Ang setting: Sa bahay, sa kwarto, sa kama, amoy alak at amoy panis na laway na kama.
Nag-alarm ang ang cellphone ni ano,
Ni Eriko Chan,
ang bida sa istoryang ito.
Game, simulan na. Ahem.
patuloy ang pag-snooze ng alarm clock sa cellphone. Harlem Shake yung ringtone.
Ahem, ako yung narrator.
Ako si Rock, di ko tunay na pangalan.
Matanong ko lang. Para kanino ka ba gumigising? Etong si Eriko, gumigising siya para sa...
"Tae naman! Ano ba???"
...para sa...
"Badtrip naman!
Inaantok pa'ko.."
...para sa magandang kinabukasan! Naks! Hm. Magising pa kaya siya?
Oh, ayan, sa wakas nagising ka din, puro muta pa oh. Langya. Oh ayan, 7:00 am na. Late ka na gaga ka.
"Anak nang!!!!
Late na ako!!!"
Hay na'ko eto talagang bida naten, nagpuyat nanaman kakalaro ng volleyball nung gabi hanggang madaling araw. Tapos napa-shot pa ng alak dun sa bahay ng isa sa mga kalaro niya.
Natatarantang bumangon si Eriko sa kama. Napapakamot sa ulo.
"Ah shiiii...Hangover na ituuuu,
heavy pare!!!"
Pumunta siya sa kusina, naghahanap ng makakain sa pridyider at biglang bumukas ang main door ng bahay, hindi manlang kumatok ang mataray na ito, si Nanay Andeng, mama niya.
"Oh? Aga natin ah? 'Lang pasok teh?"
"Eh nay, kakagising ko lang ho."
"Oh, yung pagkain mo sa mesa, kanina pa 'yang ala sais, kainin mo na't baka ipisin pa 'yan."
"Eh teka 'nay, san ka po ba galing?"
"Sinamahan ko yung tatay mo sa school mo. Baka daw habulin siya ng mga babae, ang gwapo niya daw kasi sa suot niya.
Siraulo rin yung tatay mo ano?"
"Opo alam ko po, matagal na. Si itay pa. Sus...
Ah teka teka, ano? Si itay, pumunta ng school? Bakit? Anong problema?
Anong ginagawa ni itay dun?
"Wow, daming question marks. Oh sige eto. Naalala mo nung sinabihan ka ng tatay mo na maga-apply siya sa trabaho?
Ayun, natanggap siya at ngayon e umpisa na ng trabaho niya."
"OMG!!! Anong trabaho niya?
At, bakit sa school ko pa?"
"See it by yourself, dude."
Rumakenrol sign si Nanay Andeng kay Eriko, sabay bangga sa balikat niya.
Siga lang teh, siga?
"Ouch ha! Love you 'Nay!"
"Lul."
Napatigil bigla si Nanay Andeng...
"Uy anak, goodluck sa gagawin mong rebelasyon ah. Alam mo na 'yan!
Napangiti saglit si Eriko...
"Oh yes ' Nay! Gogora na aketch! Sige po, kain po muna ako ng bonggang bongga."
Habang kumakain ng bonggang bonggang bfast, napaisip si Eriko kung ano ang trabaho ng kanyang ama. Kinakabahan siya sa mga magaganap ngayong araw. Naku, kaabang-abang!
Dali-dali siyang kumain. Ilang minuto lang ay nag-toothbrush agad siya, pagmumog eh may dugo pang kasama. Dura, sabay talon sa banyo, hinagis ang suot na damit sa labahan. Shampoo mode, sabon, banlaw... in just 1 minute! Sabay takbo sa kwarto, medyo nadulas pa ng konti, puno ng tulo ng tubig ang sahig. Nag-deodorant ( pambabaeng rexona yata ginamit, mabango daw eh.), bihis, ligo sa pabango (lewis and pearl), lagay pulbo sa ilang parte ng katawan at mukha, sabay suot ng medyas, then sapatos. Medyo pawis pawis na ang peg, pero gora pa rin.
"'Nay! gorabellese na me!
muah muah."
"......., Geh anak,
alam na mamaya ah."
Ngiting tagumpay ang mababatid mo sa mukha ni Eriko na may halong determinasyon habang naglalakad papunta sa sakayan papuntang school...Tara, silipin natin ang nagaganap sa school habang wala pa ang bida.
BINABASA MO ANG
Yagartlu
Teen FictionKwentong sabaw, parang lugaw. Nuff said. Basahin niyo nalang, nang malaman. Sundan niyo ah.