It's not just you by Nasri

119 1 0
                                    

IT'S NOT JUST YOU by Nasri

♥♥♥

I want you to be mine, just mine,  that's all I ever wanted. I'm sorry but, Im tired Justine

Paulit ulit sa isip ko yang huling katagang sinabi mo sakin bago mo ako iniwan sa park kung saan tayo nagkakilala. Siguro nga pagod ka na. Pagod ka na nga sigurong intindihin ako. Yeah, I made the wrong mistake. Pinakawalan ko ang babaeng mahal ko. I wish I can turn back time. Nung panahong masaya tayo. Nung panahong Justine and Julia lang.

--

"Best!" sabay palo sa braso ko

"Ang sakit mo namang mag hi!" Sabi ko sabay pisil sa ilong ni Julia.

"Libre mo ko best!" 

"Libre na naman! Yan lang ata ang dahilan kung bakit mo ko ginawang kaibigan eh! Hashtag Medyo masakit!" Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. At nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko naman kayang tiisin ang babaeng to. Parang baby sister ko na tong tiyanak na to.

"Pano mo nalaman?! *shocked look* I did my best para itago ko sayo na pinagtiya tiyagaan lang kita tapos nalaman mo pa!" Sabi ni Julia na nagkunwaring iiyak. 

 "Grabe ka naman! Pinagtiya tiyagaan?! Eh mas maswerte ka pa nga sa nanalo sa lotto dahil araw araw mong nasisilayan ang heavenly made kong mukha!" Sabi ko sabay akbay at takip sa bibig ni Julia. Alam kong hindi siya magpapatalo kaya tinakpan ko na yung bibig niya.

Habang papunta kami sa ice cream parlor na madalas naming pinupuntahan, nagkukulitan lang kami. Wala na talagang tatalo sa kaulitan nitong tiyanak na to. Nag order lang kami ng vanilla ice cream at hinatid ko na siya pauwi. Madami ngang nag aakala na kami pero sinasabi ko na magbestfriend lang kami. Hanggang dun lang.

--

Naalala mo pa ba nung bestfriends pa lang tayo pandak? It's you and me against the world ang trip natin. Hahahaha. Partners in crime sabi nga nila. Basta kalokohan, tayo ang nagkakasundo. Sa paglalagay ng bulate sa upuan ng classmates at blockmates natin, sa pagplay ng hard metal songs sa tapat ng tenga ng mga natutulog, sa random dancing kung saan tayo maabutan ng trip natin. Hahaha. You were the best.. No, You ARE the best pandak. 

Naaalala mo pa ba nung nagka girlfriend ako? Ginulat na lang kita na may girlfriend na ko. Hindi ko nga malaman yung reaction mo nung araw na yun. But I saw pain in your eyes. 1 week mo akong hindi pinansin nun at 1 week din kitang sinusuyo nun. Natatawa pa nga din ako pag naaalala ko yung pagsayaw ko ng careless whisper sa sm para lang mapatawad mo, and fortunately, you forgived me.

--

Naaalala mo pa ba when my first heartbreak came? Nahuli ko kasi na naghahalikan yung girlfriend ko at yung team mate ko sa locker room. You were there for me. Kahit na, napabayaan na kita for the past 6 months kasi busy ako sa girlfriend ko, andyan ka pa din. I know I took you for granted. Ikaw yung tinatakbuhan ko pag nagaaway kami and left you hanging pag ayos na kami. At ngayon, andyan ka padin. 

Ikaw yung nagalis sa akin sa pagiging miserable ko. I know na nasasaktan ka. I know na mahal mo ako hindi bilang isang kaibigan. Hindi ko na lang pinapansin dahil alam kong lilipas din yan at BESTFRIEND kita. Masyado akong naging selfish. Alam ko kasing hindi mo ko iiwan. Ikaw pa.

--

Months came at okay na ako. Thanks to you. Pero hindi pa din maalis ang bitterness ko pag nakikita ko ang ex ko kasama yung bago niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko nung nilgawan kita. Basta ang alam ko lang noon, kailangan ko ng distraction.

Hindi nagtagal, sinagot mo ako. And once again, I took you for granted.

--

Aaminin ko, I'm happy when I'm with you. Minahal kita, alam ko at ramdam ko yun. We've been the perfect couple. We barely had fights. Magkasundong sundo tayo. Yun nga siguro ang advantage pag naging kayo ng bestfriend mo. Kabisado niyo ang isa't isa. We've been the best of friends and lovers during our entire realtionship.

Music Inspired StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon