[Sabrina's POV . . .]
"Ako na Enzo. Pumasok ka na sa loob." -Nico
Bakit lumabas pa si boss eh ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha niya kahit ngayong gabi lang..
"San ka pupunta?" Hahakbang na sana ako ng tinanong niya ako. Di pa rin umalis si Enzo sa kanyang kinatatayuan. Ayaw niya siguro akong iwan nang mag-isa.
"I'm going home. Ano pa bang gagawin ko dito? May iuutos ka? Wala naman siguro ang ex mo dito para magpanggap tayo."
"Ang taray mo ah! Stay."
"Aso ba ako ha Nico?! Grabe ka ha? What do you want? Ang harsh mo naman! Tao ako oh, TAO!!"
Di ko na napigilan, tumulo na pala ang luha ko. Kaya imiwas ko nalang ang tingin ko at tinalikuran na sila.
"Sab.. Teka!" I can hear his voice pagsara ko ng pinto ng taxi. Bahala siya sa buhay niya. Eh siya na nga ang humihingi ng favor, siya pa ang galit. Laruan niya nalang naman ako so sana respeto naman.
[Nico's POV]
First day and it was the deal day.
Did I just hurt her?
Nakasakit na naman ako ng tao.
Sorry, I'm so sorry Sab. I promise i'll make it up to you tomorrow.
Pag talikod ko, sinalubong ako ng suntok ni Enzo.
He never uttered a word. Dire-diretso lang siya sa kanyang motor at umalis.
Aba gago yun ah ! Humanda ka sa'kin bukas Enzo!
Pag pasok ko, bigla nalang tumayo si Matt at kumuha ng yelo sa ref. napaupo ako sa mga tabi nila at kumuha ng bote ng beer at nilaklak.
"Master, may dugo ka sa labi mo. Etong yelo." Pag-aabot ni Matt sakin ng yelo wrapped with towel.
"I don't need that."
"You need that."
Napahinto ako sa paglaklak ng maka rinig ng boses ng babae. Napalingon kaming lahat sa kinatatayuan niya.
"Diane?"
Nawala ang expression ng mukha ko. Ngayon pa na ayaw ko siyang makita.
"What the hell are you doing here?!"
Simula nung nakipaghiwalay siya sakin, di ko na siyang nakita ulit. NGAYON pa lang ulit.
"Di mo ba ako namiss? Babe?"
Palapit ng palapit siya akin. Titig na titig.
"Wag mo mga akong mababe! Matagal na tayong wala Diane!"
Umalis ako sa kinatatayuan ko at umakyat ako. Kinuha ko mga gamit ko at lumabas na ng hideout.
"Hey, where are you going?!" At bakit susundan niya ako? Try niya lang kung ayaw niyang makatikim ng bagsik ng gang ko.
"Bakit Diane? Bakit ka pa ba nagpakita? Anong ginagawa mo dito? Asan ang baby mo?! Asan yung nakabuntis sa'yo? Are you happy together? Are you checking me out if I'm fine? And yes! I am happy and .... INLOVE!"
Tinalikuran ko siya at bigla nalang niya akong niyakap. Yes, niyakap niya ako.mwalang hiya noh?! Ganda ng mood niya habang ako, napipikon!
"Can you please get off me?! Nakakadiri ka!"
"I missed you babe. Kahit na ilayo mo man ako sa'yo di kita bibitawan. Akin ka na uli babe please? Hiwalayan mo na yung girlfriend mo!"
"Haha wow! MakaBabe ka wagas! Pwede bang bumalik ka sa nakaraan at isipin mo muna kung anong nagawa mo sakin bago ka maging sweet sakin?! I'm happy with my life right now at dumating ka ulit? Damn it!"
"At sinong babae yan ha Nico? Speaking of my baby, i lost her! I got stressed!"
"Stressed ba kamo? Kung nawala man ang baby mo, kasalanan mo yun! It's a blessing for you and what have you done?! Di ka ba inalagaan ng ama ng bata mo? Tama na Nica Fuentes! Matagal na tayong wala!"
Tinulak ko siya para lang makaalis siya sa motor ko at umalis na ako. Di ko kayang makita siyang ganun. After what she have done to me?!
Papunta ako ngayon sa bar. Sa alak ko nnaman mabubuhos ang galit ko. Di na ba talaga ako pasisiyahin ng mundo?
I parked the motor and dumeretso ako sa counter.
"Rhum please."
[Sabrina's POV]
"Rhum please."
Medyo natigilan ako sa pag inom ng vodka na inorder ko. Parang familiar ang boses na yun ah. Tumingin ako sa kanan ko at medyo hilo na ako.
"Nico?"
Tae. Ba't andito siya? Sinusundan niya ba ako?
"Sab."
Napabuntong hininga ako. Siya nga.
"Sinusundan mo ba ako?!"
"What? No!"
"Anong no? Eh maraming bar sa paligid tapos dito ka pa napunta."
"Sorry. I'm so sorry Sab. Please forgive me. Di ko sinasadya yung kanina."
Hinawakan niya ang kamay ko. Medyo nakukuryente ako sa hawak at titig niya. Gwapong nilalang naman pala ito. Pero no Sab. Di ka madadala sa mga titig na yan.
Binawi ko ang kamay ko at uminom ako ulit.
"I'm sorry Sab."
I can feel his sincerity. Napapaluha nanaman siya. Bakit nga ba? Bakit nga ba di mo masabi sakin kung sino? Well di ko naman kakilala yun. Sa laki ba naman ng mundo. Pero pwede namang maserach sa FB.
"Why are you crying? Bakit ka ganyan? Well I can be your shoulder. Hayaan mo na yung kanina. Sorry din sa pangungulit ko."
"No it's my fault."
"Nico? Bakit? Bakit ka nga ba andito? May problema ka nnaman ba?"
"Actually yes. She's here."
"Huh? Sino?"
"Yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito parin hanggang ngayon."
"Enzo?"
Napatingin ako sa likod ni Nico. Dumating si Enzo.
"Enzo ayoko ng gulo pare."
"Ayoko rin ng gulo. But why are you here?"
Sige, sila na ang mag-usap.
"Pare, dumating na siya."