PIMD XX TKOL SPECIAL CHAPTER [ NEW YEAR FIREWORKS ]

288 12 1
                                    

[A/N]
Happy New Year guys! Ito ang gift ko sa inyo ngayong NY. CrossOver ng Prince in My Dream at This Kind of Love. Extra Chapter po ito at wala itong kinalaman sa Flow ng dalawang story.

Nagenjoy ako isulat ito kaya napahaba. Sana magustuhan niyo! Mwa :*

~Kei Abordo
============================

PRINCE IN MY DREAM X THIS KIND OF LOVE SPECIAL CHAPTER [ NEW YEAR FIREWORKS ]

"ROBIN. ADEE. WHY DON'T YOU BOTH GO TO THE 'BY THE SEA FIREWORKS DISPLAY' LATER?"

Sabay sabay nag-aalmusal sila Queen Helia, Adee at Robin. Bagong taon na. Ito ang unang New Year ni Adee bilang isang Prinsesa. Ito ang una nyang New Year na kasama si Robin.

"By the sea? Bakit kailangan pa pumunta sa dagat kung may fireworks display naman dito sa palasyo mamaya?" Sagot ni Robin.

"I know, pero naisip ko lang na kailangan niyo din maexperience yung mga ginagawa ng mga young couples this generation habang hindi pa kayo nakikilala ng public bilang Member ng Royal Family." Paliwanag ni Queen Helia habang malaki ang ngiti.

"Young couples?!" Natigilan si Robin at Adee sa pagkain. "As if namang couple kami Grandma!"

Sumang-ayon naman si Adee kay Robin.

"Just go. Tsaka wala ako mamaya dito sa palasyo. I was invited by Director Gomez sa kanyang New Year Party. Si Director Gomez ay isa sa mayamang negosyante dito sa bansa. Aside sa pag-attend ng Party, business din ang dahilan ng pagpunta ko doon. Kaya kayong dalawa, this New Year will be your last New Year as Ordinary people. Sa susunod, mapipilitan na din kayo pumunta sa mga boring na party."

"Edi wag kayong pumunta kung boring..." kita sa mukha ni Robin na annoyed siya.

"Let's go Robin!" Si Adee. Napatingin bigla si Robin sa kanya. "Wala namang mawawala kung pupunta tayo sa By The Sea Fireworks Display. Tsaka mukhang mas maganda manuod ng fireworks sa tabing dagat."

"Walang mawawala? Oras ko..." bulong ni Robin sa sarili niya.

"Robin?" Hinihintay nila Queen Helia ang sagot ni Robin. Dalawang minuto ang lumipas bago simagot si Robin.

"Sige na nga... Pupunta na kami mamaya ni Adee sa Fireworks Display na yun."

Biglang lumabas ang malaking ngiti sa labi ni Adee. Pati na din ni Queen Helia.

***

"YOANNA!!! YUNG PHONE MO KANINA PA RING NG RING!!"

Sigaw ni Mama mula sa sala. Walang pasok ngayon dahil New Year at sa Lunes pa ang resume ng klase. Mula sa kusina ay nagpunta ako sa sala para kunin yung cellphone ko na nagriring nga. Tinignan ko sa screen kung sinong natawag. Si Theus.

Ano kayang problema ng lalaking ito?

"Hello? Napatawag ka?"

'Oy. Lumabas ka ng bahay nyo.' Utos niya.

Napaisip ako. Bakit kaya ako pinapalabas ng bahay ng lokong to? Wala na ngang pasok, trip niya pa din ako? Wala bang Sembreak ang pangaasar niya sakin?

'Lumabas ka na, ngayon na.' I rolled my eyes. Lumabas ako ng bahay at pagbukas ko ng gate nagulat ako ng nakapark sa tapat nito ang Ranger ni Theus. Nakasandal sa pinto ng passenger side si Theus hawak ang cellphone niya. Nakasuot siya ng simpleng white tshirt, nakalabas yung ibang part ng tattoo niya sa kanang braso. May benie sa ulo niya at naka Aviator shades din siya na RayBan. Ang gwapo at fresh tignan ni Theus ngayon. Unconciously, napalunok na lang ako.

Prince In My Dream [ ONHOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon