Chapter 4

1K 25 15
                                    

Kinakabahan ako. Nandito na ako sa kotse, sa tapat ng simbahan. Oh my gosh!!!!! Nandyan na yung mga photographers pati na rin yung mga magbi-video. OMG!!!! Kinakabahan talaga ako. >___< Sa Tv ko lang talaga kasi napanood yung ganitong chuchuness. Hindi naman kami nag-practice eh. Anong sasabihin ko? Baka madapa ako? HALA!!! Baka mapahiya ako.

"Wag kang kabahan." sabi sakin nung driver nitong sinasakyan ko. "Pag kinabahan ka, mawawala ka sa konsentrasyon." sabi niya sakin.

"Ha? Eh kasi first time kaya nakakakaba?" sabi ko.

"Hahaha. Bakit? May balak ka bang ikasal ng second time?" sabi niya at ngumiti.

"Ha? Wala. Hindi ko naman mahal yang papakasalan ko eh." sabi ko sa kanya.

"Ha? Bakit naman? At bakit ka magpapakasal kung hindi mo naman mahal." tanong niya.

"Fixed marriage kasi eh." sabi ko sa kanya,

"Pwede ka namang tumanggi ah." sabi niya.

"Yun nga problema ko eh. Wala akong sariling desisyon. Sila ang kumukontrol sakin." sabi ko sa kanya.

"Ang hirap din pala maging mayaman noh?" sabi niya. "Buti na lang at hindi ako naging mayaman katulad mo pero panget din naman maging mahirap. Kailangan pa magtrabaho ng magtrabaho para makaraos." dagdag niya. "Hehhehe, pero hindi na mahirap ngayon. Ako na lang mag-isa eh."

"Ha? Ano nangyari sa family mo?" tanong ko.

"Ako yung panganay sa pamilya kasi only child ako eh. Iniwan nila ako kina lola nung bata pa ako, 3years old ata ako nun. Iniwan nila ako kasi hindi pa ako kaya buhayin ng magulang ko. Tapos isang araw, nabalitaan ko... namatay na parents ko dahil sa car accident. Saklap. Heheh." ngumiti pa rin siya pero yung mata naman niya malungkot. "6 years old ako nung nabalitaan ko yun. Tapos After 5 years, Namatay si Lolo dahil sa katandaan. Tapos sumunod na taon naman, si Lola dahil sa sobrang lungkot at matanda na rin." kwento niya.

"Sorry to hear that." sabi ko sa kanya.

"Okay lang, tapos naman na eh. Atsaka buhay ako ngayon, malakas. Macho!" pagbibiro niya. "Ako pala si Troy." tapos inabot niya ang kamay niya. Iaabot ko na sana yung kamay ko kaso biglang bumukas yung pintuan.

"Ma'am Tay (Tey), malapit ka na po mag-entrance." sabi sakin ng isang utusan ni Dad.

"Sige, alis na ako." sabi ko kay Troy at ngumiti. Ngumiti rin naman siya. "See you later or maybe next time :D" pahabol ko bago tuluyang makalabas.

The Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon