Natigilan si tatay Noy. Pino-process niya pa kung ano ang magiging reaksyon niya.
Magagalit ba siya?
Mandidiri?
Bubugbugin niya ba sa harap ng mga tao ng matauhan at hindi na muli sabihin ang bagay na iyon? Tatadyakan ng bongga sa mukha with matching confetti once na ma-knock out?
Pero hindi,
isang mabuting ama si Noy.
Hinding-hindi niya iyon magagawa sa kaisa-isa niyang anak na dalaga,
ay,
este...
binata.
"Anak, lika nga dito."
kinabahan si Eriko, dug dug. dug dug.
lumapit siya, dahan dahan..
sa isip isip niya:"Sasapukin ako nito, sasapukin ako nito, syet."
pero...
"kahit ano ka pa, kahit kriminal, rapist ng manok,isda or kalabaw man 'yan, aswang o manananggal ka pa, at higit sa lahat kahit sirena ka pa,
tanggap kita anak."
tumigil saglit ang pagtibok ng puso ni Eriko. Hindi niya ma-imagine...
tanggap siya!
napangiti. Makikita sa mga mata niya ang excitement at matinding emosyon. Basta,
ang taray ng aura.
Tumingin ng diretsyo si Eriko sa dalawang mata ni tatay Noy... lumuluha. tears of joy.
"Talaga 'tay?"
si tatay Noy, nakangiti,
hinawakan ang kanang balikat ni Eriko, sabay...
"Isang walang kwentang ama ang pagbuhatan ng kamay ang kanyang anak sa kadahilanang siya ay bakla.
Mahal kita anak.
Nanonood ka ba ng myx, anak?
nagulat si Eriko.
"Opo 'tay."
"May napanood akong kanta dun eh, ambangis. Nang dahil dun eh nabago ang tingin ko sa mga tulad mo."
" 'Tay?"
"Kung minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla. Gloc 9.
Salamat sa verse na 'yan.
Proud ako sa'yo anak."
" 'Tay, isa kang dakilang ama.
Mapalad ako at ikaw ang naging tatay ko. Winner ka 'tay!"
"Hay na'ko, Eriko,
este,
Erika!
tayo na nga at hinihintay na tayo ni Mudravelles.
Let's gaw!"
"Gorabelles!"
kumekembot na naglakad ang mag-ama papunta sa sakayan ng jeep papunta sa kanilang bahay.
"I love you anak."
"I love you din itay."
Magandang aura ang naganap. Hay, buhay...
Sana maraming tulad ni Tatay Noy. Saludo!
Isa kang dakilang ama. Kung nasan ka man, mabuhay ka.
Ang swerte ni Eriko, ay, este ni Erika. Suuuuuper!!!
What a lucky gay with a lucky day ika nga.
Okay! 2 down! Success ang rebelasyon!
Nasa bahay na ang mag-ama, parang mga naka-shabu sa sobrang high ng kanilang mga ngiti, nagtatawanan na parang magka-barkadang nag wi-weeds... katol pa mga dre. (combong droga haha! - shabu-marijuana-katol-)
Humirit bigla si Mommy Andeng.
"Ang saya niyo ah?"
"Hi Hon!"
kiniss ni Noy pisngi ni Andeng, amoy zonrox pa yung pisngi, naglalaba kasi. Napunasan. Pwe.
" Oy Eriko, ano? Okay na?"
sumagot agad ang bakla.
"Okay na okay! Clear as purified distilled water with crystal shards ( ang corny na, ang konyo pa, ang landi pa. tseee!)
Ma, napakasaya ko ngayon!"
humirit si itay...
"Masaya ako para sa anak natin.
I'm a proud daddy. Hehe."
"Eriko! lika nga dito! Batang ito oh!"
hindi maganda sa pandinig ng mag-ama ang pangalang Eriko, kaya...
sabay nilang sinabi na...
"Erika."
natawa si nanay Andeng..
"Ay, oo nga pala ano? Kayo talaga!
Tara, kain na tayo, nakahanda na ang pagkain sa mesa."
WAKAS.
uh, wait. meron pang extrang chapter. Check it out. Para mas malinaw yung story, at malaman na natin ang pinagmulan ng Yagartlu.
![](https://img.wattpad.com/cover/5556314-288-k907333.jpg)
BINABASA MO ANG
Yagartlu
Teen FictionKwentong sabaw, parang lugaw. Nuff said. Basahin niyo nalang, nang malaman. Sundan niyo ah.