Ito yung ginawa kong script para sa finals namin sa subject naming literatures of the philippines noong first year college. Bale ang nabunot naming paksa ay patungkol sa "self identity problem". Itong script na ito ang aming naging batayan: ang mga nilalaman nito, mga eksena at mga pananalita ng bawat karakter ay aming isinagawa sa harap ng klase. Role playing kung tawagin ng ilan, o sa madaling salita ay play. Noong una, nung hindi pa kami nagpe-perform ng mga ka-blockmates ko, wala pa talaga itong title. Nakakatuwa lang isipin na ang title nito noon ay "Ano magandang title?". Oo, yun. Wala kasi talaga akong maisip na malupit-lupit na title. Ngunit, noong araw na ng aming performance, habang nasa harap na kami, bigla nalang pumasok sa isip ko ang salitang "yagartlu".
Yagartlu? Malamang, ngayon niyo lang narining ang salitang 'yan.
Kaya, let's proceed na sa istorya, simulan na natin ito para malaman ang pinagmulan ng pamagat...
Damhin ang bawat mga linya ng mga karakter. Bagalan lang ang pagbabasa, damhin.
-kesokarl
BINABASA MO ANG
Yagartlu
Teen FictionKwentong sabaw, parang lugaw. Nuff said. Basahin niyo nalang, nang malaman. Sundan niyo ah.