[ANDREI]
Dali-dali akong pumasok sa hospital namin at dumiretso sa kwarto ni Dad. Pagdating ko doon ay wala na siya.
Nanikip ang dibdib ko at nanginginig ang kamay ko.
"Mr. Andrei, I'm sorry to say pero wala na ho siya." Sabi ng Doctor niya sa akin.
Tinignan ko siya ng masama. "Bakit hindi niyo ginawa ang lahat?! Doctor kayo diba?!" Sigaw ko sa kanya at halatang natakot siya.
"G-ginawa po namin ang l-lahat pero w-wala na po talaga." Sabi niya. Hindi ko na siya pinatapos at dali-dali akong lumabas at pumunta sa garden ng hospital.
Tsk! Bakit ganito? Bakit ganito ang buhay namin? Buhay ko? Oo nga't mayaman kami pero sobrang hirap naman ang dinadanas namin. Namatay si Mommy at itinuring pa akong anak kahit stepson niya lang ako. Audrina suffered too much. Yung Mafia, maraming nadadamay at namatay. Tapos si D-dad.
Napaluha ako. Kahit pala alam mong malakas ka na, kahit gaano ka pa ka-cold di mo maiiwasang masaktan. At sa mga ganitong panahon ay parang ang hina-hina mo. Yung parang ang hina mo dahil hindi mo mailigtas ang taong important sa iyo.
Damn! Nararamdaman ko na naman yung sakit sa dibdib ko at sa sobrang sakit ay parang hindi na ako makahinga. Shit! I hate this feeling.
"Psst."
Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses.
"Y-young Boss, a-are you okay?" Kabadong sabi ni Mafia Reaper T.
Tinignan ko siya ng blangko. Wala akong pakialam kung makita niyang umiiyak ako.
"A-ah hehehehe. U-umiiyak pala k-kayo edi m-malamang di kayo okay. Hehehe pasensiya na sa tanong ko." Sabi niya sa akin at tumabi sa bench na inuupuan ko.
"Alam kong nasasaktan ka ngayon pero isipin mo ang nasa paligid mo. Ang buong Mafia ay kailangan ka. Wala na si Big Boss at ikaw ang inaasahan nila. Si Audrina, paniguradong masasaktan yun at kailangan ka niya. Kailangan mong tibayan ang loob mo at nandito lang ako para sa iyo. Handang tumulong at makinig sa iyo." Sabi niya sa akin.
Napatigil ako sa pag-iyak. Tsk. May point siya. Niyakap ko siya.
"A-ahhh--" Gulat na sabi niya.
"Salamat." Sabi ko na lang.
----
[BRITT]
Paano ko ipapaliwanag kay Audrina ang pagkamatay ng Papa niya? Alam ko naman na hindi pa siya ganoon kaayos dahil sa nangyari tapos ganito pa?
Sa totoo lang nag-aalala na ako sa kanya. Kasi nakikita ko pa rin sa mga mata niya na gusto niyang maghiganti at yung matang yun? Nakapalungkot at pag tinititigan mo ay ramdam mo ang sakit.
Kaya hindi ko siya hinahayaang mag-isa at maging malungkot dahil nasasaktan ako. Hahahaha! Inlove na talaga ako.
Umalis na ako matapos kong kausapin ang lahat nga mga Mafia Group tungkol sa pagkamatay ng pinakamataas sa Mafia World. Sa Mansion ng mga Shi ang burol at lahat sila ay nakikidalamhati sa pagkamatay ng Big Boss
Pagpasok ko sa kotse ay huminga ako ng malalim at ngumiti. Kailangan kong alisin ang malungkot na aura sa aking gwapong mukha.
Pagdating ko sa secret house ay hinanap ko kaagad si Audrina ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Britt. Di ako makahinga." Reklamo niya pero nakangiti pa rin.
"Tss. Sungit. Hahahaha! Kaya hulog na hulog ako sa iyo." Sabi ko at ngumiti ng matamis. Sinuklian niya naman ako ng matipid na ngiti.
Yun lang?!
"Tss. Wala ka man lang kasweetan!" Sabi ko at kunyaring nagtatampo.
"Tss. Di ko naman kailangan maging 'sweet'. Tama na yung salitang mahal kita." Sabi niya at ngumiti ng matamis.
Hayyy! Nakakabuo ng araw naman 'to! Shit! Kinikilig ako.
"Grabe! Shit! Kinikilig ako sa iyo. Iba ka magpakilig." Sabi ko at natawa naman siya.
Niyakap ko siya. Pero habang yakap ko siya naalala ko na naman ang pagkamatay ng Daddy ni Audrina at hindi ko maiwasan matahimik.
"Britt, bigla kang tumahimik. May problema ba?" Tanong niya. Bigla akong kinabahan.
"Ah... Eh.. Audrina wag kang mabibigla." Seryosong sabi ko. "Patay na si Mr. Shi, Si Big Boss, yung Daddy mo." Seryoso kong sabi.
Kitang-kita ko kung paano mag-iba ang itsura niya. Sobrang cold. Walang emosyon ang mukha niya pero pagtitignan mo ang mata niya ay madaming sinasabi. Malungkot. Sobrang sakit.
"Sorry." Sabi ko na lang. Feeling ko kasalanan ko kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya.
"Britt. Iwan mo muna ako." Sabi niya ng cold.
"Pero.."
"Sinabing iwanan mo muna ako!!" Sigaw niya ng napakalakas sa akin. Sobrang nakakatakot at the same ang sakit. Hindi niya naman kailangan mag-isa dahil nandito ako para damayan siya. Tss.
"Sige. Iiwanan kita. Pag may kailangan ka tawagan mo lang ako." Walang emosyon ko ding sinabi at lumabas doon at umalis.
Masakit dahil pinaalis niya ako. Pero kung yun ang gusto niya susundin ko. Siguro--- siguro mamaya okay na siya."
---Short Update! Hehehe. Don't forgot to Vote!
-khirsss_10
BINABASA MO ANG
Revenge of the Missing Mafia Heir
Action"She was destined to be a Mafia Heir. Killing a person is also her destiny and no one can changed her destiny." ----- Story by: _khirsten_