Chapter 1 ♫ Dreams or Memories?

152 16 1
                                    

Adrielle Zina's POV

"Zina!" Sigaw ng isang lalake. A very familiar voice. Huh? Lingon sa likod... sa kanan... sa kaliwa... at balik ulit sa harap...

"Zina" Malumanay niyang tawag sa pangalan ko. That Voice.

"Zina...Mahal kita" His voice. Always music to my ears.

"Zina" Faded voice. Teka. wag muna. gusto ko pa marinig ang boses mo. Please.

"PLEASE!!" Sigaw ko.

(o_-)

(-_o)

(O_O)

Panaginip nanaman pala. Umuupo ako sa kama at umusog pasandal sa headboard. Unti unting lumalabo ang paningin ko. Nag uunahan na palang pumatak ang mga luha ko. Wala akong ibang nasabi kundi....

"Wag Ace... Wag mong gawin sa akin to... Masyado ng masakit para pati sa panaginip maisip kita..." inilublob ko ang mukha ko sa pagitan ng tuhod ko at umiyak ng umiyak.

Ito ang usually start ng morning ko. Memories of Him na kung pwede lang ih bluetooth or i-e-mail sa iba para pumasok agad sa memory nila or kahit anong tehnology na makakatulong sa sitwasyon ko ngayon. Pero wala eh. asaness pa ko diba? Haay. Pero bago ang kung anu-anong kadramahan sa buhay ko, pakilala muna ako sa inyo. Kahiya naman kasi kung puro si Sexy Author lang ang nag-iintroduce diba? Ehem.

I'm Adrielle Zina Song. 24 Years Old. Graduate ng Hotel and Restaurant Management. Panganay ako sa amin ng Kapatid ko pero step sister ko lang siya. Hindi maayos ang samahan namin ng Famiy namin. Nakatira ako sa Papa ko and my step sister naman ay nasa Mama ko. Kahit na may kataasan ang estado namin sa buhay, I chose to work than to waste our money. Actually for only one reason. To MOVE ON. Since i was young I always have someone na laging dumadamay sa akin hanggang sa mkagraduate ako. but 3 years ago, He left me, not because he wanted to leave, but because he doesnt remember me. Since the day na maaksidente siya di ko na sia nakita. Ayaw din sa akin ng parents niya kaya di na nila ako pinakilala sa kanya.. So dito na magsisimula ang panibagong araw na di ko inaasahang mangyayari pa pala.

TOK! TOK! TOK!

"Pasok po" sagot ko habang pinupunasan ang mata ko na basang basa sa luha ko.

"Good Morning Iha. Pinapababa ka na ng Papa mo at magaalmusal na daw kayo." Si Nanay Linda. Ang Kasama namin sa bahay na parang anak na din ang turing sa akin. magsimula nung bata ako ay kasama na namin siya sa bahay. Kahit may edad na siya, nandito parin siya. Sakanya lang kasi may tiwala si Papa sa pag aalaga sa akin magsimula noon.

"Opo Nay.. pero pwede po bang payakap muna?" I open wide my arms sa pag alok ko ng yakap sa kanya. agad namang lumapit si nanay sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Zina anak, Bad dreams?" Tipid niyang tanong habang nakayuko patingin sa akin.

"No Nanay. Its not a dream. Its a memory of Him....again" at unti unti na akong humihikbi habang nkalubog ang mukha ko sa bandang tiyan ni Nanay Linda.

"Ssshh... tahan na anak... ang mga alaala na hindi niya maalala sa ngayon... ikaw muna ang magtabi... Para sa oras na magkita kayo ulit sariwa parin sayo at mapaalala mo sakanya. hindi ba?" Pagtatahan niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko.

"Nay.. Is it still possible?..... Na makita ko siya..... Na maalala nia ako..... Na mamahalin parin niya ako?" Patuloy kong paghikbi habang unti unti inalis ni Nanay Linda ang yakap sa akin para umupo sa tabi ko sa kama at iniharap ang mukha ko sakanya.

"Zina anak, alam natin pareho na magiging masakit at magiging mahirap kapag dumating ka sa sitwasyon na yon. Kaya kailangan mong timbangin ano bang ang mas mahirap. Ipaglaban siya o isuko siya." And that strike me. Hindi ko pa masagot kaya tumahimik nalang ako. Pununasan na ni Nanay Linda ang mga luha sa pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Tayo na sa labas iha.." at tumayo na siya papunta sa labas.

Naiwan akong nakatulala sa kwarto at iniisip ang tanong ni Nanay... Pero di ko talaga alam eh.. Haay. Si Nanay talaga. Ginulo lang isip ko eh.. Saka na nga yun kapag dumating na sa sitwasyon na yon. Nag ayos na ako ng sarili ko at bumaba ng hagdan papunta sa kitchen kung saan ay inabutan ko si Papa na nagta-type sa laptop habang hinihintay ako bumaba. Nang makita niya ako ay agad naman niyang sinarado ang laptop niya at kunwari ay kumakain na..

"GoodMorning Baby!" (^________^) -Papa

"Morning Papa.. Napupunit nanaman po yang pisngi niyo sa haba ng ngiti niyo." (-_____-) -ako

"At ikaw naman kumukulubot na mukha mo sa kakasimangot mo." Tumayo si Papa para makalapit sa akn at pumwesto sa likod ko at pagkatapos...

(^__________^) -Papa

(>______ <) - Ako

Pinisil lang naman niya ang pisngi ko. Urgh!

"Papa naman eh!" Pairita kong sabi sakanya.

"Aba! humahaba nanaman nguso mo baby. Gusto mo pa take two?" Inaabot nanaman niya dalawa niyang kayang sa akin.

"Ayaw na Papa! Kumain kana nga lang dyan. Tch!" Magsasalita pa sana si Papa ng biglang magtatakbo palapit sa amin si Elisa na may dalang dyaryo, ang dalagitang alaga ni Nanay Linda na kasama din naman sa bahay.

"Ate Zina! Ate Zina! OMG! Look ate oh!" -Elisa

"Aray naman Elisa. wag mo naman ingudngod sa akin yang hawak mo. Hindi ko na makita eh."- (=__=) -ako

"Ay sorry ate! eh kasi naman! Kakaloka tong nasa Headline! Ang bunsong anak daw ng Ruiz Company ay uuwi na galing sa america!! Eh diba ate si Kuya Ace yun? OMG! Magaling na kaya siya! Ate baka naalala ka na niya.. Baka uuuwi siya dito dahil sayo.. baka hinahanap ka na niya.. Baka asdfghjkl" natigilan lang si Elisa ng isubo ni Nanay Linda ang isang malaking tinapay sa bibig ni Elisa.. at dahil doon... Thank you Nay Linda.

Ibig sabihin uuwi na siya? Tama nga kaya ang mga hinala ni Elisa? Naalala na kaya nia ako? Umuwi kaya siya para sa akin? Pero hindi. Ayokong umasa. Ayokong masaktan lang.

"Aakyat po muna ako sa kwarto ko and please... wag niyo po muna akong pupuntahan sa kwarto" tumayo ako at diretsong umakyat sa hagdan.

"Ang bibig mo talaga Elisa." Narinig ko pang sita ni Nanay Linda. Alam kong nasasaktan din sila pero kelangan ko talaga mag-isa muna...

~

(A/N: Sorry for late update guys. Hope you like it. :) )

His Forgotten MemoriesWhere stories live. Discover now