Chapter Twenty Five

1.9K 51 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

[Andrei]

 
Nasa opisina ako at kausap ang isa sa mga Mafia spy na pinapaimbestigahan ko sa likod ng lahat ng mga ito.
 

"Young boss, sa tingin ko po ay hindi isang Mafia ang may kagagawan ng lahat ng ito." Sabi ng spy na pinadala ko.
 

"Paanong hindi Mafia?" Pagtatakang tanong ko.
 

Kung hindi siya Mafia, ay isa siya marahil sa mga may galit sa pamilya namin. Hindi ko alam kung anong kasalanan na nagawa ng pamilya/mafia kung bakit ganito ang nangyayari sa amin.

"May nakita rin po kaming pangalan na 'Lady L' sa baril na naiwan noong debut ng Heir na binaon sa lupa." Sabi ng spy at pagkatapos noon ay umalis na.

Damn it! Sumasakit ang ulo ko sa dami ng pinag-iisip ko. Pabalik na sana sa burol ni Dad ng may lumapit na mga Mafia Reapers sa akin.

"We have a problem. May pumatay sa sampung mafia ng Red Dragon. Tumatambay sila sa Underground kahapon at may nagpakita na babaeng nakaitim lahat at siyang pumatay sa sampung mafia." Sabi ni Mafia Reaper X sa akin.

Napahugot ako ng hininga at kinalma ang aking sarili dahil sa tingin ko ay malapit na akong sumabog. "Bakit... hindi niyo binantayan ang Red Dragon Mafia? Kailangan natin sila upang matukoy ang salarin sa pagpatay kay Daddy!" Sabi ng medyo pasigaw.

"U-umalis po kami saglit." Sabi ng mga reapers na nakayuko.

Doon na nag-init ang aking ulo pero hindi pa rin magandang magwala ako. Hindi muna ako sumagot at matalim na tumingin sa kanila.

"Nakilala niyo ba ang babae?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi po. Sinundan namin siya pero sadyang mabilis ang kilos niya." Sabi ni Mafia Reaper X.

"Kilalanin niyo sa at dalhin sa Villa. Baka may alam siya tungkol sa pagkamatay ni Dad." Sabi ko at tinalikuran ko na sila. Hindi na ako dumaan sa hall kung saan nakaburol si Dad at dumiretso sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Bigla akong nakaramdam ng pagod at parang ayaw gumana ng utak ko sa dami ng iniisip ko. Hindi ko alam ang uunahin ko. Kung ang kaayusan sa Mafia o ang paghahanap sa mga pumatay sa Dad ko.

"Aaaahhh!!!!" Sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Bakit ganito kakomplikado ng buhay ko? Sana.... sana maayos na ito.

--

Nagising ako sa tumatawag sa telepono ko at sa katok na nanggagaling sa pintuan ng kwarto ko. Kahit kulang sa tulog at tinatamad pa akong bumangon, tumayo na ako at sinagot ang tawag at naglakad papuntang pintuan.

"Hello?" Tanong ko ng masagot ko ang tawag habang ang isa kong kamay ang nagbukas ng pintuan.
 
 

"Andrei../Young Boss.." Sabi ni Britt sa telepono at ng isang Mafia sa harap ko.
 

"Nawawala ang Heir." Sabay ulit nilang sabi.
 

"What?!!!" Malakas na sigaw ko. No! Not my sister again!

[Britt]

Pagdating ko sa bahay na pinagtataguan ni Audrina ay hinanap ko kaagad siya. Nakakamiss rin ang isang iyon.

"Audrina!" Masayang sabi ko sabay bukas ang pintuan ng bahay pero nadatnan ko itong magulo at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi kaya.... Bigla akong napailing. Hindi! Hindi iyon magagawa ni Audrina.

Pinuntahan ko ang kwarto niya at ng makita kong wala siya ay nasuntok ko ang pintuan ng kwarto ng sobrang lakas dahilan para mabutas iyon.

Naglakad ako papunta ng kusina para kumuha ng malamig na tubig pero may napansin akong punit punit na papel sa gilid ng lamesa at kinuha iyon at pinagdikit-dikit.

'I ♥ you but I have to go' Ang nakalagay doon. Napangiti ako ng mapait.

"Mahal mo ako pero bakit mo ako iniwan?! Bakit umalis ka? May nangyari ba sa iyo?" Sabi ko ng wala sa sarili.

Hindi ko naman ito pwedeng itago sa kanyang Kuya.

Tinawagan ko ang numero niya at ang numero ng Blue Shi Mafia para ipaalam na nawawala ang Heir at pagkatapos noon ay pinatay ko na.

Audrina.... I'm gonna find you.

[LADY L]

"Naikalat mo ba lahat ng gamit?" Tanong ko sa isa kong tauhan.

Ang tinutukoy ko ay ang bahay na pinagtaguan ng Heir. Alam kong umalis ang Heir at alam ko rin ayaw niya iyon ipaalam kaya maingat niyang iniwan Ang bahay. Too bad dahil sa bilis niyang kumilos ay hindi nasundan ng mga inutil kong tauhan kung saan pumunta at tumuloy si Audrina.

"Opo Lady L. Nag-iwan din kaming note na pinunit para bigyan sila ng ideya kay Audrina na umalis ito." Sabi ng isa sa mga tauhan.

"Magaling! Ihanda niyo na ang mga imbitasyon na ibibigay sa mga kabilang sa White Mafia World upang dumalo bukas sa isang party sa isang Hotel." Sabi ko at tumango sila.

Napangisi ako. Bukas ay madaming dugo ang kakalat dahil imbitado Ang Heir at ang Red Dragon Mafia na inosente! HAHAHAHAHA! At kasabay noon ay ang pagkuha ko sa anak kong si Andrei.

Malapit na... malapit na akong magtagumpay!

--

Waaaah! Sobrang busy ko at hindi na ako nakakapag-update. Vote and comment! :)

Revenge of the Missing Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon