[Diane's POV. . .]Walang hiya talaga yung babaeng yun. Di niya ba alam ang hirap na dinanas ko habang nasa Amerika ako? Hindi ako nag-aral. Pero nakakuha ako ng certificate dahil may kaibigan si papa dun. Yes, Papa dahil ayaw ng babaeng yun may kahati sa pagtawag niyang ng Daddy sa papa namin. Ang arte noh? Sabagay.. Kung ako naman ang nasa lugar niya, di rin ako papayag na may kahati pero di ko naman expect na may kapatid rin ako noh.
Speaking of, Andito ako ngayon sa sasakayan ni Papa. Sinundo niya ako at ngayon ihahatid niya ako sa isang condominium. Ayaw tlaga nila akong iwelcome sa pamilya nila. Ang nanay ko naman ay nasa Saudi. Nagtatrabaho para may maibigay din sakin, ayaw niya kasing iasa lahat kay Papa. Inamin niya ng maaga dahil may sakit din siya. *sigh* love ko si mama pero i need to sacrifice. Ang stepfather ko naman ayun busy din sa business niya.
Talking about kung bakit ako napunta sa US? Hmmm. I got pregnant when I was 18. Katatapos lang ng debut ko nun and I asked a favor from my stepdad kung pwede ba ako mag overnight party with my friends. Pumayag naman siya. May boyfriend naman ako nung time na yun. 2 years na kami ni Nico and he is a gangster. Di ko siya kayang ipakilala ng todo sa pamilya ko kasi ayaw nilang magkatuluyan kami. Well I loved him so much lalo na sa mga time na walang nakakaintindi sakin. Pero yun, dahil sa overnight party na yun, I got pregnant at hindi si Nico ang ama. :( pero pagdating ko ng US, nahulugan ako and I was so sad about it, ilang gabi ako di makatulog pero nagpalakas ako at ayun I planned to go home pero ngkaroon muna ako ng 2 jobs para naman makapg ipon.
"Anak, tulala ka nnaman. And what happened? Saan ang apo ko tsaka kelan ka ba dumating? Di ka man lang nagpasabi para nasundo kita sa airport." -papa
"Hmm papa, i lost the baby." Tears starts to fall from my eyes. Hanggang ngayon masakit pa din sakin. Kahit na nangyari yun at an unexpected time and with an unexpected person, still The baby is a blessing for me but i lost it.
"Ha?! But why? Are you not taking care of yourself? Ilang buwan na yun ah. Inilibing mo ba?"
"She's with me Papa. She is 5-6 months nung nahulugan ako. And nagpakiusap ako na ipapacremate ko para naman may alala ako pag uwi ko ng Pilipinas. I was taking care of myself pero nastress po siguro ako."
"Hooh, di bale.. She is in heaven right now. We're here. Ihahatid kita sa room mo. It is just a one bedroom unit anak. Hope you like it. I prepared it for you nung dumating ka sa buhay ko. You are older than Sabrina and you need this. Ieenroll kita sa school ni Sab tomorrow. Dun nalang tayo magkita."
Hinatid nga ko ni papa and I fixed my things kasi bukas ieenroll ako ng maaga ni papa and shopping na rin for my additional things dito sa bahay.
[Sabrina's POV . . .]
"Because I need you..."
Uwaaaaaaa!! Anong kelangan niyo sa'kin?? :( lubayan niyo na ako...
"And why??" Matapang ko pa ding sagot
"I need you to be my girlfriend. Be with me all the time and do whatever i want you to do."
"Wow? Di naman girlfriend ang hinahanap mo eh. Kundi servant mo! Che! I was not born to be your servant Mr. Angeles."
Naghiyawan ang mga goons at medyo napahiya si Nico. Hmmmp. Dapat lang noh!
"Wow tapang mo ah. Di mo ba alam na maraming connections yan si Master at baka bukas nasa Ilog Pasig ka na."
"Di ako natatakot! Pwede na bang umalis mga Goons?"
"No! You can't" -nico
"Nico maawa ka naman. Ako nang bahala diyan." - sabi ng maamong mukhang goon.
"I said no! What's your name again?"
"At bakit ko naman sasabihin sayo?"
Kinuha niya ang ID ko at binasa ng malakas ang pangalan ko.
"Akin na yan, ano ba!" Ang tangkad ng goon na to. Di ko maabot...
"Sabrina Montenegro? Nice name huh? Nice name para sa Nico."
"Shut up Angeles! My dad's a police. Do you want to be in jail?" Pero di naman tlaga police ang tatay ko. ^^
"Haha. Ako ba tinatakot mo ha? Do it or else ... Ipapahamak ko ang mga malalapit sa buhay mo." Wow lupet. Gago pa ito eh. Nandadamay pa.
"Pumayag ka na kasi Baby girl." Tawang tawa na sabi ng isang halimaw sa sulok.
"Wag mo akong mababy girl. Di tayo close tska Sabrina is my name. And..... i'll play your game."
Ayun, nasabi ko na rin. Siguro naman di mahirap maging girlfriend ang isang ito. Nakakatakot nga lang dahil makikita ko ang mga rambol nito sa may mga kanto. Geeez -.- ano ba naman tong pinasok kong gulo -.- hooh. Matapang ka naman diba? Diba Sabrina? Shit :/ sana man lang di ako mapahamak kundi malalagot ako kna daddy. :|
