Jessica
1 week na din siguro after nung party at 1 week na ding di pumapasok si Skyller. People are wondering where did she go.Sabi nila bumalik na daw sya sa States but I doubt it kasi ni Chris she can't go back daw dahil na kila tita yung passport nya. Kahit yung dalawang kaibigan nya hindi din alam kung saan sya nagpunta.
Napalingon ako kung saan sila nakaupo noon pero tanging sila Camille and Frances lang ang nandoon. Nakakapanibago.
I sighed..
"Lalim bes. Okay ka lang ba?" narinig kong sabi ni Maxine sa tabi ko.
Nakita ko syang nakangiti. Well unlike other people this one doesn't seem like she cares about Skyller well, eversince daw kasing absent si Skyller lagi na daw ulit akong nakikipaghang out sa kanya.Napakaclingy talaga ng best friend ko.
I smiled "I'm good. Worried lang ako baka kasi di ko matandaan yung nireview ko"
She nodded " e bes kahit yata nakapikit ka makakabisado mo yan. Kaya nga ko tumabi sayo, di kasi ako nakapagreview" sabay pa cute "pakopya bes"
Natulala ako sa kanya. Grabe di ako makapaniwala ngumingiti pa to kahit kailan talaga tong bestfriend ko kakaiba e advanced mag isip
"Bwisit ka kaya pala tumabi ka! Kala ko pa naman tumabi ka kasi ako yung best friend mo" natatawang sabi ko.
She smiled at me. Napailing na lang ako kasi dumating na yung prof namin.
"Alright class bring out a whole sheet of yellow paper. We're writing an essay"
Agad napatingin si Maxine sakin. Halatang di nya inaasahang di sya makakakopya sakin. I sighed dapat kasi nagbasa to e.
"Grabe naman tong si Prof walang awa" sabi nya tsaka padabog na kinuha yung yellow sheet nya
Natawa ako kasi ang cute tignan ng best friend ko. Kung naging lalaki siguro ako baka niligawan ko na to. Wala kana kasing mahihiling pa smile pa lang kasi nya nawawala na lahat ng pagod o bad vibes mo kaya nagtataka ako kung bakit wala pa syang boyfriend
Tinignan ko syang mabuti " bes bat pala wala ka pang sinasagot sa mga manliligaw mo? I mean madami ka namang manliligaw"
Napatingin naman to sakin na parang natulala " ah-h e bes--ano kasi ah-- wala pa kong time para dyan, kasi ano ahm" paputol nyang sabi habang parang di sya mapakali " study first! Oo study first kasi ako bes!" Medyo napalakas na sabi nya kaya naman napatingin sa kanya yung iba pa naming kaklase
" oh " yan lang nasabi ko natawa kasi ako sa mukha nya medyo namumula sya dahil na din siguro sa pinagtitinginan na sya ngayon at dahil na din siguro sa narealize nya yung sinabi nyang 'study first' sya , alam kasi ng karamihan sa mga kaklase namin kung gaano katamad mag aral itong si Maxine. "Bes tama yan" sabi ko na lang para tumigil na din siguro yung mga kaklase namin sa pag tawa ng mahina dahil sa sinabi ni Maxine.
The whole time naka yuko lang sya. Nahihiya yata o nagpapanggap na nagsusulat para di mapagalitan ng prof.
Napakacute talaga nitong isang to.
Maxine Pov
Kanina pa ko tahimik matapos magtanong ni Jessica about sa personal life ko. Actually di naman ako napatahimik dahil nahihiya ako sa mga kaklase ko I think dahil yun sa napapaisip din ako kung bakit di pa ko naglalovelife. I mean yes nasubukan ko nang pumunta sa mga blind dates na sinet sa akin ng dad ko pero ni isa sa mga boys na dinate ko ang nagustuhan ko. Omg what's wrong with me?!

BINABASA MO ANG
My Brother's Girlfriend GXG
RomanceSkyller Jane Ring Yan ang pangalang maririnig mo agad pagpasok mo sa Laferra University. maganda ito at masungit. kahit kakatransfer pa Lang nya ay madami na Itong taga-hanga. anak sya ng isa sa pinakamayamang tao sa Pinas at Iba pang panig ng Asia...