XATG (XIUMIN AND THE GANG)
End: Happy or sad?
∈✘回[THIRD PERSON POV]
6 months later...
Bakit ganoon ang tadhana? Hindi mo maiwasang tanungin kung bakit ganoon siya.
Pinapahirapan niya tayo.Pagtatagpuin niya tayo ng mga taong mamahalin natin pero parang pinaglalaruan lang niya tayo kasi kukunin din niya. Bigla nalang mawawala. Iiwan nila tayo kung kelan mahal na mahal na natin sila.
Ganun ba talaga lahat ng love story? Kailangan dumaan muna sa sakit at hirap bago makamit ang happy ending?
Eh paano kung naghirap na nga kayo. Naranasan niyo na ang lahat ng sakit yet, wala naman pala kayong happy ending? Saklap men.
Ganoon talaga ang buhay. Mapaglaro. Mapanlinlang. Kunwari pasasayahin ka, pero pansamantala lang pala.
Si Xiumin. Malakas na lalaki 'yan. Matapang at mayabang. Mala-demonyo ang ugali. Walang puso eh. Pero tao pa 'rin siya. At sa kabila ng pagiging demonyo niya ay isang mapag-aruga at mapagmahal na kuya.
Demonyo man 'yan at parang papatay anytime, the best kuya ever naman daw siya para kay Lezor.
Si Lezor na masungit,bitchy,sopistikada,warfreak pero mahal na mahal niya.
Nag-iisa nalang si Lezor sa buhay niya maliban sa Exo-M na grupo niya.
Oo nagkamali siya, alam niyang balang araw ay kakarmahin siya dahil sa mga kalokohang pinang-gagawa niya. Pero sobra naman yata?
Mas gugustuhin niya pang siya nalang ang masaktan, wag lang ang mga taong mahal na mahal niya. Wag lang ang mga taong pinapahalagahan niya ng sobra. Kasi masakit 'yun kesa sa sarili mong kamatayan.
And then, here she is. Ang isang inosenteng babae na palaban. Ang swerte ni Xiumin kasi for the first time, may dumating na babae sa buhay niya upang turuan siyang mainlove. Naranasan niyang magselos kahit na hindi niya aminin.
Ang swerte niyang demonyo dahil biniyayaan pa siya ng isang Suzy Bae na masungit man sakanya, di naman niya mai-dedeny na siya rin ang mga dahilan ng mga ngiti niya.
Kaso sabi nga nila, karma strikes 100 times.
Kasi lahat ng sayang yan,panandalian lang. Dahil nay isang tao na babalik at babalik para paghigantihan siya sa mga nagawa niya.
At 'yun na nga ang karma niya.
Namatay ng sabay ang dalawang babaeng nagpapaikot ng mundo niya.
Namatay sila ng wala man lang siyang nagawa. Namatay sila sa mismong harapan niya. Nakita mismo ng dalawang mata niya kung paano nawalan ng hininga ang dalawa.
Wala siyang ibang sinisi kundi ang sarili niya.
Halos i-torture niya ang sarili niya sa alak.
Alak sa umaga,tanghali at gabi. Ni hindi na siya kumakain. Hindi mo na makikilala ang Xiumin ngayon. Ang laki ng pinagbago niya simula noon mangyari ang kagimbal-gimbal na pangyayari na 'yun sa Black Building.
Una, namatay ang mga magulang niya. Ngayon naman ay ang kapatid niya at ang babaeng katangi-tanging nakapag-patibok ng puso niyang bato.
Wala ng natira sakanya.
Mag-isa nalang siya.
Hanggang sa siya mismo, ay nagpakamatay na.
Joke lang yan syempre!
Enebe! Hindi bagay sa Xiumin And Me ang mga ganyang drama!

BINABASA MO ANG
Xiumin And The Gang
Fiksi PenggemarA delinquent and lawbreaker ungentleman guy with a very wild personality, are you ready to fall for his trap? *** Old title: Xiumin And Me New: Xiumin And The Gang ©2015 All Rights Reserved ParkHyunLi17 (hunny_slin) Date Started: January 2015 Date...