Authors note: Madaming sorry sa typos. Hindi kasi ako nagpo proof read. Aayusin ko sila pag may time. I promise. And may pagka mahaba itech. Sorry :3
okay, and if may makita kayong: -- (present), meaning yun yung present time and the other are flashbacks.
--
I do by Marie Digby
♥♥♥
I will make this clear, I will always be here. I love you. I do, I do
--
"HOY! MAHULOG KA DIYAN!" Nagulat ako dun sa biglang sumigaw. Muntik pa nga akong mahulog kasi napaigtad ako. Sino kaya yung hunghang na iniistorbo ang tulog ko? Tinuloy ko na lang yung tulog ko. Mas magandang matulog na lang ako kesa pansinin ang poncio pilato na yun.
"HOOOY!!!! BAKA MAHULOG KA SABI DYAAAAAN!!" Letche. Naiinis na ako. I count 1 to 10 to calm myself and impeyrnes, effective naman. Bumalik na lang ako sa pagtulog ko, beauty sleep, rather.
"HOOOOOOOOOOOY!!!"
"Letch-- AAAAAAHHHHH" Oh God. Dito na ba matatapos ang buhay ko? Paano na lang ang maiiwan ko dito? Mamimiss nila ko! Tsaka wala nang maganda sa mundo! Pero, kung dito na po talaga ko mamatay, sana naman po wag mapuruhan yung mukha ko. Sayang po yung fes!
Pero, imbis na sa lupa, sa malambot at mabango ako bumagsak. Kelan pa bumango ang damo? Baka naman imbis na tubig ang ulan, naging pabango? Ang gwapo ng amoy! Unti unti akong tumingin at nakita ko ang isang lalaki na mukhang nahiyang tubuan ng pores at pimples. Asa langit na nga ata ako. Angel na nakikita ko eh.
"Told you. Baka mahulog ka, buti na lang nasalo kita *wink*" gayd. bat ang gwapo nito? Ang perfect ng nose, ng eyebrows. Ang ngipin, pang model ng toothpaste. Ang lips, kissable. Tapos ang lalim ng dimples. Nung nagsabog ng kagwapuhan, nag alarm to. Kung alam ko lang na ganito kagwapo si San Pedro, maaga na kong nag suicide. Oo, sa heaven ako mapupunta. pang angel kaya ang beauty ko.
"Miss, alam kong gwapo ako pero di mo na kailangan matulala. Baka lumaki ulo ko nyan, sige ka" Sabi niya at natauhan na ako. Buhay pa pala ako! Deym! Ngayon lang din nag sink in sa akin na siya ang dahilan kaya nahulog ako. Kaya tumayo ako ng maayos and composed my self.
"Siraulo ka pala eh! Hindi ako mahuhulog kung hindi ka nagsisisigaw diyan!" Sabi ko sabay hampas sa kanya.
"*pak* ARAY! A simple.. *pak* ARAY! thank you would suffice *pak* ARAY!! Ano ba?! Ikaw na ngang *pak* ARAY! tinulungan diyan eh!" Sabi niya habang hinahampas ko siya ng bag ko.
"Letche ka! Ikaw kayang may kasalanan tapos mag thank you pa ako sayo?! Ano ka sinuswerte?!!" Sabi ko sabay hampas sa kanya pero nasalo niya yung kamay ko. Yung kanang kamay ko naman yung ihahampas ko sana pero nahawakan niya din ako. Kaya ang pwesto namin ngayon, magkatapat kami at nakahawak siya sa magkabilang pulso ko.
"Hindi ako ang swerte, ikaw ang swerte. Madaming nagkakandarapa makayakap sakin, tapos ikaw nayakap mo na ko, nayakap pa kita. *wink* " Biglang naginit ang ulo ko sa sinabi niya. Ang hangin din nitong kurimaw na to. Pero sa totoo lang, ang bango niya. Gwapo ng amoy. Ahihi.
Hindi ko na lang siya sinagot at nagpumiglas na lang ako habang nakatingin sa kanya ng masama dahil ayaw niya akong bitawan. Kaya sinipa ko siya where-it-hurts-the-most. Gets niyo naman siguo kung saan diba? Pag di niyo gets, pakamatay na. Hahahah dejoke. Pagkatapos nun nagflying kiss pa ako sa kanya habang namimilipit siya sa sakit at tumakbo na papuntang classroom ko.
Sana naman di na magtagpo ang landas namin. May takot din ako noh? Baka gantihan ako nun at grabe yung iganti niya. Baka madehado ang aking oh so beautiful fes! Pero mukhang hindi naman siya dito nagaaral kasi nakacivillian siya eh. Hayy. Maniwala na lang tayo sa goodness.
BINABASA MO ANG
Music Inspired Stories
Roman pour AdolescentsSawang sawa ka na ba sa buhay mo? Aba! Laslas na! Eto ang kwentong kinuha sa isang kanta ang plot, Oo, tinagalog ko lang ang title. Eto ay isang sumpa, habang binabasa mo ito, kailangan mo nang ituloy tuloy hanggang huli, ipasa ito sa 25 na katao! K...