Chapter 2

1.3K 32 31
                                    

"ANAK!" yan na naman po sila >_< Pagkauwing-pagkauwi ko ng bahay sigaw kagad ang bungad nila sa akin.

"Po?" kunwari anghel. Pakitang tao muna ako ngayon kasi may ibang tao eh. Nandun sila sa may sala, nakaupo. Hindi ko alam kung sino kasi nakatalikod sa way ko eh.

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Nakakahiya naman sa bisita natin." sabi sakin ni Mama habang nakangiti na akala mo ay napakabait. Syempre, nakaharap siya sa bisita namin eh.

"Sorry po." paghingi ko na pasensya sa kanila.

"Hindi mo kailangan mag-sorry." sabi ng tao sa likod na biglang umakbay sakin. "Magkasama po kami ^___^" tinignan ko kung sino. O_________________________O Paksyeteng inamis! Si Mr. PERFECTionist pala >__<

"Ah, kayo pala ang magkasama. Mabuti naman ^^" halatang natuwa naman ang magulang ko sa sinabi ni Justin. Tinignan ko siya uli at nakatingin din siya sakin, nagsukatan kami ng tingin.

"Pakyu ka talaga." bulong ko sa kanya. At tinanggal yung pagkakaakbay niya sa akin.

"Hindi ko gusto yang pananamit mo." bulong niya sakin. "Kitang-kita na ang kaluluwa mo." dagdag niya pa.

"ANO BANG PAKI MO?!?!!" bigla kong naisigaw sa sobrang inis.

"May problema ba?" tinignan ko yung nagtanong. Tsk -,- Hindi ko kilala. Sino ba 'yang mga yan? Katrabaho ulit nina Mom.

"Wala pong problema Ma." MA????!!!?? Yan yung magulang ni Justin? Parang ang bata naman. Halos kaedadan lang niya? Pabalik-balik yung tingin ko sa kanilang dalawa at pareho rin naman silang nakatingin sakin at nakangiti.

"Ilang taon ka na?" bigla kong tanong sa babae.

"54." sagot niya.

"54?!!!?!? Mukha ka lang pong 23 eh." nasabi ko bigla. "Parang kapatid ka lang niya." tapos tinuro ko si Justin.

"Hahahahha." Tinawanan naman nila ako. -,- Ano  bang nakakatawa sa mga sinabi ko? Tss, nakakainis naman talaga oh. Pero ano kayang ginawa niya sa mukha niya kaya nag-stay ang beauty niya? Yung Mama ko kasi mukhang matanda na talaga eh.

"Nakakatuwa naman itong daughter-in-law ko." sabi nung Mama ni Justin at lumapit pa sa akin. "Magkakasundo tayo ^___^ Maupo ka na." tapos dinala niya na ako sa may Sala.

*

Pinagtabi kami ni Justin dito sa pang-isahang upuan lang. TINGIN NILA KASYA KAMI DITO??!??! Kalahating pwet ko nga lang ang nakaupo eh. Ang laki pa naman kasi ng pwedeng upuan sa upuan na inuupuan ng mga magulang namin tapos gusto dito pa kami maupo sa maliit at magkatabi pa!!!

"Kumandong ka na lang kasi sakin para hindi ka mahirapan." bulong sakin ni Justin. "Isang oras pa yan mag-uusap." dagdag niya pa.

"Okay lang na mahirapan ako basta hindi ako kakandong sa'yo noh!!!" bulong ko rin sa kanya ng naiinis.

The Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon