AUTHOR'S NOTE: hey! Naalala niyo pa ba sila Justine and Julia?
WAIT FOR YOU by Elliot Yamin
♥♥♥
3 years na Julia.
3 years na wala ka pa din.
3 years na, nagsisisi pa din ako.
3 years na, nangugulila pa din ako sayo.
3 years na nahihirapan pa din ako.
3 years na at miss na miss na kita. Sobra.
3 years na, Mahal na mahal pa din kita. Wala pa ding nagbabago.
Okay ka lang ba diyan? Namimiss mo din ba ako?
Pag gabi ba iniisip mo din kung nakakain na ko? Pag umaga ba iniisiip mo din ba kung gising na ako? Kasi ako, Oo. Lagi lagi. Araw araw.
Tuwing nakikita mo ba yung old pictures natin naiisip mo din na sana bumalik tayo sa ganun? Pag kumakain ka ba ng vanilla ice cream naalala mo din ako? Yung kulitan natin? Kasi ako, Oo. Lagi-lagi. Araw-araw. Oras-oras.
Namimiss mo din ba yung araw na tayo lang? Namimiss mo din ba ako? Gusto mo din ba akong bumalik sayo? Mahal mo pa din ba ako? Kasi ako, oo eh. Mahal na mahal pa din kita. Sobra sobra pa kitang mahal. Yung imbes na mabawasan, lumago lalo eh. Minahal pa kita lalo.
Sana mahal mo pa din ako Pandak. Kasi ako, Sobra. Sobra sobra pa kitang mahal.
--
Eto na naman ako. Papunta na naman sa bahay niyo dati. Kukulitin ko na na naman yung katiwala niyo. Pero para sayo Julia, kahit araw araw akong pagod. Maghihintay pa din ako sayo. Maghihintay pa din ako hanggang kaya mo na akong tanggapin ulit. Kahit hanggang bestfriend na lang ulit.
Bumalik ka lang ulit sa buhay ko. Okay na. Masaya na ako.
Pero masama bang hilingin na sana pagbalik mo dito, mahalin mo ako ulit? Maging tayo ulit? Sana naman hindi. Kasi gabi gabi, yun ang pinagdarasal ko. Ikaw ang pinagdarasal ko.
Kung sakaling masaya ka na diyan, kasama ng iba. Ok lang. At least nagawa mong maging masaya hindi man sa piling ko, sa piling ng iba. At least nabigay niya sayo yung saya at pagmamahal na hindi ko maibigay dati. Na ipinag damot ko sayo dati.
Inaamin ko, minsan napanghihinaan na ako ng loob. Naiisip ko yung posibilities na baka pagbalik mo dito, galit ka pa din. Andyan pa din yung sugat na iniwan ko sayo. Na hindi mo ako mapapatawad pa. Ang sakit sakit talaga Julia. Ang gago gago ko kasi eh. Hinayaan kita. Sinaktan kita.
Alam mo bang grabe yung tuwa ko nung in-unblock mo na ako sa fb at twitter? Mukha akong siraulo nun, sinasabi ko sayo. Pero hindi na kita in-add ulit, Okay na kahit ilang post o tweet mo lang makita ko. Buti nga hindi ka nakaprivate eh. Mabait ka pa din.
Hindi na kita in-add, hindi na kita finollow kasi alam kong kelangan mo ng space. Space mula sakin. Space mula sa sakit. At tsaka sana, space para makapag isip. Space para mapatawad ako.
Space para mahalin ako ulit.. SANA.
I sighed as I went out of my car to hold back my tears. 3 years na, iniiyakan pa din kita.*sigh* Grabe talaga tama ko sayo no? Sayang lang talaga kung kelan huli na, tsaka ko nalaman. Kung kelan pagod ka na, tsaka ako natauhan.
Inayos ko muna yung polo shirt ko bago mag door bell, Malay mo ikaw pala ang magbukas diba? Kahit 1% lang yung chance.
*ding dong*
"Ikaw pala Justine. Pasok ka." Sabi ni mang Raul while he motions me to go inside. Wala ka pa din. I'd still be miserable.
"Magandang hapon po Mang Raul. May balita na po ba kayo?" tanong ko. Iginala ko din yung tingin, baka kasi masulyapan kita. Lahat ata ng sulok dito sa bahay niyo, naaalala kita eh. Yung harutan natin sa hammock habang nagre review, yung tinulak mo ko sa pool, yun-
BINABASA MO ANG
Music Inspired Stories
Ficção AdolescenteSawang sawa ka na ba sa buhay mo? Aba! Laslas na! Eto ang kwentong kinuha sa isang kanta ang plot, Oo, tinagalog ko lang ang title. Eto ay isang sumpa, habang binabasa mo ito, kailangan mo nang ituloy tuloy hanggang huli, ipasa ito sa 25 na katao! K...