Ang setting: sa school, sa room ng section na kinabibilangan ni Eriko.
Excited na excited na si Rikki na makita ang boyfriend niyang si Eriko. Halos 6 months narin silang mag-on. Malaki ang expectation ni Rikki sa kanyang minamahal...
Maagang dumating sa school si Rikki, mga 6:30 yata. Walang nakaupo sa katabi niyang upuan, which is upuan ni Eriko. Seatmate/Cheatmate/Soulmate ang peg nila.
"Tagal naman ni Eriko."
A moment of silence..Dumating bigla si Karel, ang macho gwapito with a perfect body built at ultra heartrob sa school. Siya ang abanger ni Rikki.
Lumapit si Karel kay Rikki, at umupo sa upuan ni Eriko.
"Oh, Rikki. Mukhang problemado ka ngayon ah."
Natigil bigla ang senti momentum ni Rikki. Napunta bigla ang atensyon niya kay Karel.
"Oh, Karel! Hindi naman masyado."
"Ano ba ang problema?
"Eh nag-aalala lang kasi ako kay Eriko. SInce last month lagi nalang siyang nale-late sa school, tapos lagi siyang napapa-barkada sa mga volleyball players ng school naten, puro nalang siya laro. Napapabayaan na niya ang academics. Nababawasan na rin yung binibigay niyang atensyon at oras sa'kin."
Ngiting tagumpay si Karel nang malaman niya ang kinalalagyan nila ni Eriko. Nag-ilaw ang mga mata niya. Makikita mo ang spark sa kanyang ngiti nang malamang nagkakaganun na si Eriko. Hm, mukang nakakakuha na ng tamang tyempo itong si Karel para dumamoves kay Rikki. Mukang napaaga ang kanyang pina-planong gawin. "Alam na Karel. Alam na." Yan ang salitang makikita sa bawat sulok ng isipan ni Karel. Alam na...
"Tsk tsk. Iba talaga ang peer pressure ano? Napapansin ko nga e parang may nagbabago sa kanya. May mga kakaibang salita na siyang ginagamit na kadalasan kong naririnig sa mga..."
"Beki. Oo, alam ko na 'yan. Pero nanti-trip lang 'yun. "
"Di kaya?...Oh well, tutal wala naman si Eriko. Uhm...may ibibigay sana ako sa iyo."
"Huh? Ano 'yun?"
Unfortunately...
"Good morning class!"
na-distract bigla ang usapan ng dalawa, napunta ang atensyon ng dalawa sa teacher.
"Kalimutan muna natin ang espesyal na araw ngayon ha. Ayoko muna makakita ng mga bulaklak or chocolates during my class.Kung para sakin 'yan, go, akin na. Sa mga gumagawa or nagka-cram pang gumawa ng love letter para sa kanilang minamahal or mamahalin palang ngayon, itigil niyo na 'yan. Dapat ginawa niyo na 'yan maaga pa lang.
Pwe."
Nagtawanan ang buong klase. Malupit talaga ang sense of humor ni Mrs. Cuares. Cool teacher talaga.
Umupo na si teacher sa table niya. After a few seconds, na realize niya na di niya pala dala yung lesson plan niya.
"Oh great. I forgot my lesson plan, guys. Ay, teka. Napanood niyo yung,(insert a chismis from a showbiz issue)
Habang kwento pa ng kwento ang teacher sa harapan, dumiskarte si Karel na ituloy ang na-disturb nilang conversation ni Rikki. Heto naaaaa!
"Uy, Rikki."
"Oh, Karel."
"So much for that class. Anyway, i'll go get my lesson plan muna ha? K."
Paalis na si ma'am.
"So ayun na nga. May ibibigay ako sa'yo. Wala naman si Eriko e."
Nakakunot ang noo ni Rikki habang tinitignan ang mga mata ni Karel.
"?"
Hawak ni Karel ang malupit-lupit na rose with a love letter attached into it.
"Happy Valentttt......"
Oops. Napatigil, kasi may dumating! Ang bida!!!
Pero naiabot niya kay Rikki yung rose with letter...Tinago niya agad ito, sinuksok ng mabilis sa bag.
"Sorry I'm late."
Haggard na haggard ang aura ni Eriko, exhausted-looking. Parang kakatapos lang mag-olympics. Haha! charot.
Nagkasalubungan sila ng titser, sa may bandang pinto ng room.
Mabilis na umalis si Karel sa tabi ni Rikki. Bumalik na siya sa orig. niyang upuan.
"Oh Mr.Chan, tardy again? Poor boy...Well guys, i'll go get my lesson plan ha, class?"
"YES MA'AM!"
"Mr.Chan, please take your sit. Quietly."
Naging okay na ang pakiramdam ni Rikki, nawala yung anxiety niya ng makita si Eriko. Umupo ang bida natin sa tabi ni Rikki. Hinihintay niya na magsalita si Eriko ngunit di ito umiimik at tulala with matching dizziness chorva. Kaya, pinili nalang niyang wag na muna kausapin ito.
During class, medyo nagiging awkward na dahil di sila nag-uusap at tila may sariling mundo silang dalawa.
Then after class, I'ts recess time, ang pinaka-paborito ko (lahat naman tayo eh), sabay na lumabas ang dalawang mag-jowa sa classroom. Nagkaron na ng lakas ng loob si Rikki na kausapin si Eriko...
"Hay... Eriko, mag-usap nga tayo. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema."
"............"
"Ano? Walang pagsagot?
"..........."
"Oh sige, ganito. Ako, may problema ako."
Nagulat at napa-isip ang bida, nagising ang diwa at mas naging focused siya ng sambitin iyon ni Rikki, it took 10 seconds bago siya makapag salita, 10 seconds.
"Ano 'yon, Rikki?"
"Valentines ngayon di'ba?"
"Holy shiiiiii....."
ay antanga. patay.
BINABASA MO ANG
Yagartlu
Teen FictionKwentong sabaw, parang lugaw. Nuff said. Basahin niyo nalang, nang malaman. Sundan niyo ah.