[Nico's POV]
Andito kami ngayon ni Sab sa may tabing dagat. Umupo ako at nilapag ko muna ang shirt ko sa may buhangin at hinigaan ito. Umupo rin si Sab pero di siya humiga. Tumingin lang siya sa malayo. Ang lalim ng tingin niya.
"Sab?"
"Yes?"
"Di ka ba nagsisisi?"
"Sisi san Mr. Angeles?"
"For being my victim."
"Medyo. Pero di na ako makaalis sa sitwasyong to. Tsaka continue nalang. Gusto ko din kasing inisin si Diane. Plus for what she did to you. She's insane."
"I'm Sorry. Di naman sa manggagamit ako pero alam mo na. I wanted revenge to give justice to my feelings. Masyado akong nasaktan noon. Sa kanya lang ako naging tapos ganun lang gagawin niya sa'kin? Buti nalang at virgin pa ako. Haha."
Napatawa ako sa sinabi ko. Babae pa kausap ko ha.
"Kadiri ka Nico." Natawa ako.
"Sorry ulet."
"Maiba tayo Nico. Di ka pa ba nafall uli sa ibang babae after kay Diane?"
"Sinarhan ko ang puso ko. Pero baka ngayon handa na ako uling buksan ito."
Yes and maybe after this revenge I would give my heart a good justice.
"Kanino?"
"To all."
Landi lang haha pero joke. I think di naman mahirap mahalin si Sab. Hmmm. What am I thinking.
"Oi tara Nico. Tama na emote."
"Why?"
"Night swimming! Duh???" Tapos mabilis siyang pumunta ng dagat at tinalsikan ng tubig.
"F*ck!"
"Angeles stop cussing. Tara!"
"Humanda ka Montenegro!!!"
Then we played. Ang saya pala noh? Yung wala kang nararamdamang galit. Tapos masayahing tao pa ang makakasama mo. Gusto ko na maging masaya. And I can feel it. I want to be happy with her.
****
[Sab's POV]
After naming magswimming ni Nico, umakyat na kami at nakita kong nakaupo si Enzo sa may Balcony at umiinom???
Nilapitan ko siya...
"Enzo"
"What??"
"Are you mad?"
"No. I just want to be alone."
"Andun sa baba sina Natty, Benj at Calvin. If you wanna join them."
"Are you pushing me away?"
What is he saying?
"Ayaw mo ba akong makasama?"
Umupo ako sa harap niya at pinigilan ang kamay niya na may hawak ng bote ng beer.
"Stop it. Tara hatid na kita sa room."
"No, kaya ko sarili ko Rina."
Itinabi ko ang mga bote ng beer at pilit siyang itayo. Ang bigat na ng katawan niya. May tama na talaga to.
Calvin saw me kaya tinulungan niya ako.
"Salamat Calvin"
"Wala yun Sab. Tara? Hatid na natin siya sa kwarto."