Chapter 16

477 17 15
                                    

"Seriously, Flor? Dito ka sa amin titira?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jackie. "Hindi naman sa ayaw ko kaso parang nakakahiya, tagpi-tagpi lang 'tong bahay namin baka hindi ka sanay. Atsaka... Wala ako lagi dito kasi you know... yung kasal, baka mahirapan ka."

"Ahhh ganun ba? Sige. Lilipat na lang ako." Dismayadong sabi ko at nagsimula na ulit maglakad palayo.

"Sorry, Flor." Paghingi niya ng paumanhin at matutunugan ang lungkot sa boses niya.

"It's okay, Jack. Thank you." Pagngiti ko sa kanya saka siya niyakap. "H'wag mo ako kakalimutan sa kasal mo ah. Miss na kita."

"Sorry talaga. Syempre, hindi kita makakalimutan. Made-of-honor nga kita eh. Tawagan mo lang ako kung may problema, ha?" Sinabi niya habang hinahagod ang likod ko.

"Sige, bye." Pagpapaalam ko at sumakay na sa kotse ko. Kanino naman ako makikituloy nito ngayon? Kaninang tinawagan ko si Yoona, nasa probinsya sila para hindi masyadong polluted para sa baby.

Sina Mommy nasa out of town pa rin. I only have one friend left.

~

"Thank you, Troy!" Masayang pasasalamat ko na finally... may matutulugan na ako. And it's Troy's house.

"You know, you're always welcome." Sabi niya sa'kin sabay kindat. "Nasa kabilang kwarto lang ako. Tawagin mo na lang ako kung sakaling may kailangan ka pa." At lumabas na siya sa kwarto na tutuluyan ko.

 Iniaayos ko na ang mga gamit ko sa cabinet na available dito sa kwarto. Malaki rin naman kasi yung kwarto na 'to, siguro mga kasing-size lang din 'to nung kwarto ko sa bahay namin ni Justin. Kaso manly ang interior nitong kwarto, pero okay na rin. Maganda naman ang design eh.

MATAPOS kong mag-ayos ng gamit. Bumaba na ako para sa dinner. At pagpunta ko sa dining area, nakaupo na si Troy at nagsasandok ng makakain niya.

"Good eve." pagbati ko sa kanya at naupo. "Ikaw lang ba mag-isa dito?" tanong ko nang makaupo na ako.

"Ahhh, hindi. May dalawa akong kasambahay dito." sagot niya sa tanong ko. "At ngayon kasama kita kaya hindi talaga ako mag-isa dito."

"Ahhhh, pero... Ah wala." At kumain na lang kami ng tahimik kasi wala naman kaming pag-uusapan eh. Hanggang sa matapos kaming dalawa kumain at pumunta sa sala.

"DI BA may trabaho ka roon sa bar mo? Bakit hindi ka pa pumupunta do'n?" tanong ko sa kanya nang maalala ko ang naging pag-uusap namin noong nakaraang araw.

"Mamaya pa ako pupunta do'n. Gusto mong sumama?" Tanong naman niya sa akin na may pataas-taas pa ng kilay.

"Wala akong perang dala dito." Nakangiwing sagot ko. "Kailangan ko pang mag-withdraw." Nagakamot ulo kong dahilan.

"No... no. It's okay. Libre kita." sabi niya at ngumiti. Shet! Ang gwapo talaga niya. Hayyyyy! Heaven to the infinite level.

The Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon