PRINCE IN MY DREAM
DAY 22 [ Doctor Sato ]"KAMUSTA ANG KALUSUGAN KO DOCTOR SATO?"
Kakatapos lang kunan ng blood pressure ng doctor si Queen Helia.
"Maayos naman po ang kalagayan nyo Kamahalan. Wag nyo lang masyadong pagurin ang katawan nyo lalo na sa mga pagbyahe. Importante din na pati ang isip nyo ay kalmahin nyo Kamahalan. Lately ata madami kayong iniisip?"
Nung una ay seryoso ang pagsasalita ng Doktor habang inililigpit ang mga gamit nya. At nung huli ay nagbiro na din sya sa Reyna.
Si Doctor Romeo Sato, late 50's, ang Royal Doctor. Sya ang pinakapinagkakatiwalaan ng Royal Family pagdating sa kalusugan nila. Since the Reign of King Ongpauco, Robin's Great GrandFather, ay ang family na ng Sato ang talagang pinagkakatiwalaan nila sa usaping medikal. And at the same time ay kaibigan na rin ang turing nila sa Pamilya ng Sato.
"I guess you're right Doctor Sato. The prince is still giving me headaches, parang bata pa din?!" Sabay tawa ng Reyna.
Tumawa din ang doktor.
"Sa tingin ko Kamahalan, kailangan nang matuto ang Prinsipe ng mga gawain at responsibilidad ng pagiging hari. Para na din hindi na kayo naiistress Mahal na Reyna." Pabirong sabi ng doktor.
"Kung pwede nga lang sana Romeo... kaso sobrang tigas ng ulo ng batang yon. Ewan ko ba?!"
"Bakit Kamahalan? Hindi po ba sila magkasundo ng Crowned Princess?" Napatigil si Romeo. "Patawarin nyo ako Kamahalan. Hindi ko intensyon manghimasok...."
Yumuko si Doctor Sato bilang pagbigay galang at paghingi ng paumanhin.
"Wala yon Romeo... Wala sakin yon."
"Maraming salamat Kamahalan..."
Ngumiti lang ang Reyna sa kanya.
***
"ACHOOO!!"
Biglang bahing ni Adee sabay ang pagtakip sa bibig at ilong ng panyo."Ayos ka lang ba Adee?"
Si JV.Nag-aayos na ng table si Adee para makauwi na. Tinutulungan naman siya ni JV.
"Ayos lang ako JV. May konting sipon lang... pero tubig lang mawawala din to." Ngumiti si Adee kay JV.
Saglit na di nakapagsalita si JV at saglit din na natulala sya sa Ngiti ni Adee. Pinanood nya lang ito habang busy sa pagliligpit ng table.
"Tara na?" Nagtaka si Adee sa tulalang si JV. "JV? Anong nangyari sayo?"
"Ha? W-Wala naman!" Bumalik na sa katinuan si JV. "Tara na?"
At sabay sila naglakad paalis ng Office.
***
TATLONG KATOK ANG NARINIG NI ROBIN MULA SA PINTO NG KWARTO NYA.
"Kamahalan, may package po na padala para sa inyo..." sabi ng katulong mula sa labas.
"Package? Kanino galing?!" Napaisip si Robin.
"Galing pa pong Italy Kamahalan..."
Nagulat si Robin.
'Italy?! Ibig sabihin kay Yumi-chan galing ang package na yun!'
Nagmamadaling lumabas si Robin ng kwarto nya.
Isang malaking square na bagay ang package. May balot ito kaya di malaman kung ano talaga ang package.
Manghang tinignan ito ni Robin. At nakita nya ang isang maliit na card na nakadikit sa gilid.
BINABASA MO ANG
Prince In My Dream [ ONHOLD ]
ChickLitMeet Adee. Being a loser was all she had ever been. Dakilang utusan sya ngayon sa office, She frequently commits mistakes, she's weak and she's a laughing-stock. Pero ginagawa pa din nya ang lahat para magustuhan sya ng mga tao sa paligid nya. Isang...