#17

3 0 0
                                    

***

Dumaan ang ilang araw at di pa rin ako pinapansin ni Nico.

"Uy, Sab? Anong kadramahan yan?"

"Ssssh. I'm napping."

"Nap ka diyan! Tssss. By partner tong activity, wag mo kong iwan sa ere."

"Di pa rin ako pinapansin ni Nico."

"at bakit ka naman niya papansinin??"

"He's my....."

*knock*

POD entered our room.

"Class, kukunin ko na mga letters niyo. Be prepared ha? 3 day tour yun. Tsaka I hope all will behave."

Tapos dumaan ang bitch sa tabi ni POD. Bastos talaga. Di man lang bumati.

"Hi POD. This is my letter signed by my Father." tapos tumingin sakin saglit

"Ay nako friend inirapan ka. Ano? Sasapakin ko na ba?"

Alam ni Kara ang tungkol kay Diane kaya naman umiinit din dugo niya sa kanya. Chismosa ako eh tsaka nabanggit ko yun nung nag malling kaming dalawa.

"Yaan mo na. She's not worth our time."

****

[Canteen]

Umupo kami ni Kara sa may harap ng stall ng siomai.. How I love siomai kaya umorder ako ng worth 150 pesos. Madami na rin to para sa 8pesos per piece. Binigyan ko naman si Kara pero 3 lang ahaha. Madamot na kung madamot. Hmmp.

"Takaw mo Friend." Asar niya

"Wow ha? Eh buti nga ako in shape pa din pero ano ka ngayon? Eh 2 months palang sa school tapos lumobo ka na ng 2kls. Eeww." Hahaha nakaganti din ako. Ako pa? Papatalo ba ako?

Napatingin ako sa paligid ko habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko. Then I saw them. The Dark Stars. Di tuloy ako mapakali. Tumitili na ang ibang kababaihan habang dumadaan sila. Eh pano sina Natty at Benj kumakaway din pabalik. Ang landiiii mga chong.

Papunta sila sa may table namin. My gosh. Kumpleto sila. I think okay na sina Enzo at Nico. Buti naman.

"Uy Sabrina." Tawag sakin ni Calvin na nakaagaw pansin sa loob ng canteen. Lakas talaga ng boses ng isang to.

"Kamusta ka?" Bati sakin ni Enzo

Napatingin ako kay Nico na ngayon ay di naman umiimik ay nakatingin lamang sa paligid.

"Uy Miss Montenegro. Grabe ha? Di ko alam na mahilig ka pala sa Siomai. Wag kang mag alala sa susunod bibigyan kita. Gumagawa ng siomai ang mama ko." -Benj

"Talaga?? Good. Sige sige. Babayaran kita"

"Ay wag na. Para siomai lang eh."

Nako naman. Sige na nga. Papakipot pa ba ako? :)

"Salamat Benj." Nginitian ko siya. At tinignan ko si Nico. Trip ko siyang asarin pero baka mabatukan lang ako nito.

"Nico.. uy."

"Hindi Uy ang apelyido ko."

At yun, kinausap nga ako pero pilosopo pa

I hissed.

"Kamusta ka? Tagal mo na akong di kinakausap ah." Trying to talk to him

"Namiss mo ba ako?" Nico

The Gangster's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon