PRINCE IN MY DREAM DAY 33
"OH SISSY NAPADAAN KA?!"
Malungkot ang itsura ni Adee at nangingilid ang luha sa mga mata nya.
"May problema ba?" Si Sarrah ulit. Nilapitan nya si Adee at inobserbahan ang itsura nito.
Umiling si Adee.
"Wala? Eh bakit ganyan ang itsura mo?" Sarrah. "Halika nga dito, magusap tayo."
Naupo sila sa mahabang sofa.
"Anong nangyari? Ang Reyna ba?"
Umiling si Adee.
"Sa opisina?"
"Iling ulit ang isinagot ni Adee.
"Kung ganon, si Prince Robin ?"
Napabuntong hininga si Adee. Napakamot naman ng batok si Sarrah.
"Sabe na si Prinsipe mo yun eh... bakit? Nag-away kayo?"
"Di kami nag-away. Okay kami."
"Oh? Eh bakit ganyan ang mukha mo?"
"Wala."
"Sabihin mo na kasi kung ano nangyari? Gusto mo pa yatang tawagan ko si JV eh..." inilabas ni Sarrah yung phone nya at kunyari ay hinahanap ang number ni JV.
"Wag!" Kinuha ni Adee phone ni Sarrah.
"Oh? Eh bakit nga?"
"Y-yung... Yung girlfriend ni Robin, bumalik na. Masaya na sila." Pinipilit ni Adee na pigilan yung luha nya.
"Girlfriend ni Robin?! Este, ng Prinsipe?!"
Naalala ni Sarrah yung mga sinabi sa kanya ni JV.
"Oo. Maganda sya. Sobrang ganda nya..." malungkot ang boses ni Adee.
"May ginawa ba sila sayo? May sinabi ba silang di maganda?"
Umiling si Adee.
"Sabihin mo nga Adee... Mahal mo na ba si Prince Robin?"
Nagulat si Adee sa tanong ni Sarrah. "Mahal?"
"Oo. Kitang kita sa itsura mo na nasasaktan ka dahil sa pagbalik nung girlfriend ng Prinsipe. At mas nasasaktan ka kasi nakita mong mas masaya ang Prinsipe dun sa babaeng yon kesa kapag kasama ka nya. Tama ba?"
Natahimik saglit si Adee. Nag-iisip.
"Hindi sa ganun Sarrah...""Eh sa paano? Sinabi mo ba sa kanyang ikaw ang Crowned Princess at ikaw ang mapapangasawa ng Prinsipe kaya wag na syang eepal?!" Mataray na tanong ni Sarrah.
"Ano ka ba?! Di ko sasabihin yon! Sinabi nya kasing sya ang Crowned Princess at sya ang susunod na Reyna ng bansa kaya sinabi ko na lang na ako ang Personal Maid ng Prinsipe. Tsaka..."
"Tsaka...?"
"Tsaka, alam kong di gusto ni Robin na malaman ng girlfriend nya na ako ang mapapangasawa nya. Baka di nya maintindihan ang sitwasyon at Baka iwan nya si Robin."
"Mahal mo na nga ang prinsipe..."
"Ano?!"
"Nakikita kong Mahal mo na sya kaya mas inuuna mong isipin ang kasiyahan nya bago ang sayo. Kasi alam mo sissy, kung ako yung nasa posisyon mo, sasabihin ko na wag syang magpanggap kasi ako tunay na Crowned Princess at kakampi ko ang Mahal na Reyna." Lalong tinarayan ni Sarrah ang pagsasalita.
Walang reaksyon si Adee at malalim ang iniisip.
"Anong ginawa ni Prince Robin? Anong sinabi nya? Di ka ba nya ipinagtanggol?" Si Sarrah ulit.
BINABASA MO ANG
Prince In My Dream [ ONHOLD ]
Literatura FemininaMeet Adee. Being a loser was all she had ever been. Dakilang utusan sya ngayon sa office, She frequently commits mistakes, she's weak and she's a laughing-stock. Pero ginagawa pa din nya ang lahat para magustuhan sya ng mga tao sa paligid nya. Isang...