[Sabrina's POV]Nasa corridor ako ng mga oras na yun. Maglalagay na sana ako sa locker pero may naririnig akong mga boses sa may gitna ng locker room. Napatigil ako at sinubukan kong makinig.
"Hey you, what are you doing here? Nagtatago ka na naman ba? Duwag!" Nagulat ako sa aking mga narinig kaya di ko napigilan na sumilip ng sobrang kaunti.
"Tama na Calvin. Nasasaktan ako."
Tuloy tuloy pa din ang hagikgik ng mga lalake. Teka parang pamilyar ang mga mukha nila ah. Wait.. Is that the Dark Stars? O___o Oh My G!! Sila nga!! At bakit nila sinasaktan si AJ. Tsss. Mga gang nga talaga. Tsh. Kailangan ko nang umuwi pero san ako dadaan? Hay. Bakit ba kasi dito pa sila.
Habang nag iisip ako ng plano kung anong gagawin ko, hinila ako ng isang unknown person at tinakpan niya ang bibig ko.
"Don't ever say a word, okay? Whatever you heard or saw. Just shut your mouth or else."
Pilit kong inaalis ang kamay niya sa bibig ko para naman makapagsalita ako.
"Please just let me go. At bakit ba kung nakita ko sila? Or I mean Kayo?? Sanay na rin naman ako eh."
Di niya na sinagot pa ang tanong ko. Hinatak niya na lang ako papuntang car park. Pilit kong bumitaw pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko.
"San mo ba ako dadalhin? At sino ka ba? Wait ha. Kung akala niyo mauuto niyo ako, pwes hindi! New student ako dito pero it doesn't mean na matatakot niyo lang ako ng ganito." Galit kong sabi
Nakakapikon na itong isa dito ha. Magsasalita na dapat siya nang may biglang dumating na 2 lalake at nakatayo lang sa may likod namin.
"Master, he's guilty."
Napatingin ako sa nagsalita. Yeah gwapo nga pero ang angas talaga. Medyo familiar na talaga ang Dark Stars sa'kin. Kilalang kilala dito sa subdivision. Medyo malapit din kasi dito sa school ang apartment ko. Well, fourth year is fourth year and training ground ko na din daw yun bago ako mag college. Haay. May kalayuan na rin ang tinutuluyan ko sa bahay namin. So every weekend na lang ako umuuwi ng bahay. Busy din kasi ang family ko sa kanilang business. Naging rebelde din kasi ako for awhile nung 3Rd year ako. Nalaman ko kasi na may kapatid pala ako sa labas. Actually anak ni Dad sa ibang girl and guess what, magkaedad lang kami.
"Hey girl, what are you staring at? And master, who is she? New girl? Hahaha.." Nahiya naman ako sa'yo kuya. Ang lakas mong tumawa.
"She's my girlfriend. Dare to respect her. She's innocent."
At bigla niya nalang akong hinatak papunta sa loob ng kotse niya at iniwan naming humahalakhak ang dalawa duon sa kinatatayuan nila. Pero hindi parin mawala sa isip ko kung bakit ako andito at kung pano ako naging instant GF nito.
"Hey gangster! Stop the car please. San mo ba ako dadalhin? At anong sinabi mo? Girlfriend?? Wow dude. Hiyang hiya naman ako sa'yo. Kung magkakaboyfriend lang naman ako dun nalang sa inosente. Now can you please stop the car?!" Naiinis kong sabi.
First day as a transferee ito pa ang mangyayari sa'kin?? Lord please help me. 🙏🏻🙏🏻
"I'm Nico. Nico Angeles. Now kung ano man ang nakita mo kanina just forget it. Duwag lang yun. Duwag kasi kaya ayun."
"And now?? Tinatakot mo ako? Nico wait. Can you just forget na andun rin ako? Wag mo akong idamay please. Tahimik ang buhay ko at inosente ako. Just stop the car and let me leave."
"NO!!" Nakakagulat naman ... Ganito ba talaga sila magalit? He's still driving but the wheels are turning faster kaya mas natatakot ako.
"Nico stop the car!!" Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa road na kami patungong Tagaytay.
"Where are we going? It's already 5pm and we are here. Ang dilim ng daan Nico. Umuwi na tayo please." Natatakot na ako dahil unang una, di ko talaga kilala ang taong ito.
"Ano? Iiwanan niyo nnaman ako? Lagi naman pg ganito ang buhay ko eh noh?? Bakit pa kasi ako isinilang ha?!!! Fuck! Go leave. Gusto mong umuwi? Go! Iwan mo na ako!!"
Yeah takot ako sa kanya pero naaawa din ako. I can see his eyes full of loneliness. Pero naghahalong takot at kaba pa din ang nararamdaman ko ngayon. Kaya . . .
"I'm sorry. Wag ka namang magalit sakin. We just met and I don't know who you are. Di ako sanay ng gulo."
Then i slowly left his car. Naglakad ako mag isa. Yes. Naglalakad pa rin ako pero nkaramdam ako ng pagod. Hanggang may nakasalubong ako na 3 lasing pero hinayaan ko lang dahil medyo sanay na rin ako sa mga ganyan pero mali ang akala ko. Nung nakalagpas na ako sa kanila, bigla nalang akong tinawag nung isa na Miss Beautiful. At sa mga ganun, nandidiri ako at natatakot. Kaya binilisan ko ang paglalakad ko.
Pero di pa rin nila ako tinitigilan, kaya nagdadasal nalang ako habang kumakaripas na ako ng lakad. Gusto ko ng sumigaw dahil medyo nahablot na ng isang lalake ang isang kamay ko buti nalang nakailag ako. Pero nagulat na lang ako sa nang dumating uli si Nico. Yah, si Nico nga. He saved me, again?? Kaya natutulala nalang ako habang tinitignan siyang inuulanan ng suntok at sipa ang 3 lasing.
Pagkatapos niyang mapatumba yung 3, bigla na lang niya akong hinawakan sa aking kanang kamay at dali dali ako ulit na ipinasok sa kanyang kotse.
"I'm sorry for letting you go. Napahamak ka pa tuloy."
"No don't be. Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. You saved me. And I am sorry. Dahil sa pagliligtas mo sa'kin, I want to treat you."
"Are you kidding? Are you aware that YOu are inviting a leader of a gang?! No, ihahatid nalang kita. Ikaw din kasi, aalis alis ka tapos babalik ka rin pala. Sorry pala sa abala." Wow hugot si kuya ah. Kanina pa ata to. Siguro heartbroken.
Pagkatapos niyang sambitin yun, tahimik na siyang nagdrive at itinuro ko nalang sa kanya kung saan ang apartment ko. Paglabas ko ng kotse niya, umalis na siya agad. At pumasok na rin ako sa loob at natulog.
