PRINCE IN MY DREAM DAY 25 [ Jealousy ]
"ADEE?!"
Mula sa kotse ay bumaba si JV dala dala ang isang malaking payong. Agad nyang nilapitan si Adee na basang basa na sa ulan.Agad pinayungan ni JV si Adee.
"Adee, anong ginagawa mo dito? Bakit ka nagpapabasa sa ulan?! Baka magkasakit ka ulit nyan?!"Nakayuko pa din si Adee. Walang imik.
"Adee?..."
Napansin na ni JV ang paghikbi ni Adee.
"Adee, umiiyak ka ba?... Ano bang nangyare?!!"
"JV..." tumingin na si Adee kay JV at namumugto ang mga mata nito dahil sa pagiyak.
Natigilan si JV pagkakita sa mga mata ni Adee.
Malungkot ang mga ito, namumula dahil sa pag-iyak at nasasaktan si JV na makitang ganito kalungkot si Adee.
Nakaramdam sya ng galit sa kung sino mang dahilan ng pagiyak ni Adee. Gustong gusto na nya itanong kung sino ang may gawa sa kanya nito pero pinalagpas nya muna ang galit nya. Lumambot at kumikirot ang puso ni JV na makitang umiiyak ang babaeng Mahal nya.
"Tahan na..."
Dahan dahan hinapit ni JV si Adee palapit sa kanya at niyakap ito.Nagulat si Adee sa ginawa ni JV pero lalo lang sya naiyak sa mga balikat nito.
***
NAPAHAKBANG NG ISANG BESES SI ROBIN PAGKAKITA SA GINAWANG PAGYAKAP NI JV KAY ADEE. Napahigpit ang pagkakahawak nya sa payong na daladala.
Magkasalubong ang kilay na pinapanuod ni Robin ang dalawa mula sa malayo.
Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya. Hindi nya gusto ang nakikita pero di nya maalis ang tingin nya kela Adee at JV. Gusto nyang lapitan ang mga ito at bawiin si Adee mula sa pagkakayakap ni JV.
Pinagmasdan nyang akayin ni JV si Adee sa pagsakay sa kotse nito. Mabilis na umandar ang kotse hanggang sa maglaho na ito sa paningin nya.
Nanatiling nakatayo si Robin sa kinatatayuan nya, tulala.
"Bakit ba ako lumabas sa ulanan para sundan ang babaeng yon?! Nababaliw na ako?!"
Tinignan nya ang payong na hawak hawak at buong lakas na inihagis ito sa damuhan.Tsaka sya naglakad na pabalik sa palasyo.
***
MAYA'T MAYA ANG PAGSULYAP NI JV KAY ADEE NA TAHIMIK LANG NA NAKAUPO AT NAKATULALA SA LABAS NG BINTANA.
Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito. Basang basa ang suot na damit at namumula pa din ang mga mata.
Kinuha ni JV ang panyo mula sa bulsa nya at iniabot iyon kay Adee.
"Punasan mo muna yang mukha mo... basang basa ka..."
Mahinahon ang pagsasalita ni JV.Napatingin si Adee kay JV. Nakaabot pa din sa kanya ang panyo at seryoso ito sa pagdadrive.
Kinuha ni Adee ang panyo at ipinunas iyon sa mukha nya.
"Okay lang ako JV, wag ka nang magalala..."
Hindi agad sumagot si JV sa halip ay bumuntong hininga ito.
"Si Robin?! Si Robin ba ang dahilan?! Siya ba ang nagpaiyak sayo?!"
Hindi sumagot si Adee.
"Tama ako noh?! Ano ginawa nya sayo?! Tsaka bakit may dala dala kang maleta?! Don't tell me, pinaalis ka nya sa palasyo?!"
Nakatingin lang si Adee sa labas ng bintana. Maya maya ang sulyap ni JV kay Adee habang nagdadrive sya.
"San tayo pupunta?..." si Adee.
BINABASA MO ANG
Prince In My Dream [ ONHOLD ]
Chick-LitMeet Adee. Being a loser was all she had ever been. Dakilang utusan sya ngayon sa office, She frequently commits mistakes, she's weak and she's a laughing-stock. Pero ginagawa pa din nya ang lahat para magustuhan sya ng mga tao sa paligid nya. Isang...