9 what the hell

2.2K 69 40
                                    

Skyller

its been a week mula nung nakita ko uli si Oliver Emperial, ang pinsan ng ex ko. Mula pa lang noon mainit na talaga dugo sa akin ng lalaking yun dahil tutol talaga sya sa relasyon namin ni Allison.

Ito na siguro ang pinakatatago na sikreto nila mommy at daddy. Ang pagiging bisexual ko. Ayaw nilang malaman ng lahat ng ang tungkol sa kasarian ko, Hindi dahil sa kinahihiya nila ako pero dahil ayaw nilang mag iba ang tingin ng ibang tao sa akin.

Allison decided to end our relationship. Natakot sya nung nalaman ni Oliver ang relationship namin. Tinakot sya ni Oliver na kung di sya makikipaghiwalay sa akin ay ikakalat nya ang tungkol sa amin. Hindi takot si Allison na malaman ng lahat ang relasyon namin. Ang kinatatakot lang siguro nya ay iyong nakakita si Oliver ng butas para maagaw ang company na pinaghirapan ng pamilya nila. Alam ng lahat na ang dad kasi nya ay anak lang sa labas ng lolo nila Alison kaya halos lahat ng negosyo ng mga Emperial ay napunta sa dad ni Allison. Of course may ilang negosyo ding namana ang tatay ni Oliver pero hindi iyon lumago dahil sa kapabayaan nito. Nung una oo nasaktan ako pero, napag isip isip ko ding baka hindi talaga kami para sa isat isa.

Kung ako kaya kong talikuran ang lahat, kabaligtaran naman si Allison.

I sighed.

Ang drama pala talaga ng buhay ko.

It's been 2 years.. and I've already moved on. I can tell na nakamove on na din sya. Kaya naman masaya na ko dun.

Kumuha ako ng pineapple juice sa ref at pinagmasdan ang buong beach resort namin.

Nakakarelax talaga. Wala ibang tao dito kung hindi ako at ang mga naglilis at ibang nagtratrabaho dito.

1 week na din mula nung pinasara ko muna ang buong resort. Gusto ko din kasing makapag isa. Hindi ko nga alam kung bakit ako biglang napatakbo nung nakita ko si Oliver nung party. Inis talaga ako sa lalaking yun.

Narinig kong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang naglilinis bahay. Gaya ng dati ay tinignan ko lang ang pumasok at hindi ako nagsasalita.

Alam kong takot ang lahat sakin dito kaya di na ko nagtataka kung bakit di makatingin sakin tong isang to.

Tinaasan ko sya ng kilay. Ayaw kasing magsalita.

"Mag..." nauutal nyang sabi "mag.. lilinis lang po--"

Di ko na sya pinatapos at naglakad na ko palabas. Baka di sya matapos mag salita sa sobrang takot nya.

Well di na ko nagtataka.
Isang linggo pa lang ako dito pero syam na ang natatanggal ko.

Galing kong maglinis ng staffs diba?

Ayoko kasi ng tatanga tanga.

Naglakad lakad ako sa pampang at ineenjoy ang sunset. Napakaganda kaya naglakad ako papunta sa dagat para malapitan ang araw. Alam kong kahit languyin ko tong dagat hanggang sa dulo ay hindi ko pa din magagawang lapitan ang napakagandang bolang apoy.

Hanggang leeg ko na ang tubig nang maramdaman kong may humawak sa braso ko at tsaka ako niyakap.

Hindi ko alam pero parang may mga gamo-gamo, langgam, grasshopper o kahit anong insekto sa tyan ko nung nakilala ko yung familiar na  matamis na amoy na nanggagaling sa taong humila sakin. Wala naman akong nagawa dahil nagulat ako sa ginawa nya

Wala sa sariling napapikit naman ako

Pero..

Bakit nandito sya? Paano nya ako nahanap?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Brother's Girlfriend GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon