Special Chapter

262 15 10
                                    

A/N: At dahil na-miss ko sila, may special chapter! Yehet!



[THIRD PERSON's POV]

"Kingina. Ano nga ulit sagot dito?" nagkamot ng batok si Xiumin habang nakatingin sa exam na sinasagutan niya.

"Putcha, alam ko nagreview ako eh!" pabulong na pagmamaktol ni Chen habang nakatingin sa mga choices na a, b, c, at d.

"Pota kung alam ko lang na ganito yung mga tanong, edi sana di na'ko nagreview! Wala ring sense!" napasigaw na si Tao kaya napatingin sakanya ang lahat ng estudyanteng nageexam sa buong room.

"Hoy! Ang ingay mo nageexam kami!" sigaw nung isang student kaya sinamaan siya ng tingin ni Kris. Uh-oh, the leader is on the way.

Wala silang proctor ngayon dahil tinawag sa faculty kaya free silang magbangayan.

"How dare you shout at my member?" may diin ang boses niya kaya naman kahit sino ay matatakot sakanya.

"Eh ang iingay niyo eh!" sumabat naman ang isang lalaki na kaibigan yata nung lalaking unang sumigaw.

"Eh ang bobo ng mga tanong eh! Sabi about sa ganito yung i-review tapos ganon yung lumabas! Para kang lumamon ng mangga tapos amoy mansanas yung tae mo!" nagwawala na sabi ni Chen.

"Ang iingay niyo talaga eh! Kapag kami hindi pumasa sa entrance exam na'to patay kayo sa'min!" sigaw uli ng sumigaw kanina.

"Ah, nag-aaya ng patayan 'tong mga gagong 'to. Di marunong matakot kay kamatayan tol oh." tumayo na si Xiumin mula sa kinauupuan niya saka tinapik ang balikat ni Kris.

"Enough with that. Easy! Kailangan nating makapasa sa college entrance exam na'to para magkaroon tayo ng brighter future!" sabi ni Luhan sa mga kasama pero inismiran lang siya nina Xiumin, Kris, Tao, at Chen.

"Wala kaming pake! Walang sumasagot-sagot sa'min!" sigaw ni Kris saka na rin tumayo. Sinundan naman siya nina Tao, Chen, Kai, Chanyeol, D.O, Baekhyun, Suho, Sehun, at ang napilitang si Lay.

"Ano? Gusto niyo ng gulo? Mga putangina niyo!" paghahamon ng labing-isang naggagwapuhang nilalang na nasa iisang kwarto ngayon. Biglang nangningning ang mga mata ng mga kababaihan na kasabayan nilang naeexam.

"Mga baliw!" bulong ni Luhan habang natatawa saka na tumayo upang daluhan ang gang niya, EXO.

"Ang yayabang niyo magsalita ah! Sino ba kayo! Ha!" nagsitayuan na rin yung kasama ng mga nakasagutan nila kanina and they are around 10 ugly guys.

"Mga ugok! Ang papanget niyo! Pwe!" pang-aasar ni Kai saka ngumisi sakanila. Inakbayan niya ang pinsang si Xiumin saka sila sabay na natawa.

"Fuck you all!" sigaw ng isa sa mga kaaway nila saka agad na sumugod sa EXO. Sinundan naman siya ng mga kasama niya sa ugly gang. Syempre, hindi magpapalamang ang Exo kaya sumugod din sila. Napasigaw ang mga babaeng nanunuod dahil sa scenariong nasa harapan nila. Yung iba naman ay busy pa sa pagpapantasya habang naglalaway sa Exo.

"Potangena niyo!" sigaw ni Chanyeol.

"Lakas ng apog niyo!" sigaw naman ni Baekhyun.

"Akala niyo kaya niyo na! Patuli muna kayo!" banat naman ni Tao saka tumawa ng malakas. Nagkanda-tumba ang mga chairs at nagkalat ang mga papel sa paligid. Kanya-kanyang suntok ang binigay nila sa isa't-isa.

Kumuha ng tyempo si Chen para kunin ang exam paper niya saka walang alinlangan itong pinunit, "Hah! Wala ng exam!"

Enjoy na enjoy silang 12 sa pakikipagbakbakan dahil pinagbawalan sila ng kani-kanilang mga girlfriends. Buti na lang ay dumating itong pagkakataon na 'to dahil nabanat na naman ang mga buto nila.

Xiumin And The GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon