Jessica's POV
"HOY GISING NAAA!!!! JUICE COLOREDDDDDD TANGHALI NA MAY PASOOOOK KA PA!!!!" Narinig Kong sigaw ni nanay with matching yugyug pa.
Minulat ko Yung mata ko at tumingin sa orasan.
Ako nga Pala si Jessica Leneza but people call me Jessie. 19 years old. Palabiro,makulit pero palaban ako Lalo na pag ako ang tama. Scholar ako sa LaFerra University Mula nung High school hanggang ngayon 3rd year college ako.
"Nay 6:30 pa lang.. kelan ba naging tanghali ang Ala sais?" Natatawang sabi ko dito sabay umupo sa kama.
Plak!
Arayyy sinapok ako.
"Pilosopong Bata! Bumangon kana na lang Dyan at mag almusal gigisingin ko pa si Karlo.. hay kayo Talagang magkapatid ang takaw takaw matulog" sabi nya with matching pailing Iling
Nakapikit Kong tinungo ang banyo Para maligo. Hayyyy first day ko Pala ngayon medyo nakakatamad lalo na pag Alam mo na ang mangyayari mamaya -.-
Nung matapos ako pumunta na ko sa kusina at nakita ko doon sila nanay at Karlo nag aagahan. Umupo na din ako at kumuha ng pagkain.
"Wala na si tatay?" Tanong ko Kay nanay.
" ay maagang umalis dahil maaga daw ang duty nya" Sabi ni nanay.
Security guard si tatay sa isang pangmayamang village.
Pagkatapos Kong Kumain ay umalis na ko baka kasi matraffic pa mamaya Mahirap na baka malate. At sakto naman may jeep na medyo puno na at 3 pasahero na Lang ang kulang.
"Manong Bayad ko po" inabot ko na ang barya ko dito
Habang nasa byahe ay kinuha ko muna Yung cellphone ko
1 new message
Binuksan ko ito
From: Maxine
" girl Nandito na ko"Si Maxine ang best friend ko Mula nung 1st year of college. Mayaman ito pero Hindi gaya ng ibang mga students duon na mapang-api. Naging magkaibigan kami Mula nung pinakopya ko sya sa quiz.mabait ito para na nga Kaming kambal nito e.
To:Maxine
"Malapit na ko girl Ilang kembot na lang"Maya maya ay nandito na ko sa harap ng school. Well as usual parang fashion show ang first day of school lalo na sa mga mayayaman grabe parang pumasok lang itong mga ito para magpasikatan. Yung iba Naka sunglasses pa ay jusko mga walking tutubi
Naglakad na ko papunta sa isang bench malapit sa cafeteria dun kasi kami lagi nag hihintayan ni Maxine.
" guuuuuurllllllll!!!!!!!!!" Narining Kong sabi nito at patakbong napayakap pa ito sakin. Halatang masayang masaya ito na nakita ako. "Namiss kita! Bakit di mo ko tinext nung bakasyon?"
"Wala akong load Alam mo na pag walang pasok Waley ding pera" pag bibiro ko dito
"Hay naku oo nga Pala nakuha mo na ba schedule mo?" Tanong nito habang naglalakad kami
"HindI pa nga e.." sabi ko habang napapakamot ng ulo
" same hehe. Tara na medyo di na mahaba ang pila" Sabi nya tsaka ako hinila
BINABASA MO ANG
My Brother's Girlfriend GXG
RomanceSkyller Jane Ring Yan ang pangalang maririnig mo agad pagpasok mo sa Laferra University. maganda ito at masungit. kahit kakatransfer pa Lang nya ay madami na Itong taga-hanga. anak sya ng isa sa pinakamayamang tao sa Pinas at Iba pang panig ng Asia...