[Sabrina's POV . . .]*ring* *ring*
Nagising ako ng makarinig ako ng tawag mula sa aking cellphone. Aist. Gabing gabi na at bakit may tumatawag pa sakin. Sinagot ko.
"Sab? It's me.."
"Sino ka ba? Hatinggabi na ah. Nakakadistorbo ka ng tulog."
"Si Diane to." Napatalon ako sa aking kama at hindi ko ineexepect na tatawag siya akin.
"Yesss? Why?" Mataray kong sagot
"Nasa labas ako ng apartment mo." O____o
Kaya binuksan ko agad ang aking kurtina at andun nga siya sa ibaba. Pinag-isipan ko pa kung papapasukin ko ba siya o hindi. Pero sa awa ko, okay nalang. "NALANG". Hahaha napilitan ang peg. And yes,, dahil hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na may half sister ako. Bumaba na ako and pinapasok siya sa aking mumting apartment.
"What do you need?" Pagtataray ko
"Sab I know it's hard for you to accept me but please I need your help."
"What?"
"Kakauwi ko lang kasi from the States and wala pa akong tutuluyan."
Wow at sakin pa siya nagpapatulong huh?! Wow!
"I'm gonna call daddy para masundo ka niya dito. Maaga pa kasi bukas and you know our history my half sister. Di pa ako masyadong komportable tapos umalis ka nuon ng bansa? At dahil kay dad yun. Nakapag aral ka ng 1 year sa US and to think ang nag iisa niyang legal na anak di niya pa napapapunta dun? Well it's not that I'm jealous pero nagkaroon naman ako ng kumpletong pamilya. Okay i'll stop bragging. I'm gonna give you the number and you may go. Okay?"
Tinalikuran ko siya and medyo naaawa talaga ako pero sorry nalang dahil nasira niya rin ang tulog ko. Mabait naman ako eh, sadyang di ko lang talaga makalimutan ang ginawa nila ng nanay niya sa pamilya ko. Masyadong masakit sakin ang makita ang aking nanay na umiiyak for straight 3 nights and wla masyong maayos na tulog. *sigh*
"im sorry Sab. Sige lalabas nalang ako. Hihintayin ko si papa. Salamat."
Nilock ko na ang pinto at umakyat na ako sa kwarto at mahimbing na natulog ulit.
[kinabukasan...]
Bumangon ako at dali daling naligo at wala na akong time kumain pa kaya naglakad na ako ng mabilisan papuntang school. Nasa gate na ako nang mahulog lahat ng librong hawak ko sa pagmamadali. May isa namang anghel na tumulong sa'kin at medyo nagslow mo ang aking paligid, chos!! Ang guwapo. Tinulungan niya ako at sabay kindat bago siya umalis. HEAVEN DUDEEEEE!!!
"Tama na tulala diyan." Nabigla ako dahil di ko naman kilala ang lalaking ito at bigla nalang akong tinulungan sa pagbitbit ng aking mga libro at dinala ako sa may bodega ng school
"Uii goon. San mo ko dadalhin?" Nakakatakot naman tong school na to ang daming halimaw. Wait I think I remembered this jacket. Ito yung suot ni .... nico??
"Oi goon san mo ko dadalhin. Malelate na ako sa klase ko!"
"Shut up!" Wow tsong. Shut up ka rin noh. Nung nakatiempo ako, kinagat ko ang wrist niya. Kaya nakahanap ako ng paraan para makatakbo pero tumama din ako sa matigas na bagay? Hindi hayop.. Ay aray ko sakit naman.
"You!" Taoooooo
Waaaaah siya na naman. Bakit ba? Anong gusto nila? Ang atay ko? Ang kidney ko? Waaah no!!
"Oi ikaw! Ba't moko kinagat ha?!" -Benj
"Tama lang yan para sa'yo.. Oi ikaw ba't moko dinala dito?" What do you need from me goons...
Nakapalibot sakin ang 10 goons. Mga guwapo naman pero NO! Di ako maaakit sa kanila. Gangsters are GANGSTERS! Lord, take me away from here.
"Nico, anong kailangan mo sa kanya?" Sinundan ko ng tingin yung nagsalitang isang goon. Medyo maamo naman ang mukha at guapo rin. Mas gwapo dito kay Nico. Haaay.. Wag! Gangsters pa din sila Sabrina. Wag ka pauuto.
"Oo nga, anong kailangan niyo sakin? Late na ako ng 10 minutes. Alam niyo ba yun? 2nd day palang ng klase tapos gumagawa na kayo ng kademonyohan." >.<
"Because I need you.." -Nico
