At 'yun na nga. Perfect timing si Karel. Di nagtagal, sinagot siya ni Rikki. Ambilis di'ba?
Pbb teens?
Maiba tayo.
Balik tayo kay Eriko.
Depressed na depressed ang mukha, gesture at aura niya.
Pauwi na siya. Di tulad ng dati, lagi silang sabay umuwi ni Rikki. Stress-Drilon ang peg ng bida natin dahil sa mga nangyari kanina.
Sa di kalayuan, nakasalubong ni Eriko ang tatay niya at yung lady guard ng school.
"Oh, yung anak mo oh, anyare jan?"
"Oh anak, di maipinta ang pagmumuka mo ngayon ah."
" 'Tay, kita nalang tayo sa bahay...
pagod po ako, gusto ko na pong umuwi."
"Ah teka teka, sabay na tayo.
Oh, mareng Christine, mauna na ako at ikaw na muna ang bahala dito, sobra na nga itong pago-overtime ko e, sige ha. Sabayan ko lang itong anak ko sa pag-uwi."
"Sige lang pareng Noy."
Habang naglalakad pauwi ang mag-ama, kapansin-pansin ang katahimikan ng anak.
"Ah, Anak?
Okay ka ba tiyan?"
"Di ako nag yakult 'tay e. Di ako okay."
"Haha!
Anak, ano ka ba, seryoso ako.
Minsan nalang tayo mag-seryoso sa mga usapan natin.
Anong problema anak?"
"Problema...
Problema?
Napakarami 'tay!
At isa ka na 'don..."
mahinahon na sinagot ito ni Tatay Noy.
"Anak, oo alam ko, hindi ka masaya sa trabahong pinasok ko, expected ko na 'yan. Pero anak, nagta-trabaho pa rin ako para sa kinabukasan mo. Pinasok ko ito para matustusan ang pag-aaral mo. Di mo ba alam na scholar ka na, kasi security guard na ako sa school mo. Hindi na tayo mahihirapan anak. Hindi na."
tumulo bigla ang luha sa dalawang mata ni Eriko, hindi niya ito inaasahan. Na-touch ang lolo mo.
"Mahirap ang mag-abroad anak, lalo't wala tayong sapat na pera para maka-alis ako muli, at higit sa lahat anak,
mahirap mawalay sa inyo, mga minamahal ko.
Masakit anak, masakit, sobra.
Kaya bumalik ako dito sa pilipinas. Miss na miss ko kayo anak, kayong dalawa ng mama mo...
hindi ko kayang mabuhay mag-isa..."
lalong bumuhos ang mga luha ni Eriko.
pero,
parang eto na yung tamang timing. Moment of truth...
"Di ko alam kung ano ba talaga ako... ang hirap 'tay! huhuhu."
"Anong pinagsasasabi mo anak?"
umiyak na talaga si Eriko.
"Anak?"
" 'Tay.
Bading ako."
BINABASA MO ANG
Yagartlu
Teen FictionKwentong sabaw, parang lugaw. Nuff said. Basahin niyo nalang, nang malaman. Sundan niyo ah.