanong niya sa akin.
"Super!!" Masayang sabi ko. Napangiti si Britt at kumain na kami.
Pagkatapos namin kumain ay nakatingin lamang kami sa falls. Walang nagsasalita. Ito ata yung silence na di nakaka-akward.
"Uhmm, Britt?" Pagpuputol ko sa usapan.
"Bakit?" Sabi ni Britt at napalingon sa akin.
"Thank you." At ngumiti ako sa kanya. "Thank you dahil lagi kang nandiyan para sa akin kahit hindi pa maganda ang una nating pagkikita. Salamat kasi kahit cold ako napagtiyagaan mo ako. Lagi kang nandiyan pag kailangan kita. Tapos ngayon, pinasaya mo na naman ako. Hindi ko na alam kung paano babawi sa iyo." Sabi ko sa kanya.
Bigla niya akong niyakap kaya nagulat ako. "Di mo na kailangan bumawi kasi makita lang kitang masaya, ayos na iyon. And I promised to your Dad na babantayan kita at aalagan. Tsaka syempre gagawin ko lahat para sa iyo, nahulog na kasi ako sa iyo. Mahal na kita at ayaw ko na makita kang nasasaktan." Sabi niya sa akin.
Napaluha naman ako kaya sinapak ko siya. "Bwiset." Sabi ko sa kanya. Pinapabilis niya kasi ang tibok ng puso ko. Feeling ko nahulog na rin ako sa kanya.
"Hahahaha! Ganyan ka pala pag kinikilig." Sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
"Sa tingin ko nahulog na rin ako." Sabi ko at niyakap ko rin siya pabalik
BINABASA MO ANG
Revenge of the Missing Mafia Heir
Aksi"She was destined to be a Mafia Heir. Killing a person is also her destiny and no one can changed her destiny." ----- Story by: _khirsten_