Ako po ulit si Rock, di ko tunay na pangalan.
Happy Ending 'no? Hay, ang winner ng story ni Eriko, eksaherada. Well, isang mabuting halimbwa ang istorya na ito para sa mga kabataang nakakaranas ng self-identity problem. Ang dalawang rebelasyong ginawa ni Eriko sa araw ng mga puso ay ang pag-amin niya na siya ay isang bading.
Matagal niya tin tinago ang identity niyang ito, at naging malaking problema rin ito sa kanyang pakikitungo sa pamilya, pag-aaral at sa love-life.
Gulong-gulo siya sa kung ano siya. Ngunit ayun na nga at napag-desisyunan niya nang mabuti ang bagay na iyon; tuluyan niya na ngang inamin ito sa kanyang kasintahan at sa kanyang ama, na hindi pa nalalaman na siya ay isang sirena.
Kung mapapansin, matagal nang alam ng kanyang ina kung ano siya.
Bumalik tayo sa mga naganap noong inuman.
Nag-meeting ang mga beki volleybelles at si Eriko para planuhin ang rebelasyon.
Mga lasing sila pero gising ang diwa.
At nakita niyo, nagtagumpay si Eriko.
Lahat tayo ay may karapatang ilantad kung ano tayo. Ngunit may panahon para dito. Kaya simple lang, just be yourself.
Isang magandang halimbawa ang matagumpay na istorya ni Eriko na magtuturo sa atin na mag-desisyon nang nasa tama, magtuturo sa atin na maging malakas at desidido sa bawat aksyong ating gagawin, at magtuturong magpakatotoo sa buhay.
Yagartlu po. Baliktarin niyo nalang.
ULTRAGAY
BINABASA MO ANG
Yagartlu
Teen FictionKwentong sabaw, parang lugaw. Nuff said. Basahin niyo nalang, nang malaman. Sundan niyo ah.