Kent's POV
(kasal na sila dito at isang taon na ang nakalipas.)Ano ba talagang nangyayare pagka-nagsama na ang dalawang tao sa isang bahay? Ano ba talaga ang routine sa bahay? Hindi porket nag-asawa ka may routine ng mababago. Iilan lang ang maiiba. Gigising kang nakangiti kasi nakita mo ang babaeng mahal mo na nasa tabi mo. Maghahanda siya ng agahan para sa inyong pamilya. Aalis ka para maghatid ng anak sa skwela. Pag-uwi galing sa trabaho may nag-aantay sa bahay na magpapahupa ng pagod mo maghapon. I so loving my life with my wife and our Son.
Parang ngayon, ang sayang simulan ang araw na makikita mong naghahanda ng agahan ang asawa mo. Nagtimpla ako ng kape ko habang pinapanuod ang asawa kong nagluluto.
"Gising na ba yung anak mo?" tanong niya sakin.
"Hindi pa ata, gisingin ko na ba?" ako kasi minsan ang gumigising kay James.
"Oo naman, first day ng school niya ngayon."
Umakyat ako sa kwarto ng anak namin ng mapansin kong gising na ito at nakaupo habang hawak ang litrato naming tatlo.
"Hinahanap ka na ng Mommy mo. You should prepare for school."
"Dad? What if the baby come out?" buntis kasi ang asawa ko at ka-bwanan na niya.
"What about it?" naging matamlay na kasi siya simula ng malaman niya na magkakaroon na siya ng kapatid.
"I'm not your real son. Mom might not love me anymore." nakita kong nagdadalawang isip siya.
"Your doubting our love for you?" pinakita kong nagtatampo ako sa narinig ko.
"NO! That's not it. I just think that now your having your real son. Your not going to love me anymore."
"Your my Son. The real one. Even if your not from us you're our son. I'm your father. No one will change that. Don't ever mention that your not my son, understand?"
Tumango siya. Mahal ko ang anak ko kahit hindi siya galing sa amin ni Jill. Anak namin siya. Hindi namin gustong nagkakaroon siya ng dalawang isip tungkol dun.
"Prepare now. We'll be waiting for you down stairs." utos ko bago ako bumaba papunta kay Jill.
Hindi ko na kinwento sa asawa ko yung iniisip ng panganay namin kasi alam kong masasaktan siya ng sobra. Nagtaka lang siya na bigla ng bumalik yung sigla ni James. Nginitian ko lang siya bilang sagot.
###
"Dad? Manunuod ka ba ng game ko?" James, naglalaro kasi siya ng Basket ball para sa school nila. Para sa mga bata yun.
"Ofcourse, pero kasi baka hindi na makasama si Mommy kasi di ba nga lalabas na si baby?" hindi namin alam ang gender ng baby namin kasi gusto ni Jill, surprise.
"Pupunta ako Dad." nilingon ko si Jill, hindi pwede yun.
"Alam mo naman na delikado di ba?" ayaw ko naman na mahirapan siya.
"Para kay James yun tyaka andyan ka naman di ba? Hindi mo naman ako papabayaan di ba? I want to watch, this would be our eldest first game." nakita ko kung pano lumiwanag yung ngiti ng panganay namin.
"Basta pag nakaramdam ka ng kahit konting discomfort promise mo magsasabi ka kahit nasa kalagitnaan tayo ng game, okay lang naman yun sayo di ba James?" ayoko kong ilagay sa risk ang lagay ng Mag-ina ko pero tama din naman si Jill, this would be the first game for James.
"It's okay kahit hindi na pumunta si Mom but i would love her presence in the game and i'm okay with what Dad said. Promise Mom that you'll ask for help if you feel something weird." naiintindihan ako ng panganay ko.
BINABASA MO ANG
"Past"Babarok (Jill-Kent.)(complete.)
Teen FictionDo you imagine yourself 10 years from now? Having your own job. Doing what you want and be with who you want to be with. 10 years is a long time. You can be successful or not. Happy or contented. What if after 10 years.......your Barkada decided to...