Chapter 15 ♪ His Smile

39 1 0
                                    

(A/N: I dedicate this chapter to thirdiae28 Thankyou for reading :*)

•ZiNA's POV•

After namin mag-usap ni Ace sa study room kanina di ko na alam kung ano mararamdaman ko. Sobrang litong lito na ako. Hindi ko na alam kung ano dapat kong unahin. Tapos dinagdagan pa niya ako ng bagong aasikasuhing trabaho sa company. Hindi ko kasi matukoy kung ano ba talaga gusto ng Ace na yun! Bibilhin-bilhin niya company namin tapos papagtrabahuin nya ako para din daw sa akin. Talaga bang sinusubukan niya ako! Tch!

Tok tok tok!

"Zina iha?" Boses ni Manang Lerma sa labas ng kwarto ko.

Inayos ko ang sarili ko dahil ayoko namang maging busangot ang mukha kong humarap kay Manang Lerma at pagkatapos ay tinungo ko na ang pinto para buksan ito.

"Pasok po kayo Manang" sambit ko at umupo ako sa kama para pumasok na din siya.

"Pinabibigay ni Ace iha" at iniabot nya sa akin ang isang card.

Tinignan ko muna yung card bago ako magsalita. "Huh? Credit card po ito ni Ace ha?" Aanhin ko naman tong credit card niya?

"Siya nalang ang tanungin mo iha at aasikasuhin ko pa ang lunch natin" at lumabas na si Manang.

Di na tuloy ako nakapagpasalamat sa paghatid ni Manang dahil iniisip ko kung bakit nya ibinigay ang credur card niya sa akin. Lumbas din ako para puntahan si Ace sa study room pero di ko siya nakita doon. Pupuntahan ko sana siya sa kwarto kaso masyado ng cliché yung naiisip ko eh. Nagiisip pa ako ng gagawin ng bigla namang tumunog ang cellphone ko.

TEXT MESSAGE FROM :
Zachary Ace Ruiz

Agad kong binuksan ang message niya.

["Use my card and buy some dress, shoes, or anything that you can use for your work starting tomorrow. Dont wait for me till lunch and dinner, di kita masasabayan. Take care."]

Tch! Nakakainis. Ano akala niya sa akin? Walang presentableng damit? At lalong nakakainis na magsimula ng nagsama kami dito, hindi pa kami nagkakasabay kumain! Tch!

Tampo much te? - si conscience.

Tseh! Isa ka pa. Tch. Tatawagan ko na sana si Cindy para samahan akong mamili ng damit kaso nasa Honeymoon pa nga pala yun.
Wala naman akong ibang babaeng kaibigan kaya ako nalang.

Imbes na dito pa mananghalian, naisip ko ng mag-ayos para sa labas nalang kumain.

After an hour, natapos na ako maligo at mag-ayos. Kaya naman bumaba na ako agad para makapagpaalam na ako kay Manang.

"O iha! Saktong sakto ang pagbaba mo. Luto na ang pagkain. Halika na dito para sabay na kayo ni Ace" -si Manang Lerma

"Manang nagpasabi na po si Ace na hindi dito kakaen hanggang dinner pa daw po kaya aalis na lang po ako at may bibilhin pa po ako" sabi ko kahit hindi pa ako nakarating sa kusina dahil nakatayo si Manang sa may pintuan ng kusina.

Nagtaka naman ako ng biglang ngumiti si Manang. Problema nman ni Manang Lerma at parang kinilig bigla. Umalis siya sa pinto at pumasok na sa kusina dahilan yun para masilayan ko ng kaunti ang loob ng kusina sinundan ko si Manang para tanungin kung bakit sya ngumiti at sumalubong sa akin ang isang lalakeng nakaupo sa dining table na nakatingin sa akin habang nakangiti rin.

And that smile-- The very same smile that always melts my heart and washes away all the pains of this life-- I can't believe it still has the same effect in me.

His Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now