Jill's POV
"Kuya?" nasa sala kaming tatlo nila Kent at James ng dumating si Kendrick.
"Bakit?" tanong ni Kent na hindi tinitingnan ang kapatid, nakatingin siya kay James na busy sa paglalaro.
"I'll be going out, pwede kong hiramin si James?" Kendrick.
"Gabi na yata masyado." sabat ko, kasi gabi na talaga para lumabas sila.
"Dyan lang naman kami Ate Jill."
"Sige pero wag mo papagurin yang anak namin ahh." pumayag siya?
"Kent..." bakit kasi pumayag siya?
"May tiwala ako kay Kendrick, tyaka pamangkin naman niya yan ehh."
Pumayag na rin ako tutal tama naman si Kent, kapatid niya naman yan. Saan naman kaya sila pupunta ng ganitong oras? Baka naman gamitin niya sa pambababae yung anak ko. Subukan niya lang pag-uumpugin ko sila ng Kuya niya, pumayag kasi siya kaya damay siya.
###
Kumakain kami ni Kent ng biglang may tumawag sa kanya na empleyado nila. May sumabog daw sa planta nila, gabi na nga pero kelangan pa rin niya tignan yun. Ano kayang nangyare?
"Aalis na ako." paalam niya bago humalik sa noo ko.
"Uuwi na rin ako maya-maya at baka hinahanap na ako nila Mama."
"Hindi, dito ka na muna. Mabilis lang ako. Gusto ko ako ang maghatid sayo." tumango na lang ako at baka humaba pa yung usapan namin.
"Bilisan mo ahh, pag inabot ka ng isang oras, uuwi na ako. Okay?" kasi baka matagalan siya. Mahirap namang resulbahin yung pagsabog na yun.
"Sige pero magpahatid ka sa Driver namin ahh?" paalala niya.
"Opo."
"I have to go."
"Ingat ka."
Lumipas ang isa't kalahating oras kaya nagdesisyon ako na magpapahatid na lang ako sa Driver nila. Magtetext na lang ako sa kanya na di ko na siya nahintay.
To: Kent KO. (bakit? May angal kayo?)
Nauna na ako ahh, ang tagal mo kasi ehh. Hindi pa nakakauwi si James. Ingat ka dyan, uwi ka na pagtapos.
...
sent.
Pumunta na ako sa harap ng bahay nila na saktong papasok yung Driver nila.
"Kuya Nestor, pahatid naman po ako sa bahay. Wala pa po kasi si Kent."
"Naibilin nga niya, sige halika na."
Sa Back seat na ako umupo kasi inaantok na ako kaya iidlip muna ako. Alam naman na ni Kuya Nestor kung nasan yung bahay namin.
###
Nagising ako na wala si Kuya Nestor sa kotse. Asan na yun? May nakita akong nakaupo sa trunk ng kotse kaya bumaba ako. Tinignan ko kung sino... bakit nandito to? Tyaka bakit wala ako sa bahay? Nasan na naman ako? Dapat di na ako natulog ehh.
"Mark? Nasan tayo?"
"Ohh? Gising ka na. Dalawang oras din akong naghintay ahh." nasan yung sagot sa tanong ko?
"Anong ginagawa natin dito?"
"Kung di lang siya magbabayad wala naman talaga ako dito ehh." ano daw?
"Para kang sira dyan." kasi naman walang sagot dun sa mga sinasabi niya.
"Pumasok ka na lang kung handa ka na." huling salita niya bago siya pumasok sa isang Gate. Whoa! Mukhang may Resort na naman akong narating.
BINABASA MO ANG
"Past"Babarok (Jill-Kent.)(complete.)
Teen FictionDo you imagine yourself 10 years from now? Having your own job. Doing what you want and be with who you want to be with. 10 years is a long time. You can be successful or not. Happy or contented. What if after 10 years.......your Barkada decided to...