Chapter 7

896 22 18
                                    

Here's the new update, sana magustuhan niyo :) By the way, hindi po siya nakalagay sa category na Short Story pero short story lang po ang TRW. Enjoy reading! ^_~

Pasensya kung short ud lang, I'm still preparing for my investigatory project pa po kasi.

Pagpasensyahan na lang po uli yung mga wrong grammars o typos kung magkakaroon. Mobile user lang po ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*

Nandito ako sa bahay ni Yoona sa Quezon City, hindi alam nila mama 'tong bahay dito ni Yoona. Alam niyo ba... Tatlong araw na akong tumakas kay Justin. Habang nagluluto siya sa kusina, umalis na ako.

Magkagalit kami eh. Hindi niya nga ako pinapansin eh, di ba? -.- So eto, namili na ako ng mga gamit na kailangan ko para sa pag-alis ko. Nag-withdraw na rin ako ng pera.

Mamayang 2pm ang flight ko at 10am na ngayon. Hihintayin ko lang na mag-11am tapos aalis na ako.

"Girl, sigurado ka na ba talaga sa desiyon mo?" tanong sa akin ni Yoona.

"Kung kailan nakaayos na lahat ng gamit at pati ako nakaayos na, atsaka mo tatanungin kung sure na ba? Shunga ka?!" pabiro kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya at niyakap ako.

"Mamimiss talaga kita ng bonggang-bongga!!!! Basta wag mo kong kalimutan tawagan ah." sabi niya sa akin.

"Gaga! Hindi na ako tatawag. Kailangan ko ng malaking pagbabago. Basta! Hindi kita makakalimutan!!!" tapos nagyakapan na kaming dalawa.

--

Nakaalis na ako sa puder ni Yoona, gusto niya pa nga akong ihatid kaso ayaw ko. Baka habang nakikita ko siya, hindi ako makaalis. Mahal ko talaga yung babaeng yun eh T_T

Nandito na nga ako sa airport eh. Hinihintay ko na lang yung sasakyan kong eroplano. Grabe! Naninibago ako. Kasi... First time kong magta-travel ng walang kasama o mag-isa. Wawa naman ako. Ahahahah. Echos!

Gusto ko talagang mag-isa para matuto ako sa sarili ko. Ayaw ko naman kasi na lagi na lang akong may inaasahan. Gusto kong umunlad sa sarili kong kakayanan. At yun ang goal ko sa pagpunta ng Israel. Wish me luck Guys.

--

(fast forward ko lang)

Nandito na ako sa Israel at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ahahah, joke. Nandito na nga ako sa apartment eh. Nyehehwheh. Wala eh, nandito na ako. Naninibago kagad ako sa temperature at surroundings.

JUSTIN'S POV

Ang tagal ko na siyang hinahanap. Hindi ko naman kasi alam na dahil lang sa mga pag-iwas ko, maglalayas siya. Ang gusto ko lang naman kasi ay humingi siya ng sorry.

Alam kong napakababa ng dahilan ko para iwasan siya, hindi naman ako galit. Nagtatampo lang, hinihintay ko yung lambing niya. At alam ko rin na hindi niya gagawin yung kasi ayaw niya sa akin. Ayaw na ayaw niya sa akin.

Yung pagiging preso niya dito sa loob ng bahay? Hindi ko kagustuhan yun, utos lang sa akin yun ng mga magulang namin. Ayaw ko rin naman na mawala siya sa akin kaya sinunod ko na sila.

Pero ngayon... Eto, tag-ulan sa kalooban ko ngayon. Kasi... Napag-alaman kong wala na siya dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, ayaw nilang sabihin or should I say, niya. Si Yoona, yung best friend niya.

Nandito ako sa kwarto ko na katabi lang ng office ko dito sa company ngayon, nagpapahinga lang. Tapos naman na lahat ng ginagawa ko eh. Kaso... Imbis na makapag-relax ako, nai-stress ako. Kasi SIYA at SIYA lang talaga ang laman ng isip ko.

Mas prefer ko pang maging busy at least hindi ko siya naaalala at hindi ako namomroblema. Dagdag mo pa na kahit saan ako tumingin, mukha niya lang ang nakikita ko.

Yung mga pader at ceiling kasi puro picture niya. Simula nung sinilang siya hanggang sa magkasama na kami sa iisang bubong. Nandoon lahat. Naalala ko pa nga nung elem at hs kami, binibili ko yung mga pics niya sa mga kabarkada niya.

Tapos lagi rin akong may dalang camera, kunwari iba pinipicturan ko pero ang totoo... Siya. Meron pa ngang time na nahuli niya akong pinipicturan siya kasi biglang nag-flash yung camera. Ahahah.

Sa bahay namin, may hidden camera doon. Ahahah, nakikita ko lahat ng ginagawa niya kapag sinimulan ko ng kalikutin yung cp ko. May mga picture ako ng magkakiss kami dahil sa camera na yun. Ahahah, ang saya. Kinikilig pa rin ako habang inaalala lahat ng yun.

Baliw na baliw ako sa kanya. Dito sa side table, puro picture niya rin at picture namin nung kinasal kami. Pati yung mga picture sa reception, nandoon. Lalo na yung pagtakas namin para umihi siya. Ang dami na naming memories kaso ... Lahat kaya yun tanda niya pa? May halaga ba sa kanya yun? Ang sakit isipin.

Mayroon pang-space, bakante. Kulang pa kasi eh. Wala pa kaming mga anak tapos dagdag mo pa na wala pa talaga kaming nagagawa na bonding. Kailan kaya mangyayari yun?

Miss ko na talaga siya. Lagi ko na lang iniisip . Ahahah, kailan ba hindi?! Sana bumalik na siya. Pretending that I'm okay is much harder. Shit.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~*

Short and lame po ba? Busy po kasi talaga ako. Pakiintindi po. Salamat. Iloveyouall.

The Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon