JILL's POV
"Sophia?" tawag ko sa secretary ko na nasa labas ng office ko.
"Yes Ma'am?"
"Do i have any schedule for today?"
"Meron kang Lunch meeting with your Mom then a Dinner Date with your Father, Ma'am."
"Did they do it on purpose?" more on tanong ko sa sarili ko kesa sa kausap ko na si Sophia. "Thanks Sophia. You can go now."
"Ahh oo nga pala ma'am, meron nga po palang invitation na dumating po para sa inyo. Kukunin ko lang po sa table ko." tinanguan ko siya as if go sign.
***
Barkada reunion. Ilang taon na ba simula ng maging busy ako? (wag kang etchusera, umiiwas ka.)Ang epal naman ng konsensiya ko. Oo na, umiiwas na ako so ilang taon na nga? (Aba malay ko, ikaw tong mataas ang posisyon ako tatanungin mo.) Hndi naman kasi ikaw ang kausap ko konsensiya kaya magtigil ka.
Hindi ko namalayan na sampung taon na pala ang nakalipas simula ng magkakilala-kilala kami ng mga Babarok. Nakakapanibago, matatanda na talaga kami. Sobrang di ako makapaniwala sa mga nangyare.
Hindi ko inakala na ako yung unang lalayo sa buong Barkada. Being busy was just a reason for me to skip their invitations. I don't know, maybe my reason in not showing-up is immature but i can't help myself doing it. I hate myself everytime i'm making some excuses. I want to join but i'm scared, yes scared, scared of ...............
"So kahit pala nagpa-schedule na ako, di mo pa rin ako papansinin hah?" nagulat ako ng biglang pumasok sa opisina ko si Mama.
"Anong ginagawa mo dito Ma?" umupo siya sa upuan na nasa harap ko.
"Miss ka na ng buong angkan mo, lagi na lang bang ganito ang set-up mo?"
"Ma, alam niyo naman sigurong marami akong inaasikaso di ba? Tyaka araw-araw naman tayong nagkikita sa bahay so anong issue dun?"
"Nagkikita hah? Jill Rose naman, isipin mo nga. Nagkikita nga tayo, kita lang talaga. Walang usap ehh."
"May problema ba Ma?" ganito lang kasi siya kapagmay mga problemang gusto niyang pag-usapan.
"27 ka na."
"And..." parang ayoko na ng pahiwatig ni Mama.
"Wala ka pang inapakilala samin tapos hindi ka din nakikipag-date, di ka na rin lumalabas kasama yung mga kaibigan mong babae. Anak yung totoo? Tomboy ka ba?"
"MA!! Anong Tomboy pinagsasabi mo? I'm not."
"Kung hindi edi pupuntahan mo yung Date na papapuntahan ko sayo next week?" ayan na naman siya sa pagiging bugaw niya pagdating sakin. Minsan iniisip ko kung anak ba talaga ako ni Mama ehh, ako yung pinipilit mag-asawa ehh si Kuya yung ang tandang single pa rin.
"I can't Ma." hinagilap ng kamay ko yung Invitation na binigay ni Sophia sakin kanina. Kahit ayoko sanang pumunta, ito ang mas gusto kong puntahan kesa naman sa Dtae na sinasabi ni Mama. Malala siya pumili, ako na ang nagsasabi. "See this? I have a week vacation with my friends."
"Akala ko ba di ka na sumasama sa kanila?" tila dudang tingin ni Mama sakin.
"Reunion kasi to Ma." kahit ayoko naman talagang pumunta ay mapipilitan akong magpakita sa mga kaibigan kong iniiwasan ko dapat.
"Hayy naku ka talagang bata ka. Sige na, di na kita pipilitin pero sana naman maisip mo na di na kami bumabata ng Papa mo, hindi sa lahat ng oras nandito kami sa tabi mo. Darating din ang oras namin at kukunin din kami ng maykapal. Ayoko namang iwan ka namin ng walang kasama sa buhay."
"Ma, wag ka ngang nagsasabi ng ganyan." ayokong pinag-uusapan ang pagkawala.
***
Mapapapunta pa ako ng di oras. Hay naku naman ohh.
Naglalakad ako papunta sa Office ng Big Boss para magpaalam na aalis ako ng isang linggo. Isang linggong bakasyon sa Baracay kasi ang nasa Inavitation kaya isang linggo din ang papaalam ko sa Boss ko.
"Jill, san ang punta mo?" tanong ng nasalubong kong si Monette, co-worker ko.
"Kay Sir Allen, bakit?"
"May ginawa ka?" chismosa talaga siya. Yan ang nangunguna dito sa office sa pagiging chismosa, walang ganap dito na di niya alam.
"Wala, hihingi ako ng leave."
"Leave? Himala ata at nag-leave ang 'the great Jill'. Ngayon lang ata mangyayare yan ahh."
"Ano bang pake mo? Hindi naman ikaw ang maaapektuhan ng pag-alis ko so anong issue mo ngayon?" di ko na napigilan ang sarili ko. Nakakaasar na kasi yung tono niya.
Linagpasan ko na siya bago pa masira ang araw ko at pati ang pagpapaalam ko sa Boss ko ehh masira pa.
Sa totoo lang, ito yung unang beses na hihingi ako ng leave simula ng magtrabaho ako sa kompanyang to. Noon kasi wala naman akog pupuntahang iba tyaka di ba nga iniiwasan ko sila kaya wala akong mga event na pupuntahan.
"Nandyan ba si Sir Allen?" tanong ko sa Secretary ni Sir na si Shiela.
"Oo, kakapasok lang niya."
"Pwede ba siyang makausap ngayon?"
"Oo naman. Pasok ka na lang."
Tinanguan ko siya bago ako kumatok at pumasok sa Office ni Sir.
"Sir?" alanganin kong tawag sa kanya.
"Yes?" lingon niya, nakatalikod kasi siya at mukhang may kausap pa ata sa phone. "Ohh, ikaw pala Jill. Have a sit. Just a minute, okay?" ngumiti naman ako kaya bumalik na siya sa kausap niya. "Ano? Grabe naman ata yan Nas." Hindi ako chismosa, sadyang malakas lang yung boses ni Sir. "Okay, call you later."
Tumingin siya sakin kaya naman napaupo ako ng deretso.
"What can i do for you, Jill?" pormal na tanong niya.
"Sir I'm going to apply for week leave Sir for next week."
"Huh?" tila di makapaniwalang tugon ni Sir.
"You heard me Sir." ayoko ng ulitin noh.
"Leave? Seryoso ba yan Jill?"
"Yes Sir." naaasar na talaga ako.
"Di ka ba may sakit lang? o Deliryo na....."
"Allen, sabihin mo kung di mo ko papayagan para makaalis na ako sa Office mo."
"Ayan, hinihintay ko lang tawagin mo ko sa pantawag mo sakin na gusto ko. Pero seryoso, Leave? may nangyare ba?"
"Wala naman, magpapahinga lang ako from this toxic world of work."
"Pahinga? alam mo pala yung word na yun?" biro pa niya. Ganyan kami kapag kami lang dalawa.
"Oo na, basta mahabang kwento. Kwento ko na lang sayo pagbalik ko. So payag ka na ahh. Salamat, the best ka talaga. Labya." sabi ko sabay tayo na.
"Di na desisyon ko ang hinintay. Oo na."
***
Kelangan ko ng maghanda para sa muling pakikipagkita ko sa mga Babarok. Sana maging maayos ang pakikipagharap ko sa kanila. Kinakabahan ako. Sana naman di mangyare yung kinatatakutan kong mangyare. Ayokong masayang yung ilang taon kong pagtatago ng sikretong yun.
***
Lhady_jov
Vote/Comment/Share
BINABASA MO ANG
"Past"Babarok (Jill-Kent.)(complete.)
Teen FictionDo you imagine yourself 10 years from now? Having your own job. Doing what you want and be with who you want to be with. 10 years is a long time. You can be successful or not. Happy or contented. What if after 10 years.......your Barkada decided to...