PIMD Day06 [ Dream vs Nightmare ]

386 11 0
                                    


Day06 [Dream vs Nightmare]


"Oh Bro! Kamusta? Emergency ba?!"

Bati ni Jaime kay Robin ng magkita sila sa lagi nilang tinatambayan na coffee shop.

Si Jaime ang matalik na kaibigan ni Robin. Mayaman din ang pamilya nito na kilala sa field ng business and law.

Umorder na sila ng maiinom at makakain at saka naupo sa bakanteng pwesto.

"Kapag magkasalubong yang kilay mo at lalo pang nanliliit yang mga mata mo, I could tell that there's something wrong." Si Jaime.

Naglabas si Robin ng box ng sigarilyo, at nagsindi ng isa.

Hindi nya pinansin yung sinabi ni Jaime at naghithit-buga lang ng usok.

"Plus the cigarettes!" Dagdag pa ni Jaime.

"Diba alam mo naman yung tungkol sa nawawalang 'Crowned Princess'?" Si Robin.

"Yeah. Sya yung fiance mo na matagal ng hinahanap ng Mahal na Reyna--"

Napatigil si Jaime sa pagsasalita ng dumating ang waiter at inilapag sa lamesa ang inorder nila. Nang umalis na ito ay nagpatuloy na si Jaime. "So, what about her?"

Hindi ulit sumagot si Robin.

"Don't tell me, nakita na sya ng lola mo?!"

Nagkibit balikat si Robin sabay ang paghigop sa inorder nilang frapp.

Nanlaki ang mata ni Jaime.

"Kung ganun? Nakita na nga sya?! How? When? Where? What does she looks like?!"

"Sabi ni lola, si Vladimir ang nakakita sa kanya. Nakita sa kanya ang singsing ng Father ko and napatunayan na sya nga ang Crowned Princess..." simpleng paliwanag ni Robin.

"Wow! Had you met her? Anong itsura nya? Model figure ba? Doll like face or mala-Anne Curtis?"

"Mas ordinaryo pa sya sa ordinaryo Jaime, believe me, you wouldn't want to meet her..."

Napakunot noo si Jaime. "Ouch! Can you describe her more? I want to know, bakit mo nasabi ang mga bagay na yon."

Nagisip saglit si Robin."Well, like I'd said, she's ordinary... I mean, all of her! Her face, her hairstyle, the way she dresses, her body... Halatang di sya galing sa mayamang clan. And ito pa! She works at a company as an assistant, in short, isa syang utusan. Tell me, how could she be my fiance?! For Pete's sake! Godammit!"

"Pero may magagawa ka ba? And how about, Yumi-chan?"

Natahimik si Robin.

"She knows naman about the lost crowned princess diba? She's your bestfriend so I guess she'll understand." Si Jaime.

"Kung sana nagpropose na ako sa kanya bago pa sya magpunta ng Europe, siguro di ako maaapektuhan ng ganito dyan sa Adee na yan!" Medyo napalakas ang boses ni Robin. Di na nya nakocontrol ang galit nya.

"Sssshhh! Ano ka ba Prince Robin wag kang sumigaw...!" Bulong ni Jaime.

"Kung ayaw mong makilala ako dito, wag mo akong tawaging 'Prince', ok?" bumulong din si Robin kay Jaime.

"Yeah! So... Adee's her name? Nice name huh?"

"Nice name ka dyan? Even her name is so plain..."

Natawa si Jaime sa inaarte ni Robin. Halata sa itsura nito na naiirita talaga sya.

"I really want to meet that Adee..."

Prince In My Dream [ ONHOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon