Jill's POV
"Handa ka na ba?" tanong ni Allen. Nasa kotse kami ngayon galing sa bahay. Sabi ko naman kasi sa kanya ako na lang bahala sa sarili ko ang kaso ayaw niya akong payagan.
"Oo naman." sagot ko sabay ilag sa tingin niya. "Mag-concentrate ka nga sa pagmamaneho mo." sita ko.
"Naka-stop naman ehh. Huwag na huwag mong sasabihin sakin na wala ng epekto sayo yun nakaraan kasi nakikita ko pa rin sa mga mata mong di ka pa handang makita siya." alam naman pala tapos tatanong pa.
"Best Friend ba talaga kita? Grabe ka, alam mo na ngang kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyare tapos ganyan ka pa sakin? Ang sama mo." kunwareng tampo ko.
"Alam mo namang gusto ko lang na lagi kang handa. Malay mo siya pa yung unang makita mo pagbaba mo ng kotse ko." asar pa rin niya.
"Wag ka nga. Kakalimutan kong may kaibigan akong Allen ang pangalan pag nagkataon. Hmmp."
"Hooy. Di yun pwede, baka ako mismo magsabi sa kanya ng ayaw mong malaman niya."
"Sira na talaga ulo mo." alam ko naman na di niya gagawin yun.
Tahimik na kami buong byahe. Wala lang sigurong pumapasok na topic sa utak ko, baka meron pero ayoko lang pag-usapan kasi alam kong darating yung time na wala na akong masasagot sa kung ano mang dapat pag-usapan.
Oo, nakakamiss ang babarok pero kasi mas mahihirapan ako kung lagi pa rin akong suma-sama sa kanila. Alam ko naman sa sarili ko na dapat akong lumayo after ng ginawa ko. Dapat nga di na nila ako pinadalhan ng Invitation for this reunion but they just did ang i'm nervous and glad that they are still considering me as their friend.
"Nandito na tayo, sigurado ka bang di na kita sasamahan sa loob?" tanong ni Allen na halatang bothered din.
"Oo, okay na ako. Salamat sa hatid ahh, see you next week." tinanguan niya ako kaya bumaba na ako at kinuha yung maleta ko sa compartment ng kotse niya bago pumasok sa loob ng Airport na magsisilbing meeting place ng Barkada. Sa Palawan kasi ang punta namin.
Luminga linga muna ako sa paligid at baka makita ko na sila pero wala namang Familiar na pigura ang nakita ko sa paligid.
Kahit naman kasi di na ako sumasama ehh inaabangan ko naman ang mga post at tweet nila kaya di ako mahihirapan na hanapin ang bawat isa sa kanila.
"Hindi ka ba lalapit sa amin?" nagulat ako sa tinig na bigla na lang nagsalita sa likod ko. Nilingon ko siya.
"Kuke?" di ako makapaniwala na siya ang unang makikita ko. Bukod kasi kay Allen, siya lang ang may alam kung ano ang side ko sa kwento.
"Apat na taon mo ba naman kaming iniwasan panong makikilala mo pa ako."
"Grabe ka naman, syempre bantay ko pa rin yung mga ganap sa inyo."
"Lalo na sa kanya." napangiti ako ng mapait sa sinabi niya.
"Oo, lalo na siya." walang mangyayare kung maglilihim pa ako.
"Tara na nga, di mo sila makikita dyan. Nandun sila sa kabilang side."
Naglakad kami habang nagkwekwento siya ng mga nangyare sa mga taong wala ako sa Grupo. Nakakamiss din talaga sila. Sobra.
"Jill? Ikaw na ba yan? Himala at di ka busy?" asar ni Judy-Ann sakin. Ngumiti lang ako.
***
After namin magkamustahan ehh pumasok na kami sa departure Area ng Airport. Di nagtagal ehh sumakay na kami sa eroplano dahil kumpleto naman na kami. Si Judy Ann ang katabi ko sa upuan na katabi din si Marissa. Ganito ang pwesto namin;
Window | Chester | Kuke | Kent | Daan |
Window | Diane | Ruby | Jenny | Daan|
Window | Ako | Judy Ann | Marissa| Daan|Window | Ana | Rodelyn | Gayl | Daan |
Window | Mark | Joshua | Joseph | Daan |
Window | Sigue | Princess | space | Daan |
Konti lang naman ang sakay ng Eroplano bukod samin kaya naman nag-ingay na naman sila. Aakalain mo ngang di sila tumanda at naging mga profesional dahil sa galaw at ingay nila. Eto yung pinaka namiss ko sa lahat. Yung ingay at kulitan nilang lahat.
"Naaalala ko pa yung mga oras na landian lang ang meron tong si Sigue at Princess pero kita niyo naman ngayon limang taon ng masaya sa piling ng isa't-isa. Nakakamiss yung kulitan nilang dalawa. Ngayon kasi puro na lang sila sweetness." bukas ni Ruby ng topic.
"Oo nga, di mo na nga mapaghiwalay sa sobrang sweet ehh." dagdag ni Chester, ang nangungunang maingay sa grupo.
"Nag-aaway pa ba yang dalawang yan?" segunda ng laging kakwentuhan niyang Si Kent. "Wala ng time para sa iba."
"Hahahaha, naaalala niyo pa nung niligawan ni Sigue si Princess? Di ba halos pagpawisan tayong lahat kasi satin siya humungi ng tulong?" Si Gayl.
"Oo at nung Anniversary nila na pinagpaguran din natin na surprise ang kaso nabuking kasi may selosang naganap?" Si Diane.
"Eto namang kasing si Princess, sobrang selosa pala at pati kaibigan pinagselosan." natatawang sabi ni Ana. Pinaka-Ate naming lahat.
"Hep Hep tama na yan, mamaya umiyak yang mag-shotang yan kakaasar niyo." si Kuke na numero-unang pang-asar sa lahat.
"Sige lang, kami lang ng kami ang pag-usapan niyo. Bakit di yang mga love-life niyo problemahin niyo?" saway ni Sigue. " Mga inggitero kayo."
"Inggitero? Hindi rin. Miss ko na Girlfriend ko pero Hinding-hindi ako maiinggit sa inyo noh." salungat ni Mark.
"Edi ikaw na may Shotang Modelo." pang-aalaska ni Joseph.
"Yan ang Inggitero. Hahahahaha."Joshua.
Nagtawanan ang lahat. Hayyyy, nakakamiss talaga sila. I love this Barkada.
I LOVE BABAROK!!!!!!
***
COMMENT
SHARE
VOTE
lhady_jov
BINABASA MO ANG
"Past"Babarok (Jill-Kent.)(complete.)
Novela JuvenilDo you imagine yourself 10 years from now? Having your own job. Doing what you want and be with who you want to be with. 10 years is a long time. You can be successful or not. Happy or contented. What if after 10 years.......your Barkada decided to...