PRINCE IN MY DREAM DAY 43 [ The Truth, The Confession and The Threat ]
"YES. NAGPADALA NA AKO NG TAO PARA MAG-ISPIYA SA PRINSESA. HINDI PA SIYA BUMABALIK HANGGANG NGAYON AT MUKHANG WALA PA SIYANG PLANO." Nakinig siya sandali sa kausap. "Yes. She can't swim. He'll take care of that Princess."
***
"ADEE, PWEDE KA BANG MAKAUSAP SANDALI?"
Nasa kwarto si Adee, tinitignan niya ang itim na singsing at malalim ang iniisip. Nang kumatok ang mama niya sa pintuan ay agad niyang itinago ang singsing sa box nito.
"Pwede naman po ma."
Lumapit ang mama niya sa kanya at naupo sa kanyang tabi. Natahimik ito sandali at tila ba ay malalim ang iniisip.
"Adee. Naisip mo pa bang bumalik ng Maynila?" Paumpisa ng mama ni Adee.
Napakagat ng labi si Adee habang malalim na iniisip ang tanong ng mama niya. Ordinaryo lang ang buhay niya sa probinsya. Wala yung mga taong umuutos at naninigaw sa kanya. Walang Robin na nagiging dahilan ng pagkirot ng puso niya, nagpapaiyak sa kanya at nagpapaasa. Walang malaking responsibilidad kagaya ng pagiging isang prinsesa. Ito ang buhay niya dati, ito yung buhay na nakasanayan niya. Ito ang buhay na nararapat sa kanya at hindi ang maharlikang buhay ng pagiging Crowned Princess.
"Nandito ka ma at si Ben... Nandito yung kapalaran ko." Malungkot na sabi ni Adee.
Malungkot na ngumiti ang mama ni Adee sa kanya. "Ito ang kapalaran mo, Adee..." Sabay abot nito sa kamay ni Adee at iniangat ito.
Pagkaalis ng kamay ng mama ni Adee sa kamay niya, binuksan niya ang mga palad niya. Hawak hawak niya ang isang mailit na kahon. Binuksan niya ito at nakita ang singsing na may malaking itim na bato.
Nais sabihin ng mama niya na ang kapalaran niya ay ang kapalarang ibinigay ng singsing na hawak hawak niya. Kapalarang maging Reyna ng Bansa. Nang mapagtanto ito ni Adee ay nagtataka niyang tinignan ang mama niya na malaki ang ngiti sa kanya.
"Bata ka pa lang Adee, ikaw na ang pinili ng yumaong Hari na mapangasawa ng anak niyang Prinsipe. Nasabi naman na sayo ni Queen Helia na si Papa ay dating Head of the Royal Guards at matalik na kaibigan ng Hari. Mas pinagkakatiwalaan ni King Theo si Papa kesa sa ibang mga tauhan niya. Noong bata ka pa, pinapayagan ng Hari si Papa na isama ka sa palasyo para makilala at makipaglaro kay Prince Robin. Unang kita pa lang sayo ni King Theo, naaliw siya agad sayo at magaan ang loob. Yun ang sabi ni Papa..."
Hindi makapaniwala si Adee sa mga narinig. "P-Paano po? Wala akong maalala na nagpunta ako sa palasyo o nakausap si Robin at ang Hari?"
"May hindi magandang nangyari nuong huling araw natin sa Maynila. Natrauma ka siguro dahil nasaksihan mo mismo kung anong nangyari..."
"Ano pong nangyari? W-Wala po talaga akong maalala..."
Hindi agad nakasagot ang mama ni Adee. Malalim ang iniisip at tila ba ay nasasaktan ito sa mga naaalala. Hindi maganda ang mga alaalang iyon. Kinuha niya ang nanlalamig na kamay ni Adee. At tinignan niya mismo sa mga mata.
"Ang pagpatay sa Dating Hari ng Bansa."
Nagulat si Adee. Hindi niya inaasahan ang sinabi ng mama niya. Kahit konti ay walang alaala sa isip niya tungkol sa buhay niya nuong bata pa siya. Lalong nanlamig si Adee. Nanginginig ang mga kamay niya.
"Bago mamatay ang Dating Hari, ibinigay na niya kay Papa ang Singsing na siyang tanda ng pagiging Crowned Princess. At si Queen Helia ang tumulong sa atin para makaalis sa Maynila at mamuhay dito sa probinsya ng simple at ligtas. Dahil may mga taong gustong makuha ang singsing kaya nanganib ang ating buhay pero prinotektahan tayo ng Reyna. Hanggang sa dumating ang tinakdang araw na ang singsing mismo ang magdala sa iyo sa palasyo."
BINABASA MO ANG
Prince In My Dream [ ONHOLD ]
Literatura KobiecaMeet Adee. Being a loser was all she had ever been. Dakilang utusan sya ngayon sa office, She frequently commits mistakes, she's weak and she's a laughing-stock. Pero ginagawa pa din nya ang lahat para magustuhan sya ng mga tao sa paligid nya. Isang...