XATG (XIUMIN AND THE GANG)
[2]:Caloy?!
★∈✘回★[SUZY'S POV]
"Eto sakin!" masiglang sabi ni Kris sabay pakita sa'kin nung mga dala niyang pants at shirts. Hindi naman marami yan 'no? Medyo lang, tss. Buti nalang mayaman ako. Hahahaha! Pero shet langs talaga, ang sakit ng loob ko eh! Mawawaldas pera ko sa kanila! Eh ang dami-dami nilang gustong bilhin.
"Ahm Kris, ang konti naman niyan." sarkastikong sabi ko sakanya saka ako nagpoker-face. Lumapad naman ang ngiti niya.
"Ganun ba? O sige dadagdagan ko pa." saka siya tumakbo at pumunta dun sa jacket section.
*Face palm* Hindi ba niya alam na joke lang yun? Argh!
Pero buti nalang at bumalik na yung mood nila ngayon. Kanina kasi para talaga silang mangangain ng buhay. I'm so curious na talaga kung sino yung mga guy kanina. At ano ba yung underground? Aish!
Nga pala andito kami sa men's boutique at namimili silang lahat ng damit nila, LIBRE KO. Waaaaaah!
"Eto sakin Suzy!" biglang sumulpot si Tao at may pinakitang tatlong pants, dalawang tribal shirt, dalawang colorful jackets at isang bonnet. Waaaaah! Mahiya naman sana sila kahit konti 'no?
"Baka gusto mo pang dagdagan?" saka ko pa siya inirapan.
"Gusto ko pa nga! Sige wait lang ah!" tapos ay mabilis siyang nawala sa harapan ko.
"Face palm 100x* Mamamatay ako ng maaga sa kanila. Haaays.
"Hoy babae! Halika nga rito!" tawag sakin nung hudas na Xiumin saka pa nag-hand gesture na parang tinatawag yung aso. Kulang nalang sabihin niyang 'Come on Suzy! Come here! Papa's here.' Chos! Hahahaha! Mga kalokohan mo talaga Suzy!
Lumapit naman ako sa kanya saka ko siya sinimangutan. Eh kasi naman eh! May pangalan naman ako tapos babae pa tawag niya sakin! Kainis talaga!
"Ano?!" walang ganang tanong ko sa kanya.
Bigla niyang hinagis yung mga napili niyang damit sakin. Argh! Bastos!
"Susukatin ko lahat yan. Sabihin mo kung bagay." utos niya tapos ay pumunta sa fitting room kaya sinundan ko siya.
Aaaaaarrrrghhh! Ako na nga ang magbabayad ng mga pinamili nila tapos ako pa ang magiging alalay?! What the heck?!
"Akin na yang green na shirt saka yang pants." sabi niya kaya inabot ko naman sa kanya yung damit na sinasabi niya. Tumingin siya sakin at nag-smirk pa kaya inirapan ko siya. Yabaaaaaang!
Pumasok na siya sa loob ng fitting room at ako naman eto, naghihintay sa kanya. Grabe ang sarap niyang sakalin!
Biglang may lumapit sa'king saleslady, dalawa sila mga mukha kinikilig. Anyare sa mga to?
"Ahm miss? Maid kaba ng mga hot guys na yan? Oh my gash palit nalang tayo! Ako nalang maid nila at ikaw nalang saleslady! Waaaaah!" at saka pa nagtatatalon yung isa.
Bigla namang napakunot yung noo ko sa sinabi niya.
Ako?! MAID?! Sa ganda kong tooo?! ANG KAPAAAL NILA!
"Hoy miss! FYI!Hindi nila ako maid!" nanggagalaiting sagot ko sa kanila. Napasinghap ako nang bigla nila akong tinaasan ng kilay. AH ganyanan pala ah? Inirapan ko naman sila ng matindi. Hah! Akala niyo kayo lang pwedeng magtaray?!
"Eh sa mukha kang maid eh!Hahahaha!" sabay nilang sabi saka pa nagtawanan. Huwaaaaaat?! Eh kung ididikit mo nga sila sakin mga paa ko lang sila eh!
"She's not our maid." napatingin kami dun sa nagsalita at nakita ko si Xiumin na nakangiting pang-demonyo. Woah! Ang cool niya sa damit niya! Oo, galit ako sa kanya pero bawal bang magsabi ng katotohanan kahit sa isip ko lang?

BINABASA MO ANG
Xiumin And The Gang
Fiksyen PeminatA delinquent and lawbreaker ungentleman guy with a very wild personality, are you ready to fall for his trap? *** Old title: Xiumin And Me New: Xiumin And The Gang ©2015 All Rights Reserved ParkHyunLi17 (hunny_slin) Date Started: January 2015 Date...