Kent's POV
Tapos na ang paghihirap niya, di ako pinapasok kaninang nanganganak siya dahil baka daw kung anong magawa niya sakin. Gusto ko sana siyang samahan kahit pa saktan niya ako para kahit papaano ehh matulungan ko siya sa sakit na nararamdaman niya kaso ayaw naman niya.
Hinihintay na lang namin siyang magising, akala nga ni James may kumuha daw sa kapatid niya sa tyan ng Mommy niya kasi ng pumasok kami sa private room ni Jill ehh wala na yung malaking tyan niya.
I'm proud to have my own PRINCESS. Babae ang anak namin ni Jill and i'm planning to have her as our youngest because i hate seeing my wife hurting.
"K-kent?" napalingon ako sa kama niya. Gising na siya.
"Okay ka lang? May gusto ka? May masakit ba?" kasi naman wala ako sa tabi niya kanina.
"Ang OA mo naman, talagang may masakit, ikaw kaya manganak?" nakangiti na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Nasan si James?"
"Sinama siya ni Mama (Mama ni Jill.). Kakain lang daw sila saglit. Iyak ng iyak yung panganay mo. Sabi niya kawawa ka daw." iyak ng iyak si James habang nandun sa loob ng delivery room si Jill.
"Dapat kasi pinauwi mo na siya kanina bago magsimula yung mga doctor."
"Ginawa ko din yun ang kaso ayaw niyang umuwi." hinaplos ko yung pisngi niya. "Mahal ka lang talaga ng panganay mo."
"Mahal ko din naman siya."
"I know and i love him too. Thank you, Mommy."
"For...?" tila naguluhan siya sa thank you ko.
"Coz you gave me a very gorgeous princess."
"Nasan na pala yung prinsesa natin? Dinala na ba dito?" alam kong sabik na rin siyang makita yung bunso namin.
"Dadalin na lang daw dito pag feeding time na." sagot ko sa kanya.
Hinaplos ko lang ng hinaplos yung pisngi niya. Alam kong kulang pa yung pahingan niya ehh. Maya-maya nakita kong pumipikit na ulit yung mata niya kaya hinayaan ko siyang matulog ulit.
###
Jill's POV
"Mommy?...mommy?..." naramdaman kong may gumigising sakin na maliit na kamay. Nginitian ko yung mukhang bumungad sakin ng imulat ko yung mata ko.
"How's my son?" tanong ko. Nakasampa siya sa kama ko at nakaalalay si Kent sa likod niya.
"I'm fine but your not." naluluha na naman siya.
"Don't worry about me..." naputol yung sasabihin ko ng biglang pumasok ang isang nurse at karga karga niya si Baby sa mga bisig niya. Lumapit sila sa pwesto namin at pinabuhat sakin ang anak ko.
"She's very cute." manghang sabi ni James.
"She's your sister, James." pakilala ni Kent sa baby namin.
"Is it true, Mommy?" tumingin siya sakin na makikita ang kislap sa mga mata niya.
"Yes. She's my baby bump." bigla siyang tumingin sa tyan ko at sa baby.
"She came from there?" turo niya sa tyan ko.
"Ofcourse." sagot ni Kent.
"Hi baby, i'm your Kuya James. I'll take care of you." hinawakan niya ang kamay ni baby.
"Excuse me po." nilingon namin yung nurse. "Pinatatanong po kung bibigyan niyo na po ng name yung baby."
Napalingon ako kay Kent. "Wala pang name si baby?" kasi akala ko binigyan na nila ng pangalan.
BINABASA MO ANG
"Past"Babarok (Jill-Kent.)(complete.)
Novela JuvenilDo you imagine yourself 10 years from now? Having your own job. Doing what you want and be with who you want to be with. 10 years is a long time. You can be successful or not. Happy or contented. What if after 10 years.......your Barkada decided to...